Kabanata V

8.6K 229 51
                                    

"Look, I know we're not together or anything, but no one else is allowed to date you, okay?"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Shit, shit, shit!" mabilis kong tinakbo 'yung corridor hanggang sa naabot ko na 'yung classroom namin.

Hinila ko pabukas 'yung pinto, "ーtopic for today.. Late, Adrian." Pinandilatan ako ng mata ni Sir Lance at tumango tango na lamang ako habang hinihingal. Sobrang tuyo ng bibig ko at masakit ang lalamunan ko kaya naman hindi na ako nagreklamo.

Dumiretso ako sa upuan ko at malakas na ibinagsak 'yung bag ko kasunod 'yung katawan. Sobrang pagod talaga ako dahil pagkababang pagkababa ko palang ng jeep ay nagsimula na akong tumakbo. Nag brown out kasi samin at na late din ako ng gising dahil napuyat ako sa pagsusulat ng essay kagabi. Kundi pa ako pinaulanan ng tawag ni Asher ay mas lalo siguro akong na late. Hindi ko sila kasabay ngayon, talagang iniwan ako nung mga loko. Pero mas mabuti ng late kesa i-mark na absent.

Hinawakan ko 'yung mukha ko at pinunasan 'yung pawis sa leeg ko. May naramdaman akong kalabit sa balikat ko kaya naman nilingon ko 'yung katabi ko at tinaasan siya ng kilay. "Oh?"

"Uhm.." nag pink nanaman ang kanyang pisngi. "I.. uh... May water ako, gusto mo?"

"Nalawayan mo na?"

Ibinuka niya 'yung bibig niya at medyo nanlaki 'yung mata niya dahil sa simpleng tanong ko. Nangunot ang noo ko at agad niyang isinara 'yung bibig niya bago umiling iling.

"Hokey," sabi ko sakanya bago tanggapin 'yung tubig. "Salamat."

"No problem," aniya bago mag iwas ng tingin. Napatingin ako sa namumula niyang tenga at napangiti. Napaka mahiyain talaga neto.

"By the way, class, nabanggit ni Ma'am Ladringan na may essay daw kayo?" tanong ni Sir Lance habang nakapamulsa at nakasandal sa desk niya.

Puro 'Meron sir', 'Meron po', at 'Opo' ang narinig ko. Bukod kay Tris na 'Yaaaas!' ang isinagot.

Humalukipkip si Sir at agad na nag zoom in 'yung mata ko sa biceps niya. Ooohlala. Isa si Sir Lance sa mga bagong teacher ngayong school year. Twenty-three years old na siya at fresh out of college. Practice teacher lang namin siya nina Ethel noong Third Year kami at laking gulat namin nung nalaman namin na 'yung crush naming practice teacher ay adviser na namin. Swerte diba?

"Oh, sinong 'di pa nakakagawa?" tanong niya at halos buong klase ay nagtaas ng kamay. Mangilan ngilan lang kaming nakagawa na. "Mga tamad!" aniya at nagtawanan kami. "Gawin niyo na, mataas daw grade doon e."

"Ang hirap naman kasi sir!"

"Tungkol ba saan? Importance of english diba? That's easy," Tinaasan niya kami ng kilay. "Bigyan ko kayong idea." Lumapit siya sa board at nagsimulang ng magbigay ng tips. Nakinig parin akong mabuti at nag take ng notes kahit tapos na ako, baka sakaling may pwede akong idagdag o ibawas.

Pagdating ng recess ay dumiretso na ako sa classroom nina Asher. Pumunta ako sa desk niya at nakita siyang natutulog. Napabuntong hininga ako. Isa din 'to e, inaasar niya si Troy kahapon sa pagtulog sa klase e ganun din naman siya. Umupo ako sa upuan ni Abigailー'yung seatmate niyaーat inangat 'yung isang braso niya. Agad siyang nagising at inaatok na napatingin sakin.

"Oh," aniya.

Yumuko ako at ipinatong 'yung dalawang braso ko sa desk niya bago 'to gawing unan. Tinignan ko 'yung polo ni Asher saglit bago ako pumikit para umidlip. Hindi nagtagal ay naramdaman ko 'yung braso ni Asher sa likod ko kasunod ang kanyang ulo. Napangiti ako hanggang sa dinalaw na ako ng antok.

STASG (Rewritten)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin