Ika-1

2.8K 72 273
                                    

"UUWI kaba Reighn sa San Andres?" Nakangiwing tanong ni Aexniqn sa akin. Isa sya sa matalik kung kaibigan. Hindi lang sya kaibigan dahil pinsan ko sya. Tumango ako kay Aexniqn sabay ikot ng mata. "Yeah, at kila Calix pa kami titira." Nakangiwing saad ko habang nakatingin sa labas ng silid namin. Wala pa yung next prof naming boring.

Nanlaki naman ang mata ni Aexniqn. "Ay weh? Sa Ex mo pa talaga kayo titira ng Mommy mo? So funny, mukhang destiny talaga kayo ni Calix." Natatawang saad ni Aexniqn. Napairap naman ako sa sinabi nya. "Hindi ako nakakasiguro na destiny yun. At hindi rin ako nakakasiguro na kaming dalawa talaga ni Calix sa isa't isa." Mapakla akong ngumiti. Feeling better padin ako. Kahit naka move on na ako. Ewan ko kung bakit. Siguro nang hihinayang padin ako.

Nakangisi namang tumaas ang kilay ni Aexniqn habang nakatingin sa akin. "Bitter mo naman. Saka malay mo kayo talagang dalawa kaya lang kayo nag hiwalay ay dahil pag subok lang yun ng tadhana. You know. Yung mga nasa television. Ang cringe pero parang ang cute." Malakas na tumawa si Aexniqn matapos nyang sabihin yung dulo. Bakas talaga sa boses nya ang pang aasar.

Napatingin naman ako sakanya. "Sa pag kakaalam ko hindi ka naniniwala sa tadhana? Tadhana nayan." Walang ganang saad ko habang nakangiwi. Tumawa naman si Aexniqn. "Hindi nga, nag sasabi lang pero talk to Tita sabihin mo na naging Ex mo si Calix. Para naman may excuse ka na hindi tumira sa bahay nila Calix." Natatawang saad ni Aexniqn.

Mabilis naman akong umiling napairap pa ako. "No! Ayokong malaman ni Mom na nag karoon ako ng ex, akala nya ay since birth ay single ako." Mabilis na saad ko. Tumawa nanaman ng napaka lakas si Aexniqn. "Since birth single, ha? Pero nag karoon ng limang ex? Isang Fresh Man, dalawang second year College at boyfriend boyfriendan nung Ele----" Hindi ko na pinatapos si Aexniqn. Ang cringe nung sasabihin nya sa dulo!

Agad kung tinakpan ang bibig nya. Sinamaan ko sya ng tingin. "Shut up, baka may makadinig. Ang cringe." Inis na saad ko. Tumawa naman sya ng malakas nung matanggal na nya ang pag kakatakip ng kamay ko sa bibig nya. "Ok HAHAHA, pero doon kanalang matulog sa House namin para may katabi ako, uuwi rin naman kami sa San Andres, you know? Kapag nandoon ang Mommy mo nandoon din si Mom." Napangiti naman ako sa sinabi nya.

Hmm, nakalimutan ko na mag pinsan pala kami. Gosh! Buti nalang mag kakaroon ako ng kasama sa San Agustin. Duh, napaka boring panaman doon. Paano ba naman kasi puro Old House ang tirahan at pinag babawal ang mga New Model na House.

Sagisag daw yun ng pag kawala ng Old San Andres. Duh, ano namang pakialam ko sa lumobog na bayan nayon? Bakit hindi nalang kasi nila sisidin yung ilalim ng dagat? Baka makita pa nila yung San Andres nayon, tsk.

"Ok sana makatakas ako kay Mom at lalo na doon sa Ex kung manloloko. Sure kasi akong hindi papayag si Mommy na mag tabi tayo eh. Paano ba naman pahamak ka." Mataray na saad ko, umirap pa ako sa hangin. Lalo namang natawa si Aexniqn. "Paganyan ganyan ka, naka move on kanaba?" Nakangising tanong ni Aexniqn namay halong pag kasarkastika. Palagi nyang tinatanong yun sa akin.

Tinaasan ko sya ng kilay bago sunod sunod na tumango na buong tapang. "Yes, naka move on na ako kaya kahit jowain ko pa yung kapatid nyang pinaka bunso. Wala na syang magagawa." Mariing saad ko.

Humagakhak naman ng tawa si Aexniqn. "Really? Pati yung kapatid nyang nanahimik sa Spain idadamay mo?" Natatawang saad ni Aexniqn. Nakangisi akong suminghal sakanya.

Mag sasalita pa sana ako pero napa ayos kami ng upo nung pumasok ang matanda naming Prof sa History. Maliit na lalaki lang ito, bakas ang katandaan sa tindig nya kaya nakakadiri.

Kung ako ang tatanungin hindi na ako mag papa abot ng pagiging matanda moments ko in life. Siguro pag sapit ko ng 30's or 40's mag papakamatay nalang ako. Tsk. Ano pang silbi ng buhay ko kung isa nalang naman akong matandang paugod ugod? Ew. Sure akong hindi ko na maeenjoy ang buhay ko nyan. Cause, i'm gurang na. Kaya mas okay na sa akin na mategok kisa makita ang mukha ko na matanda version.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon