Kabanata XXI

7.2K 236 66
                                    

"Sometimes following your heart means losing your mind"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Adrianna," ani Kuya Griffin. Ang nakakatandang kapatid ni Asher. "kain."

"Sige lang kuya," sagot ko naman mula sa couch.

"Halika dito," pag tawag niya ulit habang hinahalo 'yung juice. "habang mainit pa 'yung pandesal."

Tumayo ako at tinignan 'yung lamesa, "Ano bang palaman jan?" tanong ko habang lumalapit.

Dumampot si Kuya Griffin ng isang pandesal at kumagat dito, "May cheez wiz, coco jam tsaka may ano, reno ata doon sa taas ng ref. Kunin mo nalang."

"Ayokong reno," humila ako ng upuan at umupo na. "yung cheez wiz nalang."

Itinuro niya 'yung cheez wiz at iniabot sakin 'yung kutsara habang ngumunguya. "Kuha ka lang."

Tinanggap ko 'yung kutsara at tumayo ng kaunti para makuha 'yung bote ng cheeze wiz. Muntik ko pa 'tong mabitawan dahil hindi pala siya masyadong nakasara.

"Juice?"

"Sige kuya."

Patapos na akong magpalaman nung nilapag ni Kuya Griffin 'yung baso ng juice sa harap ko. "Salamaaaat." Ngiti lang ang isinagot ni Kuya bago siya humila ng upuan para sa sarili niya.

Nung pangatlong pandesal ko na, narinig kong bumukas 'yung pinto ng banyo. Napatingin ako sa direksyon ng tunog, "Tapos na si Asher." Naisip ko palang na makikita ko na ulit siya bumilis na tibok ng puso ko.

Maya maya ay lumitaw na si Asher sa paningin ko. Nakasuot siya ng basketball shorts tapos yung tuwalya niya nakasabit sa balikat niya at pinupunas punasan niya 'yung basa niyang buhok.

"Ano meron?" tanong niya bago maglakad papalapit sakin. Medyo bumaba siya para makuha 'yung tinapay ko sa kamay, maliit nalang 'to kaya naman nakain niya ng buo. Ni hindi ako nakapag protesta dahil na-distract ako sa amoy niya. Pinaghalong amoy ng safe guard at head n' shoulders.

"Ooh!" reklamo ko nung pati inumin ko kinuha niya. "Magsalin ka ng sa'yo!"

Nakangusong ibinaba niya 'yung baso tapos inambahan ako kaya naman medyo napapikit pa ako. "Damot mo talaga." Tumalikod siya, "Bihis lang ako."

"May pupuntahan ba kayo?" tanong ni Kuya Griffin habang ipinapagpag 'yung daliri niya sa lamesa.

"Wala kuya," sagot ko. "nakapambahay nga lang din ako oh."

Kumagat siya sa pandesal na hawak niya at tumango tango habang ngumunguya. "Good. Aalis ako maya maya e, walang maiiwan dito sa bahay."

"Saan ba nagpunta sila tito?" tanong ko.

"Sa Zambales," sagot naman niya. "pauwi na din siguro 'yung mga 'yun. Mga 6 or 7 andito na. Anong oras ka ba uwe? Duwag pa naman 'yang si bunso."

"Depende kuya, pwede ko naman hintayin sila tita pero kasi baka pauwiin na ako ni Ate ng mga alas-cinco."

"Okay," tumango tango ulit siya bago uminom ng juice. "Adeng!"

"Po?" sagot ni Asher mula sa kwarto nila ni Kuya.

"Hatid mo si Adrianna mamaya ha? Kapag wala pa sila mameh, dun ka muna."

"Baket?"

"Aalis ako maya maya," sagot ni kuya. "maiiwan ka dito."

"Aaah, okay!"

Tahimik lang akong kumain hanggang sa naubos na 'yung juice ko. "Busog na ako, kuya."

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon