Kabanata XII

6.9K 230 33
                                    

"Hiding your feelings from someone you love is like dying alive"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Mabilis na dumating ang lunes at naglalakad nanaman ako papunta sa sakayan ng jeep. Kasabay ko 'yung nakababatang kapatid ni James na si Nicole. Aniya'y nauna na siyang pumasok dahil halos kagigising lang ng kuya niya. Nandoon kasi sila nina Asher kagabi sa beach house nila Enrico at mukhang inabot sila ng madaling araw dahil maski si Asher ay wala pa sa sakayan noong dumating kami ni Nicole.

"Si Kuya Asher din ata ate male-late."

"Oo nga e," sagot ko habang tinitignan 'yung orasan ko sa cellphone. Lagpas six-thirty na kaya naman kailangan na naming umalis kundi male-late din kami. Hinawakan ko 'yung balikat ni Nicole at medyo itinulak siya papasok ng jeep, "Sakay na. Mauna na tayo."

Sa kalagitnaan ng byahe ay tinignan ako ni Nicole at nginitian. "Bakit?" tanong ko sakanya.

Iniabot niya lamang sakin 'yung cellphone niya at may ipinakitang picture namin ni Asher. "Sorry, medyo low quality." Sabi niya. "Hindi pa kasi ako binibilan ni papa ng iPhone e."

"Ako nga naka nokia parin e," natatawang sabi ko bago nangunot ang noo ko. Tinignan kong mabuti 'yung picture. "Kelan 'to?" tanong ko.

"Matagal na 'yan ate," aniya. "Birthday ata ni Kuya Enrico? Ngayon ko lang naalala na ipakita sa'yo."

"Ang ganda naman nito," mahinang sabi ko habang tinitignan 'yung picture. Nakatayo si Asher sa likod ko at nakabalot 'yung dalawang braso niya sa balikat ko habang ako naman ay nakasandal sakanya at parehas kaming tumatawa. Mukhang nasa harapan kami ng bonfire. "Ah, oo naalala ko na 'to."

"Bagay kayo ate," sabi niya bago tanggapin 'yung phone niya nung isinoli ko na 'to. "Magkamukha pa."

Natawa ako sa sinabi niya, "Ang dami nga nagsasabi," tapos umiling ako ngunit may ngiti parin sa labi. "Pero bestfriends lang talaga kami."

Yumuko si Nicole at tinignan lamang 'yung picture namin. "Kung sabagay.." mahinang aniya.

"Upload mo 'yan sa fb ah?" sabi ko naman sa kalagitnaan ng pagsasalita niya.

"....may gusto nga palang iba si Kuya Asher." Pagpapatuloy niya.

"Ha?" napataas ang kilay ko sa sinabi ni Nicole. "Sino?"

"Hindi mo..?" naguguluhang aniya. "Hindi mo kilala?"

Umiling iling ako, "Bakit mo kilala?"

"Napansin ko lang po," sagot niya. "Halata lang na may gusto siya kay.. uh." Nag aalinlangan niya akong tinignan. "Hindi ko yata dapat sabihin ate."

"Hindi," pinatong ko kamay ko sa kamay niya. "Sabihin mo, dali."

"Baka magalit si Kuya Asher sakin ate.."

"Bakit naman?" tumaas ang kilay ko. "Hindi naman ako ibang tao sakanya. Ako bahala sa'yo."

Binigyan niya ako ng isang pilit na ngiti bago buksan ang bibig niya para magsalita, "PARA PO."

"Huh?"

"Andito na tayo ate," aniya bago humarap sa may labasan. "Babye!"

"Huy!" Nakababa na siya bago ko pa man siya maabot. Madali ko sana siyang masusundan kundi lang may apat na sumunod na bababa at ako ang pinaka huli. "Tsk! 'Yung batang 'yun talaga..." Bakit parang ako lang ang walang alam?

Bumaba na ako ng jeep at pumasok na sa campus. Wala akong nakasabay na kakilala ko habang umaakyat papuntang fourth floor kaya naman ang dami ko nang naisip na kung ano ano.

STASG (Rewritten)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz