Kabanata LXX

4.2K 195 84
                                    

"When someone is trying to change their ways, the worst thing you can do is keep bringing up the past."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Sa mga dumaang araw, wala akong ibang ginawa kundi iwasan si Asher. Maski kapag magkakasalubong kami sa hallway, hindi ko siya titignan o 'di kaya'y aarte na hindi ko siya nakita. Hindi din naman siya nag attempt na lapitan o kausapin ako, madalas din siyang absent at hindi na ako nag abalang magtanong sa mga kakilala namin kung bakit. Maski sina James at hindi na nag effort na kausapin ako. Lahat kami ay umaarte na parang hindi namin kilala ang isa't isa. Minsan pa nga, sa mga tingin nila, parang galit pa sila saakin.

Hindi ko na ini-stress ang sarili ko. Nasasaktan parin ako ngunit ganun talaga, hindi madali ang mag move on pero iniisip ko nalang na darating ang araw, magigising nalang ako at hindi na si Asher ang una kong maiisip. 

Asher, sa paraan ng pagka usap niya saakin nung araw na 'yon. Siya na mismo ang nagtapos ng kung ano ang meron kami. Naghintay ako ngunit wala siyang ginawa. Ayun mismo ay sagot na sa mga katanungan ko. Importante ba ako sakanya? Ngayon alam ko na.

Walang ginawa ang mga kaibigan ko kundi pasayahin ako. Kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata nila at naisip ko na, kahit hindi ako mahalin ni Asher katulad ng pagmamahal ko sakanya, andyan naman ang mga kaibigan ko para punan ang lahat ng pagkukulang niya. 

Ngayon ay ang ika'tlong araw ng Octoberfest at sa dalawang beses na nandito ako, ni isang anino ni Asher ay hindi ko nakita kaya naman na enjoy ko siya ng walang problema. Ngayon din mag pe-perform si Angelo at Jared. Oo, pumayag na kami na mag-perform si Jared. Hindi naman sa kailangan niya ang permiso namin ngunit alam niya kasi na hindi kami sang-ayon kaya naman ilang beses siyang nagpaalam. Gusto niya daw kasi na buo ang loob namin kapag tumapak siya sa entablado. 

Maraming tao ngayon at dahil mamaya pa kakanta sina Angelo, naisipan muna naming kumuha ng mga maiinom. Hawak hawak ko ang kamay ni Jared habang naglalakad kami sa dagat ng mga tao ngunit ng mapansin niya na natutulak tulak ako, ipinulupot na niya ang braso niya sa balikat ko. 

Kumuha kami ng isang lamesa malapit sa stage kung saan sila tutugtog mamaya. Lahat kami ay nakumpleto ang tatlong araw ng Mardigra kaya naman ngayon ay mag ce-celebrate kami. Kanina pa naka inom ang mga lalaki, maski si Jared ay namumula na, ngunit kaming mga babae ay ni isang sipsip ay wala pa kaya naman nag-order si Kris ng tig iisang bote para saaming lahat. 

"Nakita niyo na ba 'yung chiks na na-spot ko kahapon?" tanong saamin ni Henry. 

Sumipsip ako ng kaunti sa bote na hawak ko. "Ano nga pala ang itsura nun?" tanong ko. 

"Maikling buhok," aniya bago siya ngumisi ng nakakaloko. "Malaking pwet."

"Tapos panget," dagdag ni Tris bago uminom at napatawa kami sa kumento niya habang sinamaan naman siya ng tingin ni Henry.  

"Morena diba?" tanong naman ni Kei at tumango si Henry. "Tingin tingin ka lang baka dumaan 'yun."

"Sila James kanina, Adrian nakita ko ah." Sabi ni Kris at nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko pinahalata sakanila na bigla akong kinabahan. "Kasama si ano.."

Himala, naisip ko. Itinaas ko ang noo ko, "Lampake," sabi ko sakanila.

"Ayun naman!" Pumalakpak si Ethel. "Ganyan dapat girl!"

"Cheers!" sigaw ni Angelo. Natawa at napailing ako pero isinangga ko parin ang bote ko sakanilang lahat. 

Kailangan kong i-distract ang sarili ko dahil lumalapit nanaman ang isip ko sa danger zone. Nilingon ko si Jared. Nakikinig na siya ngayon sa usapan nina Henry. Magkatabi ang upuan namin at naka patong ang isang braso niya sa likuran ng upuan ko, kapag sumandal ako ay mararamdaman ko na ang balat niya sa balat ko. Namumula ang mga pisngi niya dahil sa pag inom pero buhay na buhay ang mga mata niya. Dahil sa pag ngiti niya, naka litaw nanaman ang dimple niya. At siguro dahil lasing ako, malakas ang loob, hindi ko alam. Pero bigla akong lumapit at idinampi ang labi ko sa pisngi niya. 

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now