Kabanata XXII

6.6K 234 91
                                    

"I want to make sure that the first person you kiss loves you, okay?"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Nang humiwalay ako, dun ko lang na-realize na hinalikan ko si Asher sa labi. Ang bestfriend ko. Si Asher. Hinalikan ko si ASHER. Sa lips.

At nakangiti siya.

Napatitig ako sa kanya at napansin kong panandalian siyang sumulyap sa labi ko kaya naman napa kagat ako dito. Ibinuka niya 'yung bibig niya para magsalita,

"Sabi na crush mo ko e."

Itinulak ko siya palayo kahit na nagwawala parin ang puso ko, "Asa ka naman!"

Itinaas niya 'yung kamay niya at ginalaw ito para sabihing lumapit ka. Umiling iling ako kaya naman nakangiti siyang umirap sakin bago ilapit 'yung katawan niya para mahawakan niya 'yung pisngi ko.

Binigyan niya ako ng isang mabagal at mainit na halik. Ramdam na ramdam ko 'yung napaka lambot niyang labi. Tapos na-realize kong naka dilat pala ako kaya naman nung pipikit na ako, humiwalay na si Asher.

Atleast kapag dumilat siya makikita niyang nakapikit ako..

Dahan dahan akong dumilat ulit, kunwari medyo nahirapan pa. Nakita kong nakatitig siya at naka ngiti. "Crush din kita," aniya.

Tumango ako at sinubukang ibalik sa normal 'yung tibok ng puso ko habang siya naman ay tumawa lang at medyo umiling bago damputin 'yung cellphone niya.. at mag-text.

Humarap ako sa kabila, patalikod sakanya at paulit ulit na ni-replay sa isip ko 'yung nangyari habang kagat kagat 'yung ibabang labi ko.

Umaarte siyang parang hindi big deal ang nangyari kaya naman hindi ko 'to gagawing big deal. Walang dapat magbago samin.

Kami ba? No, hindi kami. Hindi porket nag-kiss kami e kami na. Wala lang 'yun. Wala lang. Hindi ko na dapat iniisip masyado 'yun.

Teka, anong araw ba ngayon? July 12.. diba? Hinding hindi ko na yata makakalimutan 'tong araw na 'to.

Linoleum ang sahig nina Asher kaya naman agad kong narinig ang mga papalapit na yapak ni Kuya Griffin, kasunod ng pagbukas ng pinto. Pumikit ako.

"Oh, tulog 'yan?" rinig kong tanong niya.

"Huh?" ani Asher. "Hindi ah," sabay siniko niya 'yung likod ko at agad akong napadaing.

Mabilis akong tumalikod at agad siyang hinampas sa braso, "Masakit! 'Yung siko mo!" Inambahan ko ulit siya at tawa lang ang isinagot niya.

"Eto naman, hindi naman ganun kalakas 'yun."

"Ang tulis kaya ng siko mo," ani ko. "pakiramdam ko sinaksak ako."

"OA."

Inambahan ko ulit siya at agad siyang napapikit. Narinig kong tumawa si Kuya Griffin kaya naman napatingin kami sakanya at nakitang kinukuha niya 'yung tuwalya niyang nakasabit sa likod ng pinto.

"Maliligo lang ako," aniya bago ako tignan. "isara niyo 'yung bintana oh, umaanggi 'yung ulan."

Mabilis akong napabangon at napatingin doon sa bintana sa tabi ng kama ni Kuya at nakitang bukas nga 'to. Itinulak ko si Asher, "Isara mo."

Kunot noo niya akong tinignan, "Ikaw na. Nakaupo ka na e."

Humiga ulit ako, "Inaantok ako," itinulak ko ulit siya. "isara mo na."

Medyo bumangon si Asher ta's tinampal niya ako sa noo bago tumayo at umakyat sa kama para maisara 'yung bintana.

"Adrianna," pagtawag ni Kuya Griffin kaya naman napatingin ako sakanya. "hintayin mo nalang tumila 'yung ulan ha? Humihina naman na e. Umuwi ka na kaagad kasi mamaya lumakas 'yan, ma-stranded ka pa dito."

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon