Ika-38

203 11 4
                                    

"WALA NANG ISA PA, at lalong hindi ka maaring uminom." Seryosong saad nito. Napataas naman ang kilay ko. "At bakit naman?" Nakataas na kilay na saad ko. Tumayo ako at nag cross arms habang nakatingin ng seryoso kay Antipatiko.

Mas gumwapo sya ha? Actually I'm not effective. Never. Tapos na kami at kailangan ko na syang kalimutan. Wait. Naging kami, ba? Oo nga pala. Naging kami. Nung ikasal kami este na engage.

Narinig ko ang pag 'Oh' nang mga lasingghero. Tsk. May mga tama na ang mga ito, ha? Sabi ko sainyo mahina, eh. "May nag iinom palang Binibini?" Sarkastikang saad ko na nag pabalik sa akin ng mga nakaraan.

Flash back....

Nag unat unat ako sabay higab. Napaka lamig ng hangin kaya nakaka antok. "May nag iinom palang Binibini?" Napatingin ako sa tabi ko nung may mag salita sa gilid ko.  Napataas ang kilay ko nung makita ang antipatiko.

"Sinusundan mo ba ako?" Mataray na saad ko sakanya. Nakangisi naman syang umiling. Umopo sya sa tabi ko at tiningnan ang dala kung wine. Itinaas nya ang bote at pinakatitigan ng maigi. Nanlaki ang mata ko nung ihagis nya yung bote sa dagat. "Hoy! Bakit mo tinapon?! Akin yan ha?!" Gulat na gulat na saad ko.

"Ito ba ang iyung tinutukoy Binibini?" Nakangiting saad nya sabay kuha ng isa pang bote ng Wine. Lalong nanlaki ang mata ko nung ihagis nya din yun ng malakas. Inis na inis ko syang pinag hahampas. "Bakit mo tinapun! Gusto kung uminom! Nakakainis kanaman! Ibalik mo yung alak ko!" Mangiyak ngiyak na saad ko habang pinapalo sya sa dibdib nya.

End of flash back....

Napapikit na lamang ako sa inis. Bakit ko ba naalala ang mga yun. Inis kung tiningnan si Antipatiko. "Oo meron ako! Saka bakit mo ba ako pinapakailaman?" Mataray na saad ko sakanya.

Ngumisi sa akin si Antipatiko na lalong ikinawala nang puso. Shock. Heart huwag mo naman akong ipahiya sa mga readers ko! Nakakahiya, eh. Baka isipin marupok ako. Hshshs.

"Hindi ko nais na mag karoon ng may bahay na lasinggera." Mahinang saad nya na tama lang na marinig ko. Gusto kung mag pagulong gulong na iwan. Napabuga nalang ako sa hangin para pigilan ang aking nararamdaman.

Hindi ito tama. May pinag usapan kami ni Don Fortunato kaya hindi ko dapat sya kailangang kausapin. Tama huwag ko syang kakausapin. Nakakahiya naman kay Don Fortunato kapag hindi ko sinunod ang aming pinag usapan. Tsk.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon