Kabanata XXIII

7.9K 235 78
                                    

"You will never think of me the way I think of you. And that kills me everyday."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Bakit ako mag s-sorry e hindi ko nga kasalanan?" ani Tris.

Napabuntong hininga kami at sinubukan kong magsalita, "Oo nga peroー"

"Hay nako! Tigilan niyo na nga ako. Nagsabi lang naman ako ng totoo. Isisi niyo nalang sa nanay niyang hinagis siguro siya nung unang kita sa mukha niya."

Nasa picnic table ulit kami sa may likod ng stage, nag re-recess. Eto kasing si Beatrice may naka bungguan na third year kanina nung pababa kami ng hagdan. Kasalanan naman kasi talaga nung babae, nakikipag tulakan siya sa mga kaibigan niya kaya natamaan si Tris na agad siyang sinabihan ng Tanga. Napahiya 'yung babae, ang dami namin e tapos ang lakas pa ng pagkakasabi ni Tris.

"Paiyak na siya kanina eー" panimula ni Kei.

"Wala akong pake." Pakantang pagputol naman ni Beatrice bago agawin 'yung chichirya ng nananahimik na si Jared.

"Anyway, nagsimula na kayong mag-review?" tanong ni Ethel.

Nagtaas ako ng kilay habang sinisipsip 'yung cheese sa mga daliri ko, "Review para san?"

"Prelims next week, lutang ka nanaman e." Ani Ethel bago ako irapan.

"Mabo-bokya nanaman 'yan," natatawang sabi ni Kei bago sikuhin si Kris. "naalala mo 'yung last year?"

"Nung nagpustahan tayong tatlo?" nakangiting tanong ni Kristoffer, halatang inaalala 'yung kahihiyan ko last year.

"Bakit? Ano nangyari?" tanong naman ni Angelo.

"Wala! Kayo kamo," sinamaan ko sila ng tingin. "ako nanaman ha."

"Kuya Jared!" sigaw ng isang babae kaya naman sabay sabay kaming napalingon sa direksyon kung saan 'to nanggaling.

May apat na babae, naglalakad sa sa hallway papuntang sa hagdan paakyat ng second floor. Sa pagkaka alam ko ay mga third year sila. Kilala ko 'yung isa e, si Frances. Pero 'yung mga kaibigan niya at 'yung babaeng tumawag kay Jared, hindi ko kilala.

Tumayo si Jared na naka upo sa pagitan ni Angelo at Henry. Inayos niya 'yung buhok niya at may napaka laking ngisi sa labi niya kaya naman 'yung dimple niya at kitang kita nanaman. Nag iritan 'yung mga babae nung nagsimulang maglakad si Jared papalapit sakanila.

"Sino 'yang mga buteteng 'yan?" tanong ni Tris.

"I don't know," kibit balikat na sagot ni Angelo. "pero may gusto yata 'yung isa sakanila kay Jared."

"Really? Sino jan?" tanong naman ni Kei.

"Uhm.." isinara ni Angelo 'yung isa niyang mata at itinuro 'yung babaeng mahaba ang buhok. "her, pero nakalimutan ko na pangalan niya."

"Si ano 'yan," panimula ni Henry bago kamutin 'yung ulo niya. "pangalan nun brad? Kaibigan yata ng utol mo 'yan e."

"Si ano, Vynna." Sabi naman ni Kris.

"Oo! Ayun, ta's 'yung mahabang buhok na naka cap si ano, Pat yata 'yon."

"Kilala ko 'yung isa e," sabi ko sakanila. "si Frances."

"Si Frances na ba 'yan?" tanong ni Ethel. "Parang nag iba mukha."

"Medyo, noh?"

"Ano 'yan man?" tanong ni Henry nung pabalik na si Jared.

May hawak hawak siya sa kamay niya at medyo namumula 'yung pisngi niya. Napahawak siya sa batok niya, isang gawaiin niya kapag nahihiya siya.

"Chocolate," nakangising aniya bago bumalik sa upuan niya. Inilapag niya 'yung box sa lamesa at mahinang tinapik ito. "i like chocolate."

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now