Kabanata XL

5.5K 231 48
                                    

"A friend is someone who can see the truth and pain in you even when you are fooling everyone else."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Ilang beses na ba akong nag bulag-bulagan?

Ang biglaan niyang pagtayo nung pumasok si Gail ng faculty. Ang pagsunod niya dito nung lumabas na, aniya'y manonood na din daw siya ng pageant. Ang pagbitaw niya sa kamay ko nung naglalakad kami sa corridor dahil nakatayo si Abigail sa tapat ng classroom nila. Akala niya ba hindi ko napansin? Nung nabanggit si Gail kanina, nag tagis ang bagang niya at agad na nilabas 'yung cellphone niya para mag-text. Malay ko kung sino ang tinext niya.

Nakakapagod din pala. Pero tangina, ayoko parin siyang mawala. Halos buong pagkatao ko ibinigay ko na sakanya. Hindi ko kayang basta basta nalang itapon ang lahat ng 'yon dahil lang sa maliit na bagay. Pero shit naman kasi, mukha na akong tanga e.

'Yung feelings ko para kay Asher.. hindi ko alam kung sobrang gusto ko lang ba siya o mahal ko na. Hindi ko talaga alam. Maski sarili ko ay hindi ko maintindihan. 'Yung feelings ko.. sobrang lalim na. Wala siyang definition pero si Asher ang meaning.

Binasa ko ang labi ko, "Bakit mo naman iisipin 'yan?" Tumawa ako.

"Nothing," sagot ni Jared. "I was just making sure."

"Hindi ah," ani ko. "Anyway," pag iiba ko ng topic. "Absent nga pala ako bukas."

"Why?"

"Hahatid namin sa airport si Papa," sagot ko. "Paki sabi nalang sakanila ah?"

"Okay"

Natahimik kami. Hindi nagtagal ay nagpaalam na din si Jared. Mabuti na rin, kinakain ako ng guilt dahil sa pagsisinungaling ko sakanya. Somehow, deep inside, alam kong alam niya.

Patulog na ako nang umilaw 'yung cellphone ko. Dinampot ko 'to at tinignan. Dug. Tumalbog bigla ang puso ko.

ASHER: Hindi ako makatulog

ADRIANNA: bakit!
ADRIANNA: *?

ASHER: I miss you :(

May tawang umakyat sa lalamunan ko at nakaramdam ako ng urge na umiyak. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa gilid ng mata ko at nag-type na ng reply.

ADRIANNA: i miss you too :'(

ASHER: Dito ka nga
ASHER: Para mayakap kita

ADRIANNA: eh! ang liit liit ko kapag katabi kita

ASHER: Cute nga e

ADRIANNA: che

ASHER: Haha
ASHER: Bukas na alis ni Tito?

ADRIANNA: alam mo pala?

ASHER: Oo
ASHER: Sinabi mo dati

Napaka liit na bagay pero naalala niya. Ako nga hindi ko maalalang pinaalam ko sakanya. Sinabi ko 'to sakanya.

ASHER: Ulyanin ka e

Natawa ako at nag-type na ng reply

ADRIANNA: cute naman

ASHER: Yeah

ADRIANNA: yun naman oh hahaha sige na babe, maaga pa ako bukas.

ASHER: Okay ingat

STASG (Rewritten)Där berättelser lever. Upptäck nu