Kabanata LXIV

4.7K 161 23
                                    

"There comes a point when you have to realize that you'll never be good enough for some people. The question is, is that your problem or theirs?"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Lunes ng umaga, nasa tapat na ako nang jeep mapatigil ako at mapatingin kay Enrico na tahimik na naghihintay sa likuran ko.

"Asaan si Asher?" tanong ko. Sa totoo lang, ayoko naman talagang mag tanong pero kasi hinanda ko na ang sarili ko na magkikita kami ngayon. Kahit na ayaw ko, kahit natatakot ako. Magkikita at magkikita parin kami dahil sabay kaming pumapasok nina Enrico tuwing umaga.

Kung pwede lang sabayan si Jared, ginawa ko na pero puting jeep kasi ang sinasakyan niya. Tsaka ayoko din namang itigil ang pagkaka ibigan namin nina James dahil lamang sa hindi namin pagkaka intindihan ni Asher.

Sa isang tao lang ako galit, hindi ko kailangang idamay ang mutual friends namin.

"Hindi ba nag-text sa'yo?" kunot-noong tanong ni Enrico.

Napa simangot ako, "Hindi e. Bakit? Anong sabi?" Sumakay na ako ng jeep at umupo sa tabi ni Nicolette na katapat ang natutulog na James.

Kakasakay lang namin tulog agad 'tong lalaking 'to?

"Nagka problema daw sakanila," sagot ni Enrico habang umuupo sa tabi ni James. Itinuro niya 'to, "Eto oh. Napuyat. Sila ang magkasama ni Asher kagabi e." Tinignan ni Enrico si Nicolette, "Niks, saan galing kuya mo kagabi?"

"Hindi ko alam kuya," sagot niya. "Palagi naman 'yan late umuwi kapag kasama si Kuya Asher kaya hindi na kami nagtatanong ni Mameh."

"Hindi naman siya lasing?" tanong ko. Baka mamaya ay nag iinom na pala si Asher dahil sa away namin.

"Hindi naman po," sagot ni Nicolette. "Parang pagod lang."

Gumaan ang pakiramdam ko sa impormasyon na 'yon pero may maliit na parte sakin ang na-disappoint. Isang araw palang kaming hindi nag uusap pero sobrang miss ko na siya at nalulungkot talaga ako sa nangyari, nananalangin na sana may gawin siya. Ipakita mo namang importante ako sa'yo Asher... Namimiss niya din kaya ako? May pina-plano na ba siyang gawin para magka ayos kami? 

Naiinis ako sa sarili dahil kahit ilang beses ko sabihin sa sarili ko na ayaw ko na, pa-sikretong umaasa parin ang puso ko na maaayos kami. Na hahabulin niya ako at hindi basta bastang hahayaan na maka alis sa piling niya. 

"Huy," mahinang ibinunggo ni Enrico ang balikat niya kay James. "James."

"Hmm.." sagot ng kaibigan namin ngunit hindi niya binuksan ang mga mata niya. Napuyat talaga 'to sa kung ano mang ginawa nila ni Asher.

"Hayaan mo na, E. Mamaya nalang natin tanungin," sabi ko kay Enrico na tumango nalamang. 

Tahimik na ang byahe namin papuntang school. Idinerekta ko ang atensyon ko sa labas, pinapanood ang mga tao sa labas. 'Yung iba ay nagbubukas ng mga tindahan nila, mayroong mga naka tambay sa labas at umiinom ng kape habang 'yung iba naman ay naghihintay ng sasakyan papuntang trabaho or paaralan. 

Hindi nagtagal ay tumigil na ang jeep sa harapan ng campus. Ako, si Enrico, James, Nicolette at ang iba pa naming naka sabay na estudyante ay nagsi babaan na. Ipinakita namin sa guard ang mga I.D namin at pinapasok kami nito ng walang problema. Gising na si James pero halata naman sa mukha niya na wala siya sa mood na magsalita at mas lalo nang magkwento kaya naman wala na samin ang kumausap sakanya. 

Maaga pa at mayroon pa kaming halos twenty minutes bago magsimula ang flag ceremony kaya naman sabay sabay na kaming umakyatb papuntang fourth floor pwera kay Nicolette na nasa third lang ang classroom. 

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now