Ika-23

263 12 12
                                    

NAKATINGIN AKO sa kisame ng aking kwarto rito sa bahay ni Tiya Eleha. Kanina pa ako pinauwi ni Ama kasama si Aexniqn, Andrea, at Ina. Ang sabi ni Ama ay mauuna daw kami dahil may kakausapin pa sila ni Esteban.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa kisame. Basta ang alam ko lang ay madaling araw na. Madaling araw na pero hindi parin ako pinapatahimik ng aking sistema.

Nakagat ko ang ibaba kung labi. Naisip ko nanaman ang mukha ni Antipatiko nang iwan nya kaming dalawa ni Rafael. Tsk. Bakit naman ganon ang itsura nya? Ano kayang iniisip nya habang nakatingin sa aming dalawa ni Rafael?

Ano naman kaya ang ibig sabihin nya na inakyat sa bundok? Tapos nasaktan? Aish. Ang gulo. Pero mas magulo yung nararamdaman ko. Bakit naman kasi ako hindi makatulog?

At bakit ko naman iniisip yung antipatikong yun?! Inis l kung tinakpan ang mukha ko nang unan. Pinilit kung matulog pero hindi ako dinadalaw ng antok. Napabuntong hininga ako.

Umopo ako mula sa pag kakahiga. Napag pasyahan kung hindi nalang matulog. Tumingin ako sa labas ng mansyon. Napakunot ang nuo ko nung may makita akong mga anino.

Hindi ko mabilang kung ilang anino ang nasa baba ng mansyon. Bigla bumilis ang tibok ng puso ko. Mukhang hindi sila Guardia na Civil. Kung hindi sila Guardia na Civil sino sila?!

Isa silang WHAAAAAAA! ISANG REBELDE!

Mabilis akong tumalon sa kama. Nakabukas ng kaunti ang bintana ng silid ko kung kaya't nakita ko ang nangyayari sa baba. P-pero! Baka imahinasyon ko lang yun o malik mata!

Impossible naman yatang mag karoon ng Guardia na Civil sa bab----BOGSHHHH! Nanlaki ang mata ko nung marinig ko ang kalabog sa bintana.

Nang mapatingin ako sa bintana ko ay nanlaki ang mata ko nung makitang malaki na ang butas nito! At dahil madilim sa aking silid ay hindi ko nakita kung sino ang pumasok sa silid ko.

Napalunok ako at dahan dahang bumaba sa kama. Gumapang ako hanggang sa makarating ako sa ilalim ng kama ko. Napahawak ako sa bibig ko nung makarinig ako ng yapak ng paa.

P-patay! Patay na ako! Ito naba yun? Ito naba ang katapusan ko?! Juice colored gusto ko pang bumalik sa panahon ko! Gusto ko pang makita si Mom! Lord!

Kakalimutan ko po si antipatiko at mag papakasal na po ako sa naka takda sa akin basta po huwag nyo lang akong papabayaan! Nanigas ang aking katawan nung makita kung papalapit ang paa sa gawi ko.

Lorddddddd! Ayoko pa talaga mahal ko pa si antipatiko este ang pamilya ko! Pleawssss lord! Huwag nyo po akong pabayaan! Alam ko pong napaka rami kung kasalanan sainyo! Pero lord nag bago na po ako simula nang makarating ako rito!

Hindi na po ako nag tataray, char minsan lang po. Hindi ko na masyadong inaaway si Esteban, depende po yun kung ano ang pinang asar nya sa akin hehe. Hindi na po ako nag mumura! Pramis lord! I'm not saying those bad wor-----AY SHIT!

Napahawak ako sa dibdib ko nung may nahulog na box. Dahan dahan akong sumilip mula sa ilalim ng kama. Nanlaki ang mata ko nung makita ko yung kahon na pinag lagyan ko sa pambabaeng couple na bracelet. Yung panlalaki kasi ay binalot ko na.

Hindi ko alam kung bakit ko binalot yun. Basta ang nasa isip ko lang ang ibibigay ko yun kay Antipatiko bago kami ikasal kung mangyari man ang kasal nayon.

Napalunok ako nung may pamilyar na kamay ang pumolot nung box. Sinundan ko ng tingin ang kamay hanggang sa mauntog ako sa kama. "Aray!" Mabilis na inda ko sabay hawak sa ulo ko na nauntok sa narra na kama.

Whaaaaaaa! Ang sakit non ha?! Bakit naman kasi ang sakit mauntog nalaman tuloy nung akyat bahay kung saan ako nag tatag-----WHAAAAA! Nanlaki ang aking mata. Nakita kung papalapit na dito yung panlalaking paa.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon