Kabanata LX

4.1K 193 28
                                    

"Because nothing makes me happier, and nothing makes me sadder than you."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Asher?"

Kakakita ko palang sakanya pero alam ko na kaagad na may mali. Kitang kita ko sa mga mata niya.

"I'm sorry Adrian," ang unang sinabi niya nang makalapit ako.

"Anong problema?" kinakabahan na tanong ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko. Tumingin siya sa ibang direksyon para hindi ako matignan. Humakbang ako papalapit ngunit napatigil din kaagad nang umiling siya.

Tapos nakita ko siya.

Nakatayo sa likod ni Asher si Abigail kanina at ngayon ko lang siya napansin. Nahigit ko ang hininga ko tapos nahulog ang tingin ko sa magka hawak nilang kamay.

"Ano 'to?" tanong ko at pakonti konti ay nag iinit na ang gilid ng mga mata ko. Kung ano anong mga pangyayari ang pumapasok sa isipan ko. No, Adrianna. Hindi ka iiyak sa harap nila.

"Sorry, Adrian.." malungkot na sabi saakin ni Asher bago hilain papalapit si Abigail para kitang kita ko na siya. "Siya ang mahal ko."

"No.." umikot ang paningin ko.

"Masaya kami sa isa't isa Adrianna.." mahinang sabi ni Abigail at napahawak ako sa ulo ko.

"No.. hindi pwede."

"Nasasakal ako sa'yo Adi," sabi ni Asher. "Nagsawa na ako. Si Abigail naman talaga mahal ko, reserba ka lang."

"NO!"

Dumilim ang paningin ko at napuno ng katahimikan ang paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay 'yung pagtibok ng puso ko. Agad akong napahawak sa dibdib ko para pakiramdaman ito bago ko inihilamos ang kamay ko sa mukha ko bago ako bumangon.

Pinapagitnaan ako ni Ethel at Kei at naroon si Tris sa may dulo. Panaginip lang, sabi ko sa sarili ko bago maingat na umalis ng kama para hindi sila magising.

Agad kong inikot 'yung kwarto para hanapin 'yung phone ko. Nung hindi ko 'to makita, lumabas ako at tahimik na naghanap sa kusina para hindi magising 'yung mga lalaki sa sala. Madilim din dito pero nagawa kong bilangin 'yung apat na tao na naka higa sa couch. Kulang sila ng isa. Nangunot ang noo ko. Sino ang wala?

Nakita ko na 'yung phone ko sa may dining table at agad 'tong tinignan. May ilang missed calls ako mula kay Asher at isang text galing sa kapatid ko.

From: Ate Sky

Ano oras ka uuwi? Sunduin ko ba kayo ni Von?

received 6:28am

Ang aga ng text ni Ate. Mabuti nalang at gising na ako. Agad akong nag type ng reply na hindi na namin kailangan sunduin. Sasabay nalang kami sa mga kaibigan ko na umuwi. Tsaka panigurado ay gagala pa kami pagka alis namin dito.

Lumapit ako sa may pinto papuntang veranda at hinawi ng kaonti 'yung kurtina. Hindi pa ganoon ka liwanag sa labas at mukhang malamig pero nabigla ako sa lalaking naka upo sa may upuan, balot na balot ng kumot at naka tulala sa langit.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now