Ika-47

247 14 25
                                    

"H-HINDI ko na kaya." Maluha luhang saad ko habang nag lalakad kaming dalawa ni Carlo. Napahawak ako sa gilid ng dibdib ko. Napahinto si Carlo sa pag lalakad. Sya ang may buhat kay Calista. "K-Kayanin mo Asuncion. Malapit na tayo sa daungan." Saad ni Carlo nama'y puno ng pag aalala. Mabilis akong umiling iling habang lumuluha. "H-Hindi ko na kaya." Maluha luhang saad ko. Uupo na sana ako sa lupa pero agad na hinawakan ni Carlo ang bewang ko.

"Hindi kamaaaring sumuko Asuncion. Malapit na tayo." Saad ni Carlo na puno ng pag aalala sa akin. Mabilis muli akong umiling iling. "H-Hindi ko na talaga kaya Carlo. I-Iwan mo na ako dito. I-Iwanan nyo na ako ni Calista. I-Ikaw na munang bahala sakanya. B-Basta ingatan mo sya h-ha?" Humahagulgol na saad ko. Mabilis na umiling iling si Carlo. "Tatagan mo ang iyung loob Asuncion. Hindi ka maaaring sumuko. Marami pang nag hihin-----"

"Carlo! Ayoko na! Ayoko na! Hindi ko na kaya! Ayoko na!"

"H-Hindi maaari Asuncion."

"C-Carlo. Ayoko na talaga. Napapagod na ako. Hindi ko na kaya. Ayoko na. Ikaw na bahala kay Calista. Ayoko na."

"Sige. Hahayaan kitang iwan dito. Ngunit saan kanaman patutungo? Saan? Asuncion? Sabihin mo sa akin."

"B-Babalikan ko si Ama. Babalikan ko sya." Maluha luhang saad ko. Naka kapit na ako sa damit ni Carlo. Sakanya nalang ako kumukuha ng lakas para makatayo ako. Kumakapit nalang ako sakanya para mag karoon pa ako ng lakas upang makatayo. Agad na hinawakan ni Carlo ang kama'y ko. Buti nalang mahigpit ang pag kakahawak ko sa damit nya kung hindi na paupo ako sa lupa nung bitawan nya ang bewang ko mula sa pag kakahawak. Hinawakan ni Carlo ang palapulsuhan ko. "Nahihibang kana ba Asuncion? Nasisiraan kana ba ng bait?"

"C-Carlo. Kailangan ako ni Ama. K-Kailangan nya ako."

"Asuncion. Hindi kanya kailangan."

"Hindi! Kailangan nya ako! Kailangan ako nila Tiya Eleha! Liwayway! At Andrea! Kailangan nila ako! Parang awa mo na Carlo! Payagan mo na ako! Parang awa mo na!" Maluha luhang saad ko kay Carlo. Halos lumuhod na ako sakanya. Mabilis na umiling iling si Carlo. Malamig na ang tingin nya sa akin. "Asuncion. Hindi kana nila kailangan. Kaya maari ba? Humayo na tayo. Ayokong mapa hamak pa kayo ni Calista. Sa ginagawa mong yan."

"Carlo! Ano kaba! Puro kanalang hindi nila ako kailangan! Eh kailangan nga nila ako! Kailangan nila ako! Kailangan ako ni Ama! Kailangan ako ni-------!"

"Asuncion ano ba! Hindi kana nga nila kailangan kasi wala na sila! Wala na sila! Kaya hindi kana nila kailangan! Isipin mo nalang si Calista! Kahit huwag nayang sarili mo!" Malakas na sigaw ni Carlo sa akin. Mas lalo akong na iyak. "C-Carlo." Maluha luhang saad ko. Malalim na bumuntong hininga si Carlo. Napayakap ako sakanya. Agad nya naman akong niyakap pa balik gamit ang kaliwa nyang kama'y. "Asuncion. Kailangan mong maging malakas. Kailangan mong maging malakas para mabigyan ng hustisya ang walang awang pag patay nila sa pamilya mo. Mag palakas ka Asuncion."

"C-Carlo. H-Huwag mo din ako iwan. Parang awa mo na."

"H-Hinding hindi ko kayo iiwan ni Calista." Bulong ni Carlo. Mas lalo akong na iyak. Bumitaw si Carlo mula sa pag kakayakap sa akin. Napatitig ako kay Carlo. "Kailangan na nating umalis. Nakaka siguro akong hihigpitan na nila ang mga daungan. Malapit nading umalis ang barko. Kailangan nating maabutan ang huling alis ng barko." Saad ni Carlo. Mabilis nalang akong tumango. Hindi binitawan ni Carlo ang kama'y ko.

Hawak nya ang palapulsuhan ko habang ang isa nyang kama'y ay may hawak kay Calista. Napaka secure ni Calista sakanya. Kaya siguro hindi umiiyak si Calista. Kahit napaka haba na ng natakbo namin dahil siguro sa bisig ni Carlo. Komportable sya bisig ni Carlo. Kesa sa akin. Takbo kami ng takbo hanggang sa makarating kami sa bayan. Ako ang nag buhat kay Calista. Nag takip ako ng ibang belo. Kagaya kanina ay naka hawak si Carlo sa bewang ko.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon