Kabanata XXXIX

5.8K 264 125
                                    

"I knew my feelings for you were real when I spent more time thinking about you than worrying about myself."

#stasg

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Pwede bang sabihin mo na itatago mo ang mga sulat ko

"Laksan mo nga volume," sabi ko kay Ralex.

Kasi medyo maiinis ako kung itatapon mo..

"Ang senti naman niyan," kumento ni Kiko na nakatayo malapit sa pinto ng shop.

'Wag kang mag-alala.. 'di ako luluha

Ngumisi ako, "Si Ralex e."

"Di ah, nag play lang bigla."

Kung may kapiling kang iba 'di na pipilitin pa..

Dumungaw ako sa cellphone niya at napatawa nang mabasa 'yung playlist niya, "Ayan oh. Ulol ka ba? Senti nakalagay."

"Baket Lex?" tanong ni Kiko. May nang aasar na ngisi sa kanyang labi, "May pinagdadaanan ka?"

"Gago, wala."

Parehas naming tinitigan ni Kiko si Ralex na nagpupunas ng pawis niya sa noo. Tinignan niya kami at napansin ang mga nakakalokong ngisi namin kaya naman napa iling nalamang siya.

"Pst, Adrian" tinignan ko si Kiko na ibinulsa na 'yung cellphone niya. "Anong ano... 'yung Jared. Pinopormahan ba nun si Kei?"

"Si Kei?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hindi nu!"

"Ano pala?"

"Wala," sagot ko. Nakasimangot parin. "Close lang talaga sila. Samin, close siya saming lahat."

"Bading ba 'yun?"

Napahalakhak ako bigla ng sobrang lakas kinailangan ko na takpan 'yung bibig ko. Napataas ang kilay ni Kiko dahil sa reaction ko.

"Bakit ka tumatawa?" tanong niya.

Sumagot ako habang pinipigilan ang tawa ko, "Ayun din kasi iniisip ko dati e."

"Bakit? Parang bading ba talaga?" natatawang tanong ni Ralex.

"Hindi naman sa ganon," sagot ko. "Hindi din naman siya malambot. Ma-muscle muscle pa nga e."

"May mga ma-muscle naman na bakla ah?"

"Hindi nga siya bakla!" sabi ko at medyo napalakas pa ng kaonti 'yung boses ko.

"Oh, kalma"

Inirapan ko si Ralex, pero hindi 'yung irap na ibig sabihin ay galit o inis ako sakanya. "Anyway," panimula ko. "Ano lang kasi, ewan ba. Hindi ko kasi siya nakikitang parang interesado sa kung kanino? Alam mo 'yun. Hindi siya lumilingon sa mga babae kapag dumadaan. Mga gawain niyo." Inangat ko 'yung isang balikat ko. "Pero ngayon popormahan niya daw si Gail."

"Si Gail?" sabay na sabi ni Kiko at Ralex. Halatang nabigla sila sa nalaman. Sakto naman ay bumukas 'yung pinto ng shop at lumabas si Asher kaya naman narinig niya ang sinabi ng dalawa.

"Ano pinag uusapan niyo?"

Kinurot ko 'yung binti ni Ralex para hindi siya sumagot pero bago ko pa man ma-warningan si Kiko ay ibinuka na niya 'yung bibig niya. Ewan ko ba, pero ayako sanang malaman ni Asher. Kaso huli na.

"Yung kaibigan ni Adrian na imported, popormahan daw si Gail."

Maka imported etong si Kiko akala mo hindi O'Connor ang apelyido.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now