Kabanata XXX

6.7K 245 202
                                    

"Sometimes you put so much into something you realize you left yourself empty"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Jared," gulat na sabi ko. "anong ginagawa mo dito?"

Matapos niyang alisin ang mga patak patak ng ulan sa buhok niya, tinignan niya ako sabay nagkibit balikat. "Gusto ko mag red jeep today."

Tinaasan ko siya ng kilay at medyo binasa ko ang nanunuyo kong labi bago ako tumango. Ayokong isipin na nandito siya para samahan ako. Dahil kung ganun, baliw siya. Plano ko pa naman mag emote dito, idikit 'yung mukha ko sa malamig na bakal na hawakan ta's lunurin ang sarili ko ng mga nakakalungkot na imahinasyon.

Pero wala e, andito si Jared. Ayokong makita niya akong magmukhang tanga.

"Do you mind?" bigla niya nalamang sabi kaya naman agad akong naibalik sa realidad.

"Huh?"

Itinuro niya 'yung bakanteng pwesto sa tabi ko. "Okay lang?"

Nangunot ang noo ko, "Oo naman." Napangiti siya sa sagot ko at agad na lumipat sa may tabi ko. Sinimangutan ko siya at parang medyo natatawa pa ako, "Paalam paalam pa, hindi naman sakin 'tong jeep."

"I was just making sure," sagot niya. "baka kasi gusto mong maging isa."

"Mapag isa hindi maging isa."

"Oh..."

Natawa ako at napailing na lamang. Tumingin na ako sa may labas at pinanood ang ulan. May kakaibang kaba akong nararamdaman sa dibdib ko at kahit anong gawin ko, hindi 'to mawala wala. Matatapos na ba agad agad ang kung anong meron samin ni Asher? Ayoko pa... kung may gusto na siyang iba, tatanggapin ko. Hindi matitigil ang pagkakaibigan namin. Hindi pwede.. ayoko.

May naramdaman akong luha na lumabas sa gilid ng mata ko at agad ko 'tong pinunasan. Pinunasan ko na din ang buong mukha ko para hindi mahalata ng katabi ko na luha ang pinunasan ko.

Naramdaman ko ang daliri niya sa may balikat ko. Kinalabit niya ako kaya naman nilingon ko siya at nakitang may iniaabot siyang earphone saakin.

Tinanggap ko 'to sakanya at isinuot sa kanan kong tenga, isinuot niya naman 'yung isa sa kaliwa niya. Bumalik na ako sa pagtingin sa labas at hindi nagtanggal, narinig ko na ang pag strum ng gitara.

"Breathe deep, breathe clear. Know that I'm here... know that I'm here waiting"

Napapikit ako at napa buntong hininga. Nakaka relax ang kanta, bagay na bagay sa tunog ng ulan at kahit papaano, parang medyo gumaan ang pakiramdam ko.

"Stay strong, stay gold. You don't have to fear.. you don't have to fear waiting"

Sumulyap ako kay Jared at nakitang isinandal niya na ang ulo niya sa haligi ng jeep at nakapikit na ang mga mata. Ngayon ko lang tuluyan na narealize na may pagka kulot pala ang dulo ng buhok niya. Basa 'to ay may mangilan ngilan pang tubig ang tumutulo papunta sa pisngi niya. Gustong gusto ko talaga ang nunal ng lalaking 'to, saktong sakto sa may dimple niya.

"How could a heart like yours ever love a heart like mine? How could I live before? How could I have been so blind?"

Nagulat ako nang bigla niyang ibinukas ang isa niyang mata sabay iginilid ang ulo para matignan ako. Kitang kita din ang pagka bigla niya nang marealize niyang nakatingin pala ako sakanya.

"A-Ah.. ano title?"

Nangunot ang noo niya, hindi dahil naiinis siya o galit kundi dahil nag iisip siya. Bumalik siya sa pwesto niya at pumikit ulit bago niya binasa 'yung labi niya at lumunok. Pinanood ko ang pag galaw ng adam's apple niya bago ako natulala sa mga ugat niya sa leeg.

STASG (Rewritten)Where stories live. Discover now