Kabanata II

15K 292 47
                                    

"Skinny Love (n.) when two people love each other but are too shy to admit it, yet they show it anyway."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Don't believe me just watch!"

Tumigil kaming maglakad ni Asher sa hallway at sabay na sumayaw sa Uptown Funk. 'Yung mga kaibigan namin ay nagpatuloy lang sa paglalakad at nakangiting lumilingon lingon lang samin.

Nang matapos 'yung chorus ay pabirong nagtulakan kami ni Asher habang tumatawa. Pero kahit ganun ay napansin ko parin 'yung mga kinikilig na Third Year dahil dumadaan nanaman ang kanilang Kuya Asher.

Kuya my ass, gusto naman nila syotain.

Tumigil kami sa harap ng classroom nina Asher. Pinatay ko na 'yung patugtog ko at naghintay doon sa labas habang inilalagay niya 'yung bag niya sa desk niya.

"Adi!"

Mabilis akong lumingon sa direksyon nung boses at nakita ko kaagad 'yung kaibigan kong si Ethel na nasa may pintuan ng classroom namin.

"Tara na dali! May kwento ako!"

"Wait lang," sagot ko bago ituro 'yung loob ng IV-ELIJAH. "Si Asherー" tumingin ako sa bestfriend kong papalabas na. "Sher bilis mo malapit na mag bell."

"Oo na eto na," sagot niya habang inaayos 'yung buhok niya.

Hindi na ako naghintay at dumiretso na ako maglakad papunta sa classroom namin. Hinila ko pabukas 'yung pintuan at agad na dumiretso sa desk ko at inilapag doon 'yung bag ko, panandaliang tumigil para tignan 'yung tulog kong seatmate.

"Shet ang init," reklamo ko nung maramdaman ko 'yung pawis sa may batok ko. Inipon ko 'yung buhok ko sa isang kamay at bahagya itong itinaas para mahanginan 'yung balat kong pawis.

"Akin na," sabi ng isang malalim na boses sa likuran ko habang naglalakad ako papunta kina Ethel. Naramdaman kong hinawakan niya 'yung buhok ko at hinayaan ko siya. "Ipit mo?"

Nandun malapit sa aircon si Ethel kaya naman doon ako tumigil sa mismong tapat nito. Pinunasan ko 'yung pawis sa ibabaw ng labi ko at 'yung nasa leeg.

"May panyo ka ba?" tanong ko kay Asher.

"Hindi ka nanaman nagdala?" tanong niya na para bang inis siya sakin pero inabot niya parin naman sakin 'yung panyo niya. "Asan na 'yung ipit mo?"

Inilagay ko 'yung kamay ko sa bulsa at kinuha doon 'yung itim kong ipit bago ko 'to iniabot kay Asher.

Ipinaypay ko 'yung panyo ni Asher sakin bago ko 'to pinampunas sa leeg ko.

"Oh Ethel, ano 'yung kwento mo?" tanong ko habang pinapakiramdaman 'yung pag ipit ni Asher sa buhok ko.

"Lika dito," excited niyang sabi. "May papakita muna ako sa'yo."

"Tungkol kay ano... Angelo?" Hindi ko ibinigkas 'yung pangalan niya pero nabasa naman ni Ethel 'yung sinabi ko dahil kinikilig siyang tumango tango.

Pagkatapos na pagkatapos akong ipitan ni Asher ay nagpunta ako sa tabi ni Ethel at dumungaw doon sa cellphone niya.

ANGELO: Do you like someone? Sa classroom?

ETHEL: At bakit mo naman tinatanong? Wala!

ANGELO: Just curious...
ANGELO: Talaga wak
ANGELO: *wala?

ETHEL: Bakit ba?

ANGELO: Wala lang :)

ETHEL: Siguro crush mo ko noh?

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now