Huling Kabanata

5.2K 243 109
                                    

"So I guess it ends here. We'll go our separate ways and hope that we'll see each other somewhere in the future."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Nginangatngat ko nanaman ang mga kuko ko habang nakatulala sa labas. Kung ano ano na ang tumatakbo sa isipan ko at hindi ako mapakali. Kailangan kong maka usap si Asher.

Matapos sabihin kay Ate Sky ang lagay ng mama ni Asher, pinayagan niya akong lumabas para bumisita. Nag prisinta pa si Jared na samahan ako, ngunit ngayong alam ko na ang feelings niya para sakin, tumanggi ako. Pero nagpumilit siya at sinabing kahit hindi ko siya isama ay susundan niya ako.

Malamig ang kamay at paa ko dahil sa kaba. Ngayon ko lang ulit makaka usap si Asher.

Oo, kakausapin ko siya. Gago 'yon at palagi akong pinapa iyak pero siya parin 'yung lalaking naka sama ko mula sa simula at ang lalaking minahal ko. Kahit kailan talaga ang tanga tanga ko at palagi nalang mali ang mga desisyon na ginagawa ko. Kung kailan naisip kong maging maka sarili ay doon niya ako kinailangan.

May naglayo ng kamay ko sa bibig ko at napatingin ako kay Jared. Naka upo siya sa tabi ko at nag ti-text, ni hindi siya nag abalang tignan ako. Ibinaba niya lang ang kamay ko at bumalik na sa ginagawa niya.

Kahit hindi siya nagsalita, narinig ko parin ang boses niya sa isipan ko. Bad habit, aniya.

Iniabot niya sakin 'yung isang earphone niya at narinig kong tumutugtog ang Heart Like Yours ng Willamette Stone at bumalik ako sa panahon na umuulan at nasa jeep din kaming dalawa. Hindi ko akalaing susundan niya ako non. Basang basa siya ngunit napaka laki ng ngisi niya na para bang masaya lang siya na kasama niya ako. Gaano ba ako kamanhid at hindi ko napansing may gusto siya sakin?

Hindi ko lubos maisip kung paano niya ako nagawang mahalin ng matagal kahit wala siyang kasiguraduhan kung mamahalin ko ba siya pabalik.

Love even though it hurts.

Ibinalik ko ang tingin ko sa labas at hinayaan ang mga nararamdaman ko na lunurin ako hanggang sa tuluyan na akong nawala sa mundo.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Asher o kung anong kakalabasan ng gagawin kong 'to. Hindi ko parin mai-alis sa isipan ko ang mga sinabi niya kagabi. Isa lamang akong tira niya.

Napaka masokista talaga ng puso ko.

Isinisigaw ng isipan ko na hindi 'to tama at hindi na dapat ako lumapit sakanya pero ang puso ko ay umiiyak at gusto nang maka ayos siya. Pagod na ako, mentally, physically at emotionally pero nang malaman ko ang nangyari ay nawala ang lahat ng 'yon at nag alala ako. Wala akong ibang gustong gawin kundi puntahan siya.

Tumigil ang jeep at kinalabit ako ni Jared. "Andito na tayo," sabi niya at mas lalo lamang akong kinabahan.

Nanginginig ang mga binti ko nang bumaba na ako ng jeep. Nasa tapat na kami ng ospital at nakikita ko na si Kuya Griffin sa may entrance. Itinext ko siya kanina at sinabing bibisita ako.

Tinignan ko si Jared saglit bago ibalik kay Kuya Griffin. Huminga ako ng malalim at inihakbang ng inihakbang ang mga paa ko. Nang lumingon ako sa likod ko, nakita kong malayo na ang nailakad ko at nasa entrance na din ako.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now