Kabanata LXVIII

4.1K 174 33
                                    

"Some people will never change, and you just have to accept that."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Alam mo 'yung pakiramdam na parang isang malaking joke ang mga nagyayari sa buhay mo? Na para bang umaarte lang ang lahat at scripted ang mga problemang nangyayari sa buhay mo? Na isang araw, may magsasabi nalang sa'yo ng joke joke joke! O 'di kaya'y magigising ka nalang at babalik sa isang realidad kung saan maayos ang lahat.

Kaso hindi e. Ito ang reality ko at kailangan kong tanggapin at harapin 'yun. Ngunit mas magiging madali siguro kung wala ang pressure na nararamdaman ko sa dibdib ko. Bawat oras na lumilipas, mas lalo lamang 'tong dumidiin at nahihirapan na akong huminga at mag isip.

"Troy?" Nilapitan ko ang isa sa mga pinaka matalik na kaibigan ni Asher. Naka upo siya sa fire exit at nag ti-text. Agad niyang ibinaba ang cellphone niya nang makita niya ako.

"Uy," bati niya pabalik bago tapikin ang space sa tabi niya.

Umupo ako sa tabi niya at naramdaman ko nanaman 'yung init sa dibdib ko. Hindi ito 'yung init na mapapa ngiti ka at gagaan ang loob mo. Itong init na 'to, nakaka paso. Masakit.

"Ano meron?" tanong ni Troy.

Hindi ko alam kung dapat ko bang tanungin ang gusto kung tanungin? Paano kung wala siyang alam? Out of line na ba kung sakanya ako magtatanong? Sasabihin niya ba kay Asher ang tatanungin ko sakanya?

"May problema ka ba, Adrian?" tanong ni Troy.

Napakamot ako sa noo ko at napa kagat sa ibabang labi ko. Tanungin mo na Adrianna nang matahimik ka na. "K-Kailangan ko lang ng confirmation?" nag aalangan kong sinabi.

Napa kunot ang noo ni Troy, "Tungkol saan?"

"Uhm.." Sige na, Adrian. May karapatan ka namang malaman. Napalunok ako, "Ano... Anong meron kay Asher at Hannah? Sila ba?"

Mas lumalim ang simangot ni Troy, "Hindi ko alam."

Hindi ayun ang sagot na ine-expect ko. Napahinga akong malalim at nanginginig itong lumabas. "Teka lang," paalam ko bago pumasok sa classroom namin. Kumakain si Jared ng recess niya noong lumapit ako at hindi na din nagtanong nung hiniram ko ang cellphone niya. Bumalik ako sa labas at ipinakita kay Troy 'yung picture na nakita ko sa instagram ni Hannah.

Tinignan niya 'tong mabuti at ilang beses din niya akong tinignan. Tapos ibinalik niya na 'to sakin. "Parang siya," sagot niya. "Pero hindi ako sigurado."

Bakit pakiramdam ko ay nagsisinungaling si Troy sakin? Imposibleng wala siyang alam. Kung pwede lang suntukin ang sarili ko, ginawa ko na dahil naramdaman kong nag iinit ang gilid ng mga mata ko. Bakit ako naiiyak?!

Nginitian ko nalang si Troy at itinuro ulit 'yung phone. "Pero cute sila ah? Bagay." Lumingon ako sa classroom namin kung saan kitang kita ko si Jared na naka tingin saamin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Troy, "Sige na pala. Malapit na mag-bell e. Balik na ako sa room namin."

Nag aalangang tumango si Troy, "Okay."

Tumango ulit ako bago siya talikuran. Binagalan ko ang lakad pabalik sa classroom para hindi niya mapansin na tinatakasan ko lamang siya. Hindi nanaman ako maka hinga. Jusko, hindi na pa ako makaka pag relax kahit saglit lang? Tumitibok nanaman ang ulo ko. Hindi na nakaka buti ang stress na nararamdaman ko, malapit na ata akong ma-depress.

Babalik na sana ako sa upuan ko nang bumukas ang pinto sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ang ulo ni Asher. "Hi," naka ngiting bati niya. Anong ginagawa mo dito, manloloko?

STASG (Rewritten)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora