Kabanata XXXI

5.8K 250 41
                                    

"How is it that one moment I don't give a fuck and the next I'm attached and can't let you go"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Minessage ko siya, sinabi ko na dun lahat lahat" pagkukwento ko kina Ethel habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Jared.

"Oh tapos? Anong sabi niya?" tanong ni Ethel.

"Na kailangan niya daw ng space, ganun." Nagkibit balikat ako para hindi nila mahalata na nasasaktan ako. Ayokong ipakita sakanila kung gaano ako ka apektado sa nangyari. "Naiintindihan ko naman side niya."

"Space? Ano siya astronaut?!" inis na kumento ni Beatrice at pinili ko nalang na hindi sumagot.

"Bakit daw?" tanong ni Ethel at nagkibit balikat nanaman ako.

"May pinagdadaanan daw siya."

"So?" pag singit ni Kei. "Ano na kayo ngayon?"

"Wala," simpleng sagot ko. "Wala na."

"Anong wala na?" galit na sabi ni Ethel. "Ganun nalang 'yun? Nagpahalik halik ka tapos wala na?"

Kunot noong tinignan ko si Ethel bago ako tumawa, "Halik lang naman 'yun Ethel. Hindi big deal."

"Kelan pa hindi naging big deal ang isang halik, Adrianna?"

"Matagal na," sagot ko. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko kaya naman agad ko 'tong kinuha at hindi na pinakinggan ang sinabi ni Ethel. "Hello 'te Sky?"

"Adrian, asan ka na? Diba half day lang kayo?"

"Papunta po kami kila Jared ate."

"Ano?! Anong gagawin mo jan?! Tumigil ka Adrianna ha, may exam ka pa bukas. Umuwi ka na at mag review!"

"Prelim lang naman 'yun ate.."

"Kahit na!"

"Saglit lang ako dun, uuwi din ako kaー"

"Hindi, tumigil ka. Umuwi ka na Adrian ha." Napa irap at buntong hininga ako. "May exam ka tapos pupunta punta ka jan. Sinong kasama mo?"

"Sila Ethel."

"Ano ba 'yan? Kung makagala kayo kala niyo weekend? Umuwi ka na!"

"Oo na."

"Ngayon na ha," galit niyang sabi. "Gagala gala ka hindi ka pa nagpaalam. Kung 'di pa ako tumawag hindi ko malalaman?"

"Wala akong load."

"Eh bakit hindi ka naki text?!"

"Sige na, uuwi na ko."

Gusto ko na sana ibaba 'yung tawag pero alam kong mas lalo lang akong malalagot kapag ginawa ko 'yun. Naghintay pa ako ng kaunti hanggang sa si Ate Sky na mismo ang nagbaba ng tawag.

Inayos ko 'yung pagkasukbit ng bag ko sa balikat ko at tumigil na sa paglalakad. "Guys, pinapauwi na ako." Malakas na sabi ko kaya naman napatigil silang lahat. Pati sina Angelo na medyo malayo na sa tinatayuan namin.

"Ha? Bakit?" tanong ni Kei.

"Pinapauwi na ako ni Ate e," sagot ko. "Bye." Kinawayan ko sila at naglakad na papuntang bahay.

Na sermonan ulit ako pag uwi ko at hindi 'to nakatulong sa bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko. Kahit na paulit ulit kong sinasabi sa isip ko na wala lang 'to, okay lang ako. Mabuti nalang hindi ko pa mahal masakit parin.

Hindi siya 'yung sakit na mararamdaman mo talagang nawarak 'yung puso mo. 'Yung sakit na naramdaman mo nung nabalitaan mong wala na si Zayn Malik sa One direction. Oh kaya nung nalaman mong namatay na si Paul Walker. Hindi ganun e. Alam mo 'yung sakit na ang ganda ganda ng panaginip mo tapos bigla ka nalamang magigising? Mabigat sa dibdib. At kahit anong gawin mo.. hindi 'to mawala wala.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now