Kabanata LXXIV

4.5K 195 68
                                    

"Maybe we'll meet again, when we're slightly older and our minds less hectic, and i'll be right for you and you'll be right for me. But right now, I am chaos to your thoughts and you are poison to my heart."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

ASHER

2 weeks ago

"Sigurado ka p're liligawan mo na?" tanong ni Enrico. Inalis ko sa bibig ko 'yung takip ng ballpen na nginangatngat ko para masagot siya.

Nagtaas ako ng balikat, "Kailangan na e."

Nangunot ang noo niya, "Ayaw mo ba?"

Etong gunggong na 'to masyadong matanong e. Nagbuntong hininga ako bago tumayo sa upuan ko, "Syempre gusto ko," sagot ko bago dumiretso sa pinto.

Anong klaseng tanong 'yon? Syempre gusto kong ligawan na si Adrianna. Kailangan ko nang lakasan 'yung loob ko kung ayaw kong mawala siya sakin ng tuluyan. Bumu-bwelo lang talaga ako.

Umiling ako at inilabas ang cellphone ko. Mas lalo lamang akong napa simangot nang makita na may text nanaman si Hannah. Ilang linggo na akong kinukulit nito. Binlock ko na nga sa instagram at facebook at hindi nire-replyan pero ayaw parin akong tigilan.

Pinatay ko 'yung phone ko at ibinulsa. Kinaibigan ko lang naman 'to dahil ayaw niyang layuan si Kiko. Nilandi ng kaunti pero sobrang tagal na non. Parang linta 'tong babaeng 'to.

Tumigil ako sa paglalakad nang makita ko si Adrianna na papasok ng classroom nila. Dug. Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili ko. 'Di na yata magbabago ang reaksyon ko tuwing makikita siya. Tangina, ano 'to first crush ko? Pan'tanga.

Binuksan ko 'yung pinto ng classroom nila at napalingon siya sakin. 'Di ko na napigilang hindi ngumiti, "Hi." Bati ko sakanya.

Napansin kong medyo parang napasimangot siya. Galit ba 'to sakin? Okay na kami 'di ba? "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

Sa totoo lang, hindi ko din alam. Nakita ko lang siya kaya pinuntahan ko pero dapat ay may rason ako dahil baka mas mainis 'to sakin kapag kinulit ko siya ng wala lang. Alam ko na! Matagal tagal na din kaming 'di kumakain nito. "Siomai tayo mamaya?" aya ko.

"Sorry," sagot niya at parang tinamaan ako ng bato sa dibdib. "Tao parin ako mamaya," dagdag niya.

Nag blanko ang utak ko. Isa nanaman ba 'to sa mga walang sense na sinasabi niya bigla o nag joke siya? Minsan kasi ay bigla nalang siyang nagsasalita at palagi itong walang sense. Pero 'di nagtagal ay na-gets ko din. "Ang corny mo, alam mo ba 'yun?"

Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan, "Maganda naman."

"Hokey."

Mahinang tinulak niya 'yung mukha ko. Tumama pa 'yung hinliliit niya sa mata ko. "Umalis ka na nga."

Kumurap kurap ako dahil humapdi 'yung isang mata ko. "Ang kapal na ng eyebags mo," sabi ko nalang bilang ganti. 'Di naman talaga malaki eyebags niya. Ang ganda niya nga e.

Tangina Asher nababakla ka nanaman.

Itinulak niya ulit ang mukha ko pero bandang sa bibig nalang. Mas may diin na 'to kesa kanina, isang sign na naiinis na siya. "Nakiki tingin ka lang," aniya.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now