Kabanata LIV

4.3K 210 32
                                    

"And so there's this boy. The way he laughs makes me smile, the way he talks gives me butterflies and everything about him makes me happy."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

     "They're my friends Abi," matigas na sabi ni Jared sa kausap niya sa phone at kumalampag ang pinto ng hotel room pagka sara niya dito. Naiwan kaming magkakaibigan na nagtititigan at walang kaalam alam sa nangyari. Ang ringtone ni Jared ang gumising sa lahat at kung bibilangin ko ang oras ng tulog ng mga kaibigan ko, masasabing kong dalawang oras lang mahigit.

     Nasa may bakanteng couch parin kami ni Asher at si Hero ay humihilik pa sa may baba namin. Siya lang ang hindi nagising kaagad. Kinalabit ko si Asher at itinuro si Hero.

     Gumapang si Asher papunta sa ulunan ni Hero, may maliit na unan na naka ipit sa may kili kili niya. Nang sigurado na siyang hindi magigising si Hero, kinuha niya 'yung unan at inihampas 'to sa ulo ni Hero.

     "SUNOG!" sigaw ni Asher.

     Wala pang isang segundo bumangon na si Hero at sinubukang tumakbo papunta sa pinto para lang ma-out balance at mapaupo. "Ooh ang ulo ko.." ungol ni Hero. Napuno ng tawanan ang kwarto.

     Malayo na siya, tumayo ka na dyan.

     "Almusal tayo sa labas," aya ko sakanila habang umaalis sa couch. Naglakad ako papunta sa C.R "Mag r-ready na ako." Ini-lock ko 'yung pinto at huminga ng malalim.

     Napatalon ako nang may kumatok. "Sino 'yan?" tanong ko.

     "Paihi," ani Ethel.

     Hindi ko napansing napatigil na pala ako sa pag hinga. Napahawak ako sa dibdib ko. "Teka lang." Lumapit ako sa sink at nag hilamos bago buksan 'yung pinto para kay Ethel.

     "An'yare doon kay Jared?" tanong niya bago umupo sa may inidoro.

     "Magka away yata sila ni Gail," sagot ko habang pinupunasan 'yung mukha ko ng paper towel. Nag bukas ako ng disposable toothbrush. "Maliligo ka pa ba?"

     Itinaas ni Ethel 'yung shorts niya at nag flush, "Hindi na. Nag shower naman na ako kagabi bago matulog. Ano oras check out?"

     "Twelve."

     "Tara na pala, quarter to nine na." Lalabas na sana ako nang magsalita siya. "Ay teka hintayin mo ako mag too-toothbrush din ako."

     Nakatayo si Asher sa may labas ng pinto pagka bukas ko dito. Muntik pa akong mapa sigaw dahil sa gulat. "Taragis ka naman Martinez, nagulat ako!"

     Natawa siya at napa iling. "Sorry," napakamot siya sa noo. "Hindi na ako makakasama sa inyo, pinapauwi na ako e." Tinignan ko siyang mabuti at nakitang naka bihis na siya. Naayos niya na din ang buhok niya. "Anong ginamit mong toothbrush? Pahiram ako."

     "M-Marami pa doon sa likod ng salamin. 'Di ko na alam kung ano 'yung sakin at kay Ethel doon e."

     Napataas ang isang kilay niya bago siya tumango, "Okay."

     Pagkatingin ko sa mga kaibigan ko, napansin kong gising na nga sila pero wala paring bumabangon. Sina James, Enrico, Troy, Ralex at Hero pa lamang. Si Kiko tulog na tulog parin sa may couch habang nakayakap sa isang maliit na tao. Kei. Pasikreto akong napangiti.

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon