Epilogue

6.2K 262 115
                                    

"Sometimes good things fall apart so better things can fall together."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Minsan sa buhay may mga bagay tayong kailangan tanggapin na akala natin noon ay hindi natin kaya. Tulad ng pagbitaw sa taong mahal mo. Iisipin mo, "Hindi ko ma-imagine ang buhay ko na wala siya." O 'di kaya'y "Iniisip ko palang nasasaktan na ako. Baka ikamatay ko kapag nangyari 'yun." Tapos maninikip ang dibdib mo. "Oh 'di ba? Iniisip ko palang masakit na, paano kaya kapag andyan na?"

Minsan ay hindi mo na kailangan mag isip o mag-tanong. Isa lamang yong hadlang. Sa buhay, kailangan mo lang humakbang ng humakbang at isang araw ay magugulat ka nalang dahil nasa pinaka tuktok ka na ng bundok.

Hindi ko masasabing okay kaagad ako makalipas ang ilang araw mula nang iwanan ako ni Asher doon sa sahig. Sa totoo lang ay linggo akong umiyak ng umiyak dahil sa sobrang pagmamahal ko sakanya. Ngayong iniisip ko 'to, napag tanto ko na iyon ang problema. Ang salitang sobra. Masyado ko siyang minahal to the point na hindi na tama dahil wala na akong ibang naisip kundi 'yun lamang. Ginawa kong sentro ng mundo ko si Asher ng walang kamalay malay.

Tuwing iniisip ko ang mga nangyari ay napapa iling nalamang ako. Gusto kong ibalik ang oras para lamang sampalin ang sarili ko at gisingin sa katotohanan.

Siguro nga'y hindi niya talaga ako minahal. Siguro ay katulad ko din siya. Hindi magawang bumitaw dahil sa panghihinayang at dahil nasanay na na kami ang magkasama. O kaya'y minahal niya din talaga ako at totoo ang mga naramdaman niya ngunit hindi 'yon sapat para kumapit pa. Wala tayong kasiguraduhan, tanging si Asher lamang ang makakasagot ng mga 'yan.

Looking back now, napagtanto kong hindi naman ganoon kasama ang mga nangyari. Na okay lang. Tama ang desisyon niyang iwanan ako doon nung araw na 'yon. Dahil kung hindi niya ginawa 'yun ay mananatili ako bilang ganung klaseng tao at hindi na magtatanda.

Masyado akong nag-expect at ang nakasira saakin ay 'yung storyang ibinuo ko sa isipan ko kung saan sa huli ay kami ang magkasama at naging okay ang lahat. Masyado akong nag focus sa mga good at mga what can be hindi ko na pinansin ang mga bad at ang mga what should be. Kaming dalawa ni Asher ay nabubuhay na mga ticking time bomb. Kung nanatili kaming magkasama, kung hindi siya naglakad palayo noong araw na 'yon, tuluyang warak na siguro kami ngayon at wala nang pag asa na maayos pa.

Mabuti nalang at naagapan. Good job, Asher!

Parehas kaming hadlang sa kanya kanyang buhay at kung nanatili kaming magkasama ay hinding hindi kami mag g-grow as a person. Masasabi kong marami akong natutunan tungkol sa buhay mula nang iwan niya ako at isa na doon ang matutong tumayo ng mag isa at hindi masyadong umaasa sa iba.

Lahat ng tao ay may kanya kanyang problema at hindi all the time ay may tutulong sa'yo kaya importante ang matutunan kung paano ka magpapatuloy o kung paano mo malalagpasan ang sitwasyon na hinaharap mo.

Naging bitter din ako. Naalala ko noon ay kung ano ano pang quotes ang binabasa ko kung saan ire-regret ni Asher na iniwanan niya ako. Nag imagine pa ako ng senaryo kung saan magmamakaawa siyang bumalik sakin o 'di kaya'y susubukan niya akong kausapin tapos tatarayan ko lamang siya. Wala ni isa sa mga 'yon ay nangyari.

May maliit na parte ng sarili ko ang hinding hindi magbabago. Minsan ay nahuhuli ko ang sarili ko na iniisip kung saan ba ako nagkamali o nagkulang o kung iba siguro ang sinabi o ginawa ko ay iba ang naging resulta. And that's sad. Somewhere deep inside ako parin 'yung Adi na magmamahal ng magmamahal at hindi matututong magtira para sa sarili niya.

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon