Kabanata XXXVII

5.4K 236 54
                                    

"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Sabado ng umaga, nagising ako sa kwarto ng Ate ko. Mula nang umuwi 'yung magulang namin, dito na ako natutulog. Tumingin ako sa kanan at nakitang tulog pa siya kaya naman dahan dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto niya.

Tatlong araw nalang naman si papa dito sa pilipinas habang si Mama naman ay matatapos na ang leave sa lunes kaya naman kailangan na niya bumalik ng Maynila. Konting tiis nalang akin na ulit ang kwarto nila.

Nag f-facebook ako sa may terrace nang matandaan ko 'yung mga nangyari kagabi kaya naman agad akong dumiretso sa account ni Abigail.

Obviously, sa pamumula ni Jared nang makita siya, halatang may gusto siya dito. Ano bang meron sakanya? Maski si Asher ay nagustuhan siya. Pati sina Kris ata dati nagka gusto dito kay Gail. Muntik pa silang mag away ni Henry.

Tinignan ko ang mga status niya, halos lahat english. Kinginang babae 'to ma no-nosebleed ata ako dito kakabasa e. Nasa pinas ka hoy! Magtagalogーuy tangina relate. Ma-like nga.

Ay pucha Adrianna three weeks ago pa 'yun!! Unlike! Unlike!

Nag patuloy ako sa pag s-stalk habang nakabusangot. Simpleng picture, 200+ likes e ako na picture ko nung JS prom last year 57 lang? Inamag na. Tangina, madami lang siguro 'tong friends.

"Hoy Adrian, ang aga aga nag c-cellphone ka nanaman. Mag timpla ka na ng milo mo doon," ani Mama nang makita niya ako. Tumalikod na siya at naglakad pabalik sa loob ng bahay pero nagsasalita parin, "Sinabi na nga bang 'di ka dapat binilhan ng iPhone e."

Pumasok na ako ng bahay at inilapag 'yung cellphone ko saglit sa may lamesa bago kumuha ng tasa at magtimpla ng milo.

"Anong almusal Ma?" tanong ko.

"Ayan oh," aniya. "May pandesal jan tsaka cheez whiz. Pagka tapos mo maligo ka na at aalis tayo."

"San punta?"

"Harbor point," sagot niya. "Ayaw mo ba? Bili tayo ng bago mong damit."

Uy baka makahanap ako ng damit na mas maganda sa mga sinusuot ni Gail.

"Sige po," sagot ko bago kumuha ng pandesal at ibalik 'yung atensyon ko sa cellphone ko.

Tinignan ko ulit ang mga picture ni Gail. Ang profile pic niya ngayon stolen. Sus, if I know kunwaring stolen lang 'to. Naka tingala siya at tumatawa pero kahit ganun ang ganda niya parin. Nakakainis! Tapos 'yung ngipin niya pa ang puti ta's pantay pantay. Kapag ako siguro kinuhanan ng ganyan para siguro akong napo-possess. Sabi ni Asher dati minsan para daw akong demonyo kapag tumatawa e. Gago.

"Sino 'yan?" tanong ni Mama nang dumungaw siya sa phone ko. "Ang ganda naman."

"Wala," sagot ko.

"Ganyan ka dapat oh," aniya. "Hindi ka kasi nag aayos e."

Napasimangot ako at lumaki ang butas ng ilong ko kaya naman ini-exit ko na 'yung facebook at kumain na lamang ng almusal.

Pagka tapos ko ay pinababa ko na muna 'yung kinain ko bago dumiretso sa banyo.

May malaking salamin dito sa C.R ni Ate kaya naman kitang kita ko lahat ng flaws ko. Awa ng Diyos, makinis ang mukha ko ngayon at walang tigidig. Pero may kaunting pimple marks ako sa pisngi.

Si Abigail ang kinis kinis ng mukha.

Lumaki nanaman ang butas ng ilong ko at naisipang maghilamos na muna. Dumampot ako ng tabo at ginamit 'yung hot water galing sa shower. Ginamit ko 'to pang hilamos para bumukas 'yung pores ko bago gamitin 'yung Dove. Hindi naman ako pala hilamos, nakikita ko lang na ginagawa 'to ni Ate pero kung gusto ko ng makinis na mukha, kailangan ko 'tong gawin. Okay, ano next? Mainit ulit. Tapos kapag wala ng sabon sa mukha, 'yung malamig na tubig na sa faucet para mag sara ang pores. Okay, done. Tingin sa salamin.

STASG (Rewritten)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin