Kabanata III

11.1K 278 50
                                    

"Crushes are great until you realize that they'll never be interested in you."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"So," ipinatong ni Asher 'yung dalawang kamay niya sa desk ko bago kumagat doon sa ham sandwich ko. "May nagugustuhan ako."

Tumaas ang kilay ko, "Sino naman 'yan?" Malamang hindi ako, bumigat 'yung dibdib ko sa naisip ko pero ipina walang bahala ko lang 'to. Dapat lang talaga na hindi ako.

Lumawak ang ngisi ni Asher bago niya ako kinindatan, "Hindi ko muna sasabihin pangalan niya."

Inulukot ko 'yung ilong ko sakanya habang tinatanggal 'yung plastic na nakabalot sa kalahati nung tinapay ko. "Taga dito?" tanong ko bago kumagat.

Binigyan ako ng flat look ni Asher bago niya ako pinitik sa noo, "Sinabing secret e."

"Wag mo kong pitikin," hinampas ko siya sa braso. "Tsaka wala kang sinabing secret. Sabi mo 'di mo pa sasabihin."

Umangat 'yung itaas na labi ni Asher, "Ganun din 'yun, tanga."

Sumandal ako sa upuan ko, "Ewan ko sa'yo."

Itinagilid niya 'yung ulo niya at pinanood lamang ako. Sino kaya 'yung nagugustuhan ng ugok na 'to? Tinitigan ko lang siya at ganun din naman ang ginawa niya. Mabuksan nga 'yung facebook neto mamaya.

"Pakagat pa ako," ngumuso siya sa sandwich ko.

"Eh," umiling iling ako at inilayo 'yung tinapay ko sakanya. "Eto na nga lang lunch ko e."

Bumuntong hininga siya at umirap, "Sama ka pala sakin."

"Saan?"

"Mcdo," sagot niya. "Libre kita. Tara."

"Ayoko, tinatamad akong bumaba."

"Eh pano mo pala nabili 'yan?" kunot noo niyang tanong.

"Nagpabili lang ako kay Enrico."

"Crush mo ba 'yun?" tanong niya at mas lalong nangunot 'yung noo niya.

"Lumalaki nanaman butas ng ilong mo," sabi ko sakanya bago pindutin 'yung ilong niya. "Tsaka hindi noh! Nagpabili lang crush agad? Ba't mo naman naisip 'yan?"

"Defensive? Lagi nalang kayong magkasama," umirap siya. "Kala mo mag syota e."

"Selos ka naman?" tumaas ang kilay ko.

Ibinuka niya 'yung bibig niya para sumagot pero mabilis niya din 'tong isinara bago siya umiling. "Asa ka naman," dumiretso na siya ng tayo tapos pinanood ko 'yung mga daliri niyang nag d-drum sa desk ko. "Punta na pala ako, naghihintay sila Troy sa baba."

"Hokey."

"Dito ka lang ha?" aniya habang naglalakad patalikod. "May gusto kang ipabili?"

Umiling iling ako at bumuntong hininga nanaman siya. Tapos nilagay niya 'yung kamay niya sa ulo ko at pinat ito bago siya tumalikod at maglakad palabas ng classroom.

Tinuloy ko lang ang pagkain ko at nilabas 'yung Math assignment ko na hindi ko natapos kagabi. Ang hirap hirap naman kasi! Napaka haba ng equation nakatulugan ko na.

Maya maya ay napatingin ako sa may pinto nung narinig ko 'yung nakakarinding boses ni Beatrice. Etong babaeng 'to kala mo may megaphone na nakasaksak sa bunganga e.

"Bes!" sigaw niya habang tumatakbo papunta sa upuan ko. Madudulas 'to. Oh, nadulas nga. "Aray koooooo 'yung puwit ko."

"Ah, tanga." sabi sakanya ni Ethel bago niya 'to hakbangan. Napatitig ako dun sa hawak hawak ni Ethel na pagkain.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now