Kabanata LXV

4K 162 10
                                    

"Purposely holding your feelings back because you know it's for the best."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Naka upo ako sa may fire exit sa tapat ng classroom namin. Isa itong pulang hagdan na naka kabit sa gilid ng building namin. Recess ngayon at gusto ko lamang mapag isa. May kirot akong nararamdaman sa dibdib ko at pakiramdam ko ay anytime maiiyak na ako. Napupuno na ako ng lungkot at parang gusto kong sumigaw o 'di kaya'y mawala nalang bigla.

Asher, Asher, Asher. Bakit ba kasi ikaw pa?

Siya lang. Siya lang ang gusto ko. Siya lang ang makakapag pasaya sakin. Hindi ko na ma-imagine ang buhay ko na wala siya. Sobrang na-attach na ako sakanya at hindi ko yata kakayanin kung talagang mawala siya. Please Lord, kahit isang pakita niya lang sakin na importante ako sakanya, tatanggapin ko. 'Wag lang 'yung ganito Lord, please.

Ano na Asher? Kailangan ko nanaman bang ibaba ang sarili ko para lang magka ayos tayo? Kaya ko. Kaya kong mag mukhang tanga para sa'yo. Pero kasi hindi na tama. Pakiramdam ko ay naaabuso na ako. Kaya masama bang hilingin na ikaw naman ang mag-effort ngayon? Patunayan mo sakin na importante din sa'yo ang kung anong meron tayo. Please, Asher. Kailangan kita para patunayan na may pag asa tayo at hindi ako mananatiling nangangarap.

Huminga akong malalim at nanginig ang buong katawan ko, nagsi taasan ang mga balahibo ko at pakiramdam ko ay may kumurot sa puso ko. Itinakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko at naramdaman ko ang pag tibok ng ulo ko. Nahihilo ako at parang gusto kong masuka dahil sa kabang nararamdaman ko. Bakit ako kinakabahan? Parang may nase-sense ang katawan ko na hindi ko pa nakikita.

Iniangat ko ang ulo ko para tumingin sa paligid nang makita ko siya na nakatayo sa harapan ko. Ang bilis mo Lord ah. Dug. Isang malakas na kalampag ng puso ko ang yumanig sa buong pagka tao ko. Oh my shit.

Tulungan niyo ako, hindi ako maka hinga.

"Asher.." maliit ang boses ko at punong puno ng pag aalinlangan. Anong ginagawa niya dito sa harapan ko?

Humakbang pa siya lalo papalapit saakin hanggang sa bumangga na ang tuhod ko sa magka bila niyang hipbones. Huminga siyang malalim, "Adi.."

"A-Anong.." Hindi ko magawang magsalita. Nagbara ang lalamunan ko at ayaw lumabas ng mga gusto kong sabihin.

"Pwede ka bang maka usap?" tanong niya. Malungkot ang boses ni Asher at agad akong nakaramdam ng urge na yakapin siya ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko bago ako sumagot, "Oo naman," ani ko at medyo umusog para maka upo siya sa tabi ko.

Oh my shit, oh my shit, oh my shit uupo siya sa tabi ko.

Tumama ang balikat niya sa balikat ko at dumikit ang balat niya saakin. Napahigpit ang hawak ko sa bakal na kinakapitan ko nang maramdaman ko ang buong katawan niya sa tabi ko. Hihimatayin na ata ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Sana ay hindi nanaman ito isa sa mga usapan nila kung saan maayos sa simula tapos mag aaway nanaman sila sa huli dahil nakakapagod na ang ganun na pulit ulit nalang. Gusto ko lang sana maging masaya kasama siya kahit saglit kaya naman sana'y maayos matatapos ang usapan na 'to.

Nilakasan ko ang loob ko at tinignan si Asher. Naka tingin siya sa baba at naka kagat sa ibabang labi niya. Medyo naka kunot ang noo niya at natatakpan ng mahahaba niyang pilik mata ang magaganda niyang mga mata. Na-miss ko ang mga ito. Sana lumingon siya sakin, kahit saglit, tignan niya lang ako. Na-miss kong mawala sa mundo tuwing nagtatama ang tingin namin.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now