Kabanata XXVIII

7.4K 245 70
                                    

"Don't settle. Either they will wake up to the fact that you are worth more... or you will."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Asher, alam mo forever ka na dyan." Sabi ko sakanya nang maramdaman ko na ang pangangawit sa batok ko.

"Ba't kasi ang haba haba ng buhok mo?" tanong niya gamit ang nagrereklamong tono. "Gupitin ko 'to e."

"Subukan mo, masasapak kita."

"Saan ka natuto mag ganyan 'Sher?" tanong ni Ethel sakanya bago mangalumbaba. "Wala ka namang kapatid na babae."

"Eto," sagot niya. "kay Adrian. Sakanya ako natuto, paano laging sabog 'yung buhok."

Sumimangot ako at nilingon siya ng kaunti, "Hindi na sabog buhok ko."

"Dati," aniya bago itulak 'yung pisngi ko para lumingon ulit ako sa harap. "kala mo pugad ng ibon."

Tumawa si Ethel sa sinabi ni Asher. "Oo nga, naalala ko 'yun."

"Medyo maikli pa kasi buhok ko nun kayaー"

"Hindi maikli 'yon!" pagputol ni Asher sa sinasabi ko.

"Anong hindi?!" nilingon ko ulit siya at sinamaan ng tingin. Mabilis niya namang iniharap ulit ako ulo ko. "Balikat 'yun noh! Ano na ba buhok ko ngayon? Halos baywang na diba?"

"Tanga," sagot ni Asher. Narinig ko 'yung pag stretch ng sanrio tapos naramdaman kong itinatali na niya buhok ko. "Baba ng balikat mo 'yun," pagpapatuloy niya sa sinasabi niya kanina. "dito oh." Dinutdot niya 'yung kili kili ko.

"Ano ba!" nagpumiglas ako palayo sakanya ata agad siyang hinampas ng malakas sa balikat nung nakatayo na ako mula sa sahig.

"Oh," ngumuso siya at hinawakan 'yung parteng hinampas ko. "ayos ah. Matapos kang i-braid, mananakit?" Umismid ako at humalukipkip kasabay ng pag irap ko sakanya. Ngumisi si Asher at bahagyang tumawa bago tignan si Ethel habang nakaturo sakin. "Ibang klase."

Sinamaan ko ng tingin si Ethel, "Wag mo siyang kakampihan, tatadyakan kita."

"Wala akong sinasabi," nakangising sagot ni Ethel.

Tinignan ko na ulit si Asher, "Umalis ka na nga dito." Masungit na sabi ko sakanya.

Tumayo siya habang nakanguso, "Matapos ipitan..."

"Eto na," hinawakan ko 'yung dulo ng braid. "kainin mo na buhok ko!"

Inambahan ako ni Asher kaya naman medyo napapikit pa ako pero nabigla ako nang isang mahinang pitik lang sa ilong ang naramdaman ko. Medyo nangati pa 'to kaya naman agad kong kinamot hanggang sa namula na. Sinamaan ko ulit ng tingin si Asher kaya naman mas lalong lumawak ang ngisi niya.

"Gomez the red nose reindeerーaray!"

Nanatiling nakatakip 'yung kamay ko sa ilong ko habang 'yung isa naman ay hinampas ulit siya.

"Nakakapikon ka na!" kinurot ko 'yung braso siya hanggang sa napa awang na 'yung bibig niya dahil sa sakit.

Nag-pout siya habang nakahawak doon sa kinurot ko. "Eto naman," bigla na lamang naging malambing ang boses niya tapos hinapit ang magkabila kong bewang. "binibiro lang naman kita." Mabilis niyang hinalikan 'yung dulo ng ilong ko. "Ayan, okay na."

"Kailan niyo ba gagawing official 'yan?" tanong ni Ethel kaya naman napatingin kami sakanya. Namilog ang mga mata ko at hindi ko alam kung anong ire-react ko. Tatawa ba ako? Kunwari maiinis? Ano?

"Baliw," natatawang ani Asher at dahan dahan kong naramdaman ang pagbitaw niya saakin.

"Bakit? Wala kang planong gawing girlfriend si Adrian?"

STASG (Rewritten)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin