Kabanata XLVI

5.1K 223 50
                                    

"And baby, I hate to say it, most of them - actually pretty much all of them are going to break your heart, but you can't give up because if you give up, you'll never find your soulmate."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Malakas ang ulan ngayon at mukhang babagyo. Umaanggi 'to at basa basa na din 'yung mga palda namin nina Ethel pero nasa labasan parin kami, nakatambay sa may likod ng stage.

"May padating daw ata na bagyo e," sabi ni Kei. Katulad ng iba, naka upo siya sa may lamesa ng picnic table.

"Edi postponed 'yung kuhaan ng card?" tanong ko at nagsi kibit balikat lang sila. Ibinulsa ko 'yung mga kamay ko sa hoodie ni Asher na pinahiram niya sakin kanina. Pa-sikreto akong napa ngiti.

"Sana satin nalang ibigay," ani Angelo.

"Hindi 'yun," sagot naman ni Kei.

Ako, si Ethel, Angelo at Kei lang ang palaging magkakasama ngayong mga nakalipas na araw. Si Tris, parang tanga lahat kami iniiwasan. Si Henry at Kris naman parang nakahanap na ng mga bagong kaibigan tapos si Jared palaging kasama si Gail.

"Grabe," nasabi ko dahil sa mga iniisip ko. "Ang dami dami natin apat nalang tayong natira."

Sumalumbaba si Kei, "Epekto ng love."

"Hoy kayong dalawa ha," tinignan ko si Angelo at Ethel. "Kapag kayo nag MIA na din wala na, dalawa nalang kami ni Kei."

Inakbayan ni Angelo si Ethel na agad namang sumandal sakanya. "Alam mo namang lagi lang kaming naka buntot sa'yo e," naka ngiting sabi sakin ni Ethel.

"Huy!" Dumating si Kris at lumapit sa lamesa namin. "Wala na daw pasok," aniya.

"Ha?!"

"Oo, nagsisi uwian na sila."

Nilabas ko 'yung phone ko para tignan 'yung oras at nakitang mag t-ten palang ng umaga. "Bakit daw?" tanong ko habang ibinabalik sa bulsa 'yung phone.

"Signal number three," sagot niya. "Kaya dismissed lahat."

Nagkatinginan kami nina Ethel. Pare-parehas pa naming ayaw umuwi pero dahil sa bagyo, hindi din naman kami makaka gala.

"Tambay muna tayo," pag aya ni Ethel.

"Saan?" tanong ni Kei.

Tinignan ni Ethel si Angelo, "Bawal sainyo?"

Natawa si Angelo at napakamot sa ulo, "Hindi ko nga alam pano ako makakauwi e."

"Bakit?"

"Wala sila Daddy sa bahay nag punta sila ni Mommy kanina sa Manila. Hapon pa balik nun."

"Hala," ani ko. "Eh 'yung yaya niyo? Walang tao sa bahay niyo ngayon?"

"Wala na 'yun diba?" paalala sakin ni Ethel. "Ninakawan sila."

"Ay oo nga pala," sabi ko nang maalala ko 'yung kwento ni Angelo nung isang araw. 'Yung katulong daw nila nahuli niyang nangunguha ng alahas ng mommy niya.

"Pano ka nyan?" tanong ni Kei.

Nagkibit balikat si Angelo sabay ngumuso, "Kung saan tatambay, doon ako."

"Sama ka?" tinuro ko si Kris.

"Sure," sagot niya. "Si Henry din."

"Pano si Tris? Sasama kaya 'yun?" tanong ko sakanila.

"Ayun lang," ani Ethel. Sumimangot siya, "Ta's si Jared pa."

"Ako na bahala kay Jared," sabi ko sakanila at ngumiti nalang.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now