Kabanata LXXI

4.5K 233 145
                                    

"I'm drowning and you're standing three feet away screaming, 'Learn how to swim'."
✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

Mayroon pa kaming isang oras bago tumugtog sina Jared. Dumating ang mga kaibigan niya galing Manila, i-su-surpresa sana siya nito ng mga 'to at kasabwat nila si Beatrice ngunit mas na-surpresa daw sila sa nakita nilang lagay ng kaibigan nila.

Malalaking tao sila at halatang mga dayo lamang. Mga anak mayaman pero mas marunong silang mag tagalog kumpara kay Jared. 'Yung isa ay hawig pa ni Daniel Padilla. No joke.

Nakilala ko na din ang kinakikiligan ni Beatrice na si Chance. Kung na gwapuhan ako sakanya sa litrato, walang wala iyon kung ikukumpara sa personal. Gwapo din ang kapatid niyang si Isaac. Tapos may isang masungit, si Link Rodriguez at 'yung kwela naman ay si Six Montenegro, eto din 'yung kamukha ni Daniel Padilla kaya naman halos umiyak na si Kei nang makita siya.

Nanginginig parin ang mga kamay ko dahil sa nangyari kanina. Tinawagan din ako kaagad ni Enrico para humingi ng tawad sa nangyari at sinabing intindihin ko nalang si Asher dahil hindi daw maganda ang lagay nito ngayon. Kinabahan ako nung sinabi niya 'yon ngunit pinigilan ko na ang sarili ko na magtanong pa.

"Okay, 'wag nalang sana mauulit." Ang sinagot ko kay Enrico bago ko ibinaba ang tawag.

Sinusubukan ko munang mag isip ng kahit na anong nga bagay na hindi Asher related. Sa loob ng dalawang linggo na hindi kami nagkaka usap, masasabi kong mayroon ng progress ang pag mo-move on ko. Hindi na ganun kasakit tuwing mag u-upload si Hannah ng picture nila na magkasama. Parang masyado na akong pagod para problemahin pa 'yon. Wala na ding instagram si Asher. Sa totoo lang, wala na siyang kahit na anong social media. Naka tulong din 'yun dahil hindi na ako na te-tempt na i-stalk siya.

Mabuti nalang at malapit lang ang hotel kung saan nag check-in sina Chance. Sakop din 'to ng Octoberfest kaya naman ilang lakad lang ay nandoon na kami.

Hindi ko magawang ilayo ang sarili ko kay Jared. Natatawa na nga siya sakin. Nagdudugo parin kasi ang ilong niya at parang nagpapasa na 'yung nasa pisngi niya.

Hindi five star hotel ang pinuntahan namin. Maliit lang na building 'to pero malalaki ang kwarto. Pagka pasok naming lahat ay agad kong hinila si Jared sa banyo at hinanap ang first aid kit.

"Umupo ka lang sa toilet," sabi ko sakanya habang nagkakalkal sa ilalim ng lababo. "Uminom ka na ba ng tubig? Nasusuka ka ba? 'Yung inhaler mo asan? Hindi mo ba kailangan?" Habang nagtatanong ako, nanginginig na ang ibabang labi ko.

Nahanap ko na din 'yung kit at agad na tumayo para lang makita si Jared na nakatayo sa likuran ko. "I'm fine," mahinahong sabi niya. "You don't have to worry."

Tinalikuran ko siya at binuksan nalang 'yung kit dahil naiiyak nanaman ako. "Tignan mo nga 'yung mukha mo sa salamin," naiiyak na sabi ko habang nilalagyan ng alcohol 'yung bulak. Hindi ko alam kung kailangan ba talaga 'to. Sa totoo lang ay wala akong alam sa first aid. Ginagawa ko lang busy ang sarili ko. Suminghot ako, "Ang pangit mo na." Narinig ko ang pagtawa ni Jared kaya naman nilingon ko siya. "Hindi 'to nakakatawa Jared!" idiniin ko 'yung bulak sa pisngi niya.

"Ouch."

May kumatok sa pinto, "Okay lang ba kayo dyan?" tanong ni Ethel.

"Okay lang," sagot ko habang sinasamaan ng tingin 'yung naka pout na si Jared. Lumapit ako sa pinto at ini-lock ito.

"Okay.." ani Ethel.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now