Kabanata XI

8.4K 244 32
                                    

"I saw you and I couldn't think straight anymore"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Nasan na daw sila Ethel?" tanong ko pagkababa namin ng jeep malapit sa SM.

"Nagpunta daw doon sa may Game Werkz," sagot naman ni Kris. "Tara."

"Naiirita ako dito sa jelly shoes ko," ani Kei nung nagsimula na kaming maglakad. "Nakaka ano kapag napawisan na."

"Nagka paltos ako nung nagsuot ako ng ganyan e," sabi ko sakanya. "Kaya nga either sapatos or tsinelas lang ako."

"Eh baka kasi umulan," aniya. "Kapag umulan tas nabasa sapatos ko, wala din."

"Nag-tsinelas ka nalang sana."

Ngumuso na lamang si Kei at humalukipkip habang naglalakad kami. Tumawid kami papunta sa kabilang side ng kalsada kung nasaan 'yung kanto paliko sa computer shop.

Hindi ko kaibigan ang mga nakatambay sa labas nito ngayon. Ka-batch 'yung iba, pero never naging kaklase. Mostly kasi sakanila taga star section.

"Uy! Jared!" bati nung isa, Ryan ata ang pangalan.

"Bro," sagot naman nung lalaki sa likod ko at ginawa nila 'yung apir na magbubunggo 'yung balikat nila. Mga lalaki talaga, maski sa simpleng apir kailangan ipakita ang pagkalalaki nila.

Hinawakan ko ang kamay ni Kei at nagdire-diretso papasok ng computer shop kung saan agad akong binati ni Kiko na nasa counter.

"Oh, ano ginagawa mo dito?" tanong niya. "Kasama mo ba si Asher?"

"Hindi," umiling ako. "Andito ba sila Tris?"

Kagat kagat ni Kiko 'yung takip nung ballpen na hawak hawak niya. Hindi niya din suot 'yung shades niya ngayon kaya naman kitang kita ko 'yung asul niyang mata dahil sa ilaw na nang gagaling sa monitor sa harapan niya. Itinanggal niya 'yung takip sa pagitan ng ngipin niya at itinuro ito sa isang direksyon, "Andun oh."

"Okay, salamat." Ngumiti ako at naglakad na palayo.

Napatigil ako nung magsalita siya ulit, "Paki-text naman si Asher. Sabihin mo wala akong load."

"Pasahan kitang thirty gusto mo?" tanong ko habang naglalakad pabalik sa harapan niya, 'yung counter ang natatanging pagitan namin.

"Aba, yaman ah."

Nilabas ko 'yung phone ko at ngumiti, "Ni-load-an kasi ako ni Papa ng 150 kanina kaya madami akong extra. On time nga e, na-expire ako kaninang umaga."

"Sige salamat," aniya bago lumipat 'yung tingin niya sa babae sa tabi ko. Itinuro niya 'yung ballpen niya dito at tumaas ang kilay, "Sino 'to?"

Nilingon ko si Kei na ngayon ko lang napansin ay natulala na pala at nanlalaki ang mata. Ngayon ko palang pala siya nadala dito, paano, palaging nakalubog 'yung mukha sa libro at umuuwi kaagad pagkatapos ng klase. Hindi tulad nina Tris na matagal ko nang naipakilala kina Kiko.

"Si Kei," sagot ko bago sulyapan si Kei. "Kei, si Kiko."

Habang pinapasahan ko ng load si Kiko, ibinaba niya 'yung ballpen niya sa counter tapos ipinatong 'yung dalawang siko niya sa ibabaw nito. In-extend ni Kiko 'yung kamay niya para makipag-handshake. "Christopher O'Connor," aniya. "Nice to meet you."

"K-Krishna Emmanuelle Fuentes," sagot naman nung kaibigan ko bago titigan 'yung kamay ni Kiko.

Hala, natanga na ata.

Tumawa si Kiko bago ako tignan. Tinaasan ko siya ng kilay at bahagyang itinuro niya lamang si Kei, "Ang cute."

Umiling iling lamang ako at tumawa bago tumalikod na para puntahan 'yung mga kaibigan ko. Nakita ko sina Beatrice, nags-share sa isang computer. Si Angelo ang nakaupo habang silang dalawa ay nakatayo sa magkabilang gilid nito. Tumatawa at inuutusan ang lalaki na pindutin ang kung ano ano.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now