Ika-45

478 21 52
                                    

"TIYA ELEHA Aalis na po ako." Kagat labing saad ko. Alas sais na nang umaga. Tulog pa sila Aexniqn, Ama, Andrea at Calista. Ganoon din si Luwalhati at Ligaya. Si Mang Berto naman ay naka alis na sila kanina pang alas kwatro kasama si Carlo. 

Tanging kami lang ni Tiya Eleha, Aleng Berna at Liwayway ang gising. Siguro mamaya maya ay magigising nadin sila. Tinaasan ako nang kilay ni Tiya Eleha. "Saan kanaman papatungo?" Taas kilay na tanong ni Tiya Eleha sa akin habang nag aayos nang mga ititinda namin mamaya sa palengke.

Narinig ko ang mahinang pag hagikhik ni Liwayway, kung kaya't napataas ang aking kilay. "Bakit?" Takang tanong ko. Ngumiti si Liwayway sa akin bago mabilis na umiling. "Wala naman Señorita. Ako lamang ay tutungo sa palikuran." Hagikhik na tawa ni Liwayway bago nag lakad palabas.

Napangiwi naman ako at napatingin kay Tiya Eleha. "M-May pupuntahan mo kasi ako Tiya." Kabadong saad ko. Sunod sunod namang tumango si Tiya Eleha. "Ganoon ba? Importante ba ang iyung pupuntahan? At gantong oras kalalabas nang bahay?" Mataray na tanong ni Tiya Eleha.

Napalunok naman ako. Mag sasalita na sana ako pero agad na nag salita si Aleng Berna. "Balita ko ay naka alis na daw ang Señor.  Nakaalis na daw ang pamangkin ni Donya Sergia na si Señorito Ezequil. Iyo nabang batid ito Señorita?" Mapang asar na saad ni Aleng Berna. Hindi ko alam kung bakit Señor ang tawag sakanya nang mga tao rito.

Siguro alam nang lahat na may asawa na sya no? Tsk. Sino naman yung asawa nya? Ako ba? Just kidding.

Napatingin sa akin si Tiya Eleha. "Sa daungan ba ang iyung tungo?" Walang expresyong saad ni Tiya Eleha. Napaiwas naman ako nang tingin. Kagat labi akong tumango kay Tiya. "O-Opo, nais ko pong mag paalam kay Antipatiko." Kagat labing saad ko.

Nakita ko ang pag irap ni Tiya Eleha. "Diba't mag kasama na kayo buong gabi, kagabi? Hindi paba kayo nag paalamanan ha? Estela?" Taas kilay na saad ni Tiya Eleha. Napakamot naman ako sa aking ulo. "T-Tiya naman eh..." Parang batang saad ko.

Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Aleng Berna. "Señora hindi sa nangingialam, ngunit mas maganda kung mag papaalam ang dalawang taong nag mamaha-----mag kaibigan sa isa't isa sa oras nang pag alis na nang isa sakanila." Nakangiting saad ni Aleng Berna sa akin sabay kindat.

Napalunok naman ako.  "T-Tama po si Aleng Berna, T-Tiya Eleha." Kagat labing saad ko. Tinaasan ako nang kilay ni Tiya Eleha bago umirap. "O sya. Ikaw ay aking papayagan mag isa. Basta ikaw ay mag ingat. Bumili kana rin nang gatas nang kalabaw para sa iyung Ama. Mas maganda yun sakanyang katawan. Nais ko ang gatas na bago iyung tiyakin kung bago ang gatas na iyun dahil baka masira ang tiyan nang iyung Ama kapag lumang gatas ang iyung makuha." Nakangiwing saad ni Tiya Eleha.

Nakita ko syang nag kakalkal nang pera sakanyang bayong sa gilid. Malawak akong ngumiti. "Ako na po ang bibili Tiya Eleha. Paalam po!" Tuwang tuwang saad ko sabay labas. "Sandali kamang Estela Asuncion!" Tawag ni Tiya Eleha.

Agad kung kinuha ang kulay puting balabal sa gilid bago mabilis na nilagay sa aking ulo habang humahagikhik sa tawa. "Ako narin ang bibili nang pipino para sainyong dalawa ni Aleng Berna, Tiya!" Malakas na sigaw ko sabay takbo palabas.

Kanina kasi ay narinig ko ang pag uusap nang dalawang ginang. Mag lalagay daw sila nang Pipino sakanilang mata ni Aleng Berna para daw mag karoon daw sila na fresh na mukha. Yun ang narinig ko. Siguro mag be-beauty rest keneme ang dalawang ginang. Hay, sana all may beauty rest.

Napangiti ako nang makita ang kulay orange na palagid nang makalabas ako sa aming munting kubo. Pataas palamang ang araw. Nakakatuwa namang tingnan ang ganto kagandang paligid. Pataas ang araw sa langit na parang nag tago sya sa dagat.  Naramdaman ko ang buhangin na pumapasok sa aking abakang tsinelas.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon