Kabanata LXXII

4.4K 221 28
                                    

"The best love is the kind that awakens the soul and makes us reach for more, that plants a fire in our hearts and brings peace to our minds. And that's what you've given me. That's what I'd hoped to give you forever."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Lumapit kami ni Jared sa mga kaibigan namin at agad akong kinabahan na baka may mapansin sila. Hindi pa naman ako mapakali kapag kinakabahan ako. Mabuti nalang at may nakita akong alak na pinag papasa pasahan ng mga lalaki at agad akong nanghingi para naman mapakalma ang sarili ko.

"Ano? Wala namang sugat?" tanong ni Ethel. "Ang tagal niyo e."

"Ayaw niya kasi magpalinis," mabilis na sagot ko ng hindi siya tinitignan. "Pinilit ko pa. Wala naman ako nakitang sugat." Pero marami akong ibang nakita. Nahawakan at naramdamaAdrian! Umubo ako at umupo sa kama para matabihan sina Kei. "Anong oras tayo lalabas?"

"Kayo lang naman hinihintay namin," sabi ni Ethel at naramdaman kong nag init ang pisngi ko.

Tinignan ko si Jared at sana'y hindi nalang dahil napanood ko siya habang inaalis niya ang t-shirt niya. Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa batok niya at parang dahan dahan pang hinila ang shirt niya hanggang sa tuluyan na 'tong maalis.

Kung hindi lang lumitaw si Tris sa paningin ko ay buong gabi ko na siguro tinitigan si Jared. Pabirong sinusuntok ni Tris ang tyan ni Jared kaya naman ibinalik ko na ang tingin ko kina Ethel.

Bumibilis ang tibok ng puso ko at nanlalamig ang mga kamay ko at hindi ko alam kung in a good way ba or bad. Ngayon ko palang talaga nakikita si Jared bilang.. siya at hindi kaibigan lamang. Oo nga't dati pa ay na gwa-gwapuhan na ako sakanya at nagawa ko na ding i-imagine kung ano siguro ang pakiramdam ng maging girlfriend niya pero hanggang doon lamang. Never kong in-entertain ang mga 'yon at kaibigan lamang ang tingin ko sakanya. Maski ang mga pasimple niyang paghalik sa kamay ko o ulo, never kong binigyan ng malisya.

Oh my shit, paano kung mayroong malisya 'yon para sakanya? Paano kung matagal na pala niya akong gusto?

"Huy tara na," aya ni Kei sa lahat kaya naman naputol ang pag iisip ko. "Last day na ngayon, hindi pa ako nakaka pag boy hunting."

Huminga akong malalim. Sabi ko sa sarili ko ay hindi ko na muna iisipin 'to kaya ayun ang gagawin ko.

"Boy hunting?" tanong ng kapatid ni Chance na si Isaac. Pilyo ang kanyang ngiti habang nakatingin kay Kei. "Para saan pa? Andito naman kami?"

"Pare," pag singit naman ni Henry na kalalabas lang ng banyo. Bukas pa ang zipper. Nakatingin siya kay Isaac habang nilalapitan si Kei. "Gwapo ka pero akin 'to."

Sinamaan siya ng tingin ng namumula na si Kei bago siya siniko nito sa tyan. "Mukha mo," ani Kei. Kay Kiko parin 'yan, gusto ko sanang sabihin pero nanahimik nalang ako.

"Naayos na 'yung line up diba?" tanong naman ni Kris na kanina pa tahimik doon sa lamesa. Kay Angelo at Jared naka direkta ang tanong niya. Nakalimutan kong siya nga pala ang drummer nila. Sakanilang tatlo, si Kris talaga ang magaling sa instruments. Maski noong elementary palang kami.

"Oo diba?" tanong ni Angelo habang kinukuha 'yung panyo niya sa likod ng pantalon niya. Pinunasan niya 'yung pawis sa noo niya, "May binago ba? Red?"

"Wala," sagot ni Jared na naka suot na ng pulang polo shirt. Umupo siya sa tabi ko at parang pinisil 'yung tyan ko nang dumikit ang balat niya sa balat ko. Lumipad ang isip ko sa nangyari sa banyo at agad na nag init ang pisngi ko.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now