Kabanata LVII

4.7K 208 38
                                    

Short filler chapter! Enjoy ;) 

#TeamKeiNry

• • • • • • • • • •

"I still catch myself feeling sad about things that don't matter anymore."

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

     Nasa may canteen kami ng mga kaibigan ko. Ito ay isa sa mga araw na buo kami, walang extra. Tahimik kong pinapakinggan ang mga hugot ni Henry at Kris (na mukhang nakalimutan na ang dapat naming pag usapan, thank God.) tungkol sa love habang umiinom ng chuckie.

     "Minsan kasi pare, kahit anong pagmamahal mo. Kahit gaano ka ka perpekto or kabait sa isang tao, kapag hindi ikaw ang gusto niya, wala kang magagawa." Paliwanag ni Henry. "Tignan mo nalang ako, 'di ko pinilit 'yung sarili ko kay ano diba.." dumapo ang tingin niya kay Beatrice. "Kahit masakit. Atleast alam ko na one heartbreak closer ako doon sa forever ko."

     "Walang forever," sabay sabay naming sabi sakanya.

     "Pero kasi man minsan diba, kunwari pa sila na may pag-asa ka?" ani Kris.

     "Ah 'yun lang," umiling iling si Henry. "Wala akong respeto sa mga taong ganun. Kung ayaw mo sa taong baliw na baliw sa'yo, sabihin mo kaagad. 'Wag mo na pahabain pa."

     "Pa'no kung gusto mong i-test muna? Baka malay mo may maramdaman ka?" tanong ni Kei sakanya. 

     "Kaya nga may mga taong nag da-date diba? Isang gabi para makilala mo 'yung isang tao."

     "But one night is not enough to know someone," sabi ni Jared kay Henry habang kinukuha sakin 'yung chuckie ko para maka inom siya dito. "People date para maka pag decide. When the night is over and you both still want to see each other.."

     Kinuha ko 'yung chuckie ko, "Ibig sabihin compatible sila?" tanong ko at tumango si Jared sakin.

     "Eh kaso, ang problema. Mga pilipino tayo. Dito, hindi ka makiki pag-date kung hindi mo naman gusto 'yung tao." Sabi ni Kei. 

     "Para nga sa mga gustong i-try, 'yung date." Sabi naman sakanya ni Henry. "Gusto mo tayo date tayo?"

     "Luh," ngumuso si Kei. "Bakit? Gusto mo ako?"

     Mayroong naglalaro na pilyong ngiti sa mga labi ni Henry, "Hindi ko alam. Date tayo para malaman ko."

     Nagkatinginan kami ni Jared. Parehas kaming naka ngiti at natatawa sa usapan ng dalawa naming kaibigan. Namumula na si Kei. Tapos bigla kong naalala si Tris. Nilingon ko siya at nakitang natutuwa din siya sa usapan. 

     "K-Kelan?" tanong ni Kei. 

     "Sabado," sagot ni Henry. Walang kahit na kaonting kaba sa mukha niya. Pero magkatapat kami ni Henry at nararamdaman ko ang tuhod niya sa tuhod ko. Nanginginig siya. "Pwede ka ba? Sunduin kita."

     "Seryoso ba 'yan Hens?" tanong ni Kris bago sumubo ng chips. "Sasapakin kita kapag pinag ti-tripan mo lang si Kei."

     "Seryoso nga."

     Tinignan ni Kris si Kei, "Gusto mo bang lumabas kasama 'yang ugok na 'yan?"

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon