Kabanata LVI

4.7K 182 45
                                    


"Her smile was my favorite part about her. Sometimes I would say stupid things just to see it. I swear, the entire fucking room lit up. I know that sounds like cheesy bullshit, but you realize all that cheesy bullshit is true when you actually fall hard for a girl."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Sunday ngayon at nasa may kwarto lang ako, tinatapos 'yung assigment na kailangan na ipasa bukas. Nasa bahay lang ako buong araw at wala nanaman ako sa mood na kausapin ang kahit sino sa mga kaibigan ko. Pinabayaan ko lang na ma-lowbat 'yung phone ko kaninang tanghali at hanggang ngayon ay hindi parin ako nag c-charge.

"Adrian," rinig kong tawag ng pinsan kong si Von mula sa labas ng kwarto ko. "May bisita ka!"

Nangunot ang noo ko. "Sino?" tanong ko habang dahan dahang bumabangon. Hindi tumatahol si Whitey kaya imposibleng si Asher ang nasa labas.

Binuksan ko 'yung pinto at nakita si Von doon na nagkakamot ng sentido niya. "Hindi ko kilala e. Basta tropa mo na maputi."

"Maputi?" kunot noo na tanong ko bago ko siya lagpasan para makapunta sa may sala. Sumilip ako sa may bintana at mas naguluhan nang makita ko si Jared na naka upo sa may labas ng gate. 'Yung kamay niya naka shoot sa gate para mahawak hawakan niya si Whitey. Tinignan ko ng masama 'yung pinsan ko, "Ba't 'di mo pinapasok?"

"Malay ko ba kung bati kayo nyan o ano? Mamaya papasukin ko ta's gusto mo pala na sapakin ko."

Inirapan ko 'yung pinsan kong ugok bago ako ag martsa palabas ng bahay. "Huy," sabi ko nang alam kong maririnig na ako ng kaibigan kong nasa labas. "Anong ginagawa mo dyan?" Lumapit ako sa may gate at binuksan 'to para sakanya. Tumayo na si Jared at pinagpagan 'yung pwetan niya dahil nadumihan 'to. "Umupo upo ka dyan e tumatae minsan 'yung aso ng kapitbahay jan."

Namilog ang mga mata ni Jared at namula ang kanyang mga pisngi bago niya mabilis na tinignan 'yung pinag upuan niya. "Wala naman e..." rinig kong sabi niya bago niya ulit ako tignan. Hindi ako nagsalita at matagal tagal din kaming nag tinginan. Itinaas niya 'yung isang kamay niya at hinimas 'yung batok niya. "Uhm.. Hi."

Napangiti ako, "Hello," bati ko pabalik para lang sakyan siya. Hinila ko pabukas 'yung gate para makapasok. "Lika, pasok ka."

Kami lang ni Von ang tao sa bahay ngayon dahil pinuntahan ni Ate Sky at Tita si Mama sa Maynila. Sasama nga sana ako kung wala lang pasok bukas. Nag-retreat na si Von sa kwarto ni Tita, rinig na rinig sa sala ang korni niyang patugtog tungkol sa mga gangster sa kalye. Bigla akong nahiya sa itsura ng bahay namin. Makalat. May t-shirt pa na marumi sa may couch tapos may mga buhok buhok 'yung sahig.

"Pasensya na makalat ah?" sabi ko kay Jared habang nagdadamot ng kung anong bagay na wala naman dapat sa sala. "VON! 'YUNG JENGA MO NGA LIGPITIN MO DITO!" Dinampot ko 'yung maliliit na bloke na nakakalat at halos ibato na 'to kay Von nang lumabas siya ng kwarto.

"Ay," ang sabi niya lamang bago nagsimulang mag ligpit. Nakita kong napatingin siya kay Jared. "P're," bati niya dito. Hindi ko na tinignan kung paano siya binati pabalik ni Von. Pagkatapos na pagkatapos magligpit, itinulak ko na 'yung pinsan ko paalis.

"Bakit ka ba naglilinis?" tanong ni Jared. "Ayan ba ginagawa mo before I came? Or you're just doing that because i'm here?"

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now