Kabanata XX

7.3K 256 80
                                    

"When you find out that someone likes you, a little part of you starts to like them back. Even if you never did before."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Ano tayo, pagkatapos niyong magsulat. Parang talent show, sino ba magaling kumanta dito?"

"Si Angelo po!" sabay sabay naming sagot kay Ma'am Elaine.

"Ay si Angelo?" aniya bago tignan si Angelo na nahihiyang nakayuko. "May gitara ka ba? Tugtog ka mamaya ha."

"Ma'am freetime?"

"Oo," sagot niya. "pwede kayo lumipat ng upuanー" nagsitunugan ang mga upuan dahil sa mga tumayo "ーmamaya. Kapag tapos na lahat magsulat. Tsaka bawal guluhin 'yung upuan kaya Henry bumalik ka sa pwesto mo."

"Ma'am ayaw daw po ni Angelo," ani ng seatmate ni Angelo na si Sarah. "nahihiya."

"Hay nako, walang hiya hiya!"

"Ma'amー" panimula ni Angelo pero umiling lang si Ma'am.

"Sige na Angelo," sabi naman bigla ni Ethel. "kanta ka."

Naghiyawan ang buong klase at napatakip si Angelo sa mukha niya dahil sa hiya. Pero halata ang ngiti sa kanyang labi. Tinignan ko si Ma'am para makita ang reaction niya. Nakangiti siya ngunit medyo nakakunot ang noo, iniisip siguro kung ano ang meron kay Ethel at Angelo.

Katulad kasi ng Adviser namin na si Sir Lance, practice teacher lamang si Ma'am Elaine last year kaya bata pa din siya. Kaka twenty-four niya palang ata. Masaya siya magturo, hindi boring ang klase sakanya tsaka palagi kaming may free-time. AP (Araling Panlipunan) ang subject ni Ma'am Elaine. Palagi niyang hinahaluan ng biro ang kanyang pagtuturo kaya naman enjoy kami and at the same time, may natututunan.

"Oh Angelo, ayan na o sabi na ni Ethel. Aayaw ka pa ba?" ani Ma'am.

"Yieeeee!" sabay sabay naman naming sabi.

Ngingisi ngisi si Angelo ng para bang kinikilig pa siya bago lumingon sa direksyon namin, "Ma'am kakanta po ako kung sasabayan ako ni Jared."

"Huh? What?" gulat na wika ni Jared at pakonti-konti ay namula nanaman ang kanyang pisngi at tenga. "Ayaw ko.."

"Kumakanta ka pala?" tanong ko sakanya.

At kung posible man ay mas lalo lamang siyang namula nung tinignan niya ako. Umiling iling siya, mga mata niya pakonti konting namimilog. "I.. No.." tumingin siya kay Ma'am. "Hindi po ako marunong."

"Dali na par," ani Angelo. "sabayan mo na ako."

"O'sige, Angelo and Jared ha. Mamaya." Sinuri ni Ma'am ang classroom. "Sino pa?"

"Ma'am si Tris daw po magt-twerk!" sigaw ni Henry.

"Ano?!" sigaw naman ni Tris na dinampot na 'yung notebook niya. "Ulol ka!"

"Sssh!" suway ni Ma'am. "Beatrice, ang bunganga."

"Wag ka ngang maingay," suway ni Kei kay Henry dahil sila ang seatmates. "Tris the second ka din e."

"O'sige na, tama na daldalan. Magsulat na kayo para makapag freetime na." Natahimik ang klase dahil nagsimula na ulit kaming magsulat. "Nga pala, prelims niyo na sa 26, 27 ha. Kaya mag review na kayo ha.

"Kelan 'yun?" mahinang tanong ko kay Jared. "I mean, anong araw?"

"Uh... thursday and friday? Two weeks away pa naman." Ah, madami pang araw na pwedeng hindi mag review. Tinanguan ko si Jared at bumalik na sa pagsusulat.

Mayroon pang halos 30 minutes nung matapos kaming lahat magsulat at maipa-check kay Ma'am ang mga notebook namin. Kaya naman ayan na kami, kinukulit nanaman si Angelo na pumunta sa harap kasama si Jared.

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon