Kabanata XXXIII

6.3K 233 42
                                    

"Waiting for someone else to make you happy is the best way to be sad."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Paborito kamo ni Asher 'yan," nakasimangot kong sabi habang nakaturo sa kinakain ni Henry na Chippy. "Ang alat alat."

"Wala akong pake," sagot ni Henry bago ibuka ng malaki 'yung bibig niya para mai-shoot lahat ng chichirya sa bibig niya.

"Asher nanaman," kumento ni Beatrice. "Mag move on ka na."

"Bakit mag m-move on kung wala namang feelings?" sagot ko sakanya bago siya irapan.

"Woo, bullshit" aniya. "Ano pala 'yung iyak iyak mo kay Angelo at Ethel?"

Inirapan ko siya at napanguso ako, "Iyak iyak ka jan. Hindi ako umiyak noh."

"Sinungaling!"

"Ewan ko sa'yo Tris," mahinang sagot ko nalamang.

Inabot ko 'yung kamay ko kay Kris na kadarating lang kasama si Jared at Angelo, agad niya namang inabot sakin 'yung tubig na pinabili ko.

"Asan si Ethel?" tanong ko.

"Nag CR lang saglit," sagot naman ni Angelo bago umupo sa may tapat ko.

"May naisip na ka ng kanta para next week? Eto kasing si Jared kagabi tinulugan ako e, tawa pa ng tawa." Nahihiyang tumawa si Jared bago kamutin 'yung batok niya. Sininghalan ko siya.

"Bakit? Ano meron kagabi?" tanong ni Kei.

"Magkausap kami sa phone," sagot ko. "parang aning si Jared. Tawa ng tawa hanggang sa wala na kaming nagawa."

"Bakit ka tawa ng tawa?" tanong ni Kei kay Jared na napatakip sa mukha niya.

"Nahihiya ako e," sagot niya bago tumawa nanaman.

"Wuy!" ibinangga ni Henry 'yung balikat niya kay Jared. "Wag parang bading 'tol, para kang kinikilig na bayot."

Agad na namula si Jared sa sinabi ni Henry habang kami naman ay tawa ng tawa. Kinikilig na bayot. Kinginang Henry 'to ang benta.

"Naalala ko tuloy 'yung sigaw ni Asher kapag lumilitaw si Whitey," natatawang pagkukwento ko kay Beatrice na sinagot lamang ako ng irap. "Parang bakla din 'yun e."

"Jusko Adi, wala akong pake sa lalaking sinaktan ka" mahinang aniya para ako lang ang makarinig. "Siya nalang lagi mong bukambibig."

Sinamaan ko siya ng tingin, "Ewan sa'yo."

Sorry naman, mahirap kalimutan ang taong sobrang daming ala alang iniwan sa'yo.

Tumahimik nalang ako. Nakasimangot na tini-trace 'yung mga bako bako sa lamesa habang pinapakinggan ang pagku-kwentuhan ng mga kaibigan ko.

Ano kayang ginagawa ni Asher ngayon? Iniisip niya din kaya ako? Siguro naman miss na miss niya na din ako.. kasi ako miss na miss ko na siya.

Mabilis na lumipas ang mga oras. At sa wakas tumunog na ang bell. Agad kong binitawan ang ballpen na hawak ko sabay pinatunog ang mga daliri ko. Na pagsabihan na ako dati na 'wag ko 'tong gagawin pero nakakairita kasi kapag hindi mo pinatunog. Ayan tuloy, mukhang bali mga buto ko sa daliri.

Nag inat inat ako bago sinimulan ang pagliligpit ng gamit ko. "Red, ballpen mo oh" Ibinalik ko na kay Jared 'yung hiniram ko bago magpatuloy sa pagliligpit.

Hindi nag tagal ay pinatayo na kami para sa prayer at paalam. Nang matapos ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at nauna ng bumaba. Nag-text kasi si Ate Sky kanina, nasa parlor daw siya sa may tabi ng iDojo. Ipina schedule niya daw ako ng treatment ta's ipapagupit na din buhok ko. Okay na din, new look.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now