Ika-25

263 12 17
                                    

NAPATULALA AKO kay Antipatiko. Hindi ko aakalaing sa simpleng sinabi nya ay biglang bibilis ang tibok ng puso ko. Biglang man lalamig ang kamay ko na parang banggay.

Ano nanaman ang nangyayari sa akin? Ano ba kasi ang iniisip ni Antipatiko? Naninibugho? Diba nag seselos yun? Anong akala nya sa akin selosa saka? Bakit naman ako mag seselos?

May kami ba? Wala diba? Ouch peyn.

Nang makabawi ako sa sinabi nya ay bigla akong natawa ng malakas. Hinampas ko ang ang hmp! Tigas ng buto I mean muscle hehe. Keganda namang katawan sarap talaga chansingan ng isang ito.

"Hoy! Bakit naman ako mag seselos? Hindi naman kita g-gusto para mag selos ako." Natatawang saad ko kay Antipatiko. Napaiwas sya ng tingin sa akin bago nakangiting tumango tango. Hindi ko alam kung nasaktan sya doon o hindi.

Teka bakit naman sya masasaktan sa sinabi ko? He didn't like me right? Kaya paano sya masasaktan sa simple words na sinabi ko?

"Hoy, yung pagkain mo lalamig na!" Natatawang saad ko nung ilang minuto kaming natahimik. Kinuha nya yung pagkain nya at sinimulan yung kainin. Gusto kung matawa nang makita kung may sarsa sa gilid ng labi nya.

Kinuha ko yung panyo sa gilid. Hindi ko alam kung sa akin ba ito o sakanya basta kinuha ko ito. "Hoy Antipatiko! Napaka dungis mo namang kumain loo----Ibig kung sabihin ay tingnan mo, para kang bata ang dami mong sarsa sa gilid ng labi mo." Natatawang saad ko. Habang pinupunasan ang gilid ng labi nya.

Napahinto ako sa pag pupunas ng gilid ng labi nya ng mag tama ang aming mata. Biglang bumilis ang pag tibok ng puso ko nung marealize ko kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa't isa. Nakagat ko ang ibaba kung labi bago lumayo sakanya.

Parehas kaming umiwas ng tingin sa isa't isa. Natatawa akong tumawa. "A-ang init talaga sa pilipinas!" Natatawang saad ko. Napatingin naman sa akin si Antipatiko. "Nakapunta kana sa ibang bansa Eeya?" Nakangiting saad nito.

Napaisip naman ako. Kung ako ang tatanungin bilang Reigh Yverdei ay oo. Napaka dami kung bansang pinuntahan. Palagi akong nasa labas ng bansa kasama ang tropa or si Aexniqn. Noon naman nung hindi pa kami nag hihiwalay ni Calix ay pumunta kami sa Japan, South Korea at French. Dyan lang kami sa apat nayan na punta ewan ko kung bakit.

Kapag naman ako lang o solo trip na punta ako sa New york, China,  Singapore, Malaysia or Thailand. It depends nalang kung may friend ako sa bansa.

Pero kung si Estela Asuncion naman ang tatanungin saan sya nakapunta? Alam ko sinama ni Tiya Eleha dati si Estela Asuncion sa Madrid nung 13 anyos sya. Tsk. Kawawa naman pala si Estela Asuncion isa palang bansa ang napuntahan nya hehe.

Tumango ako kay Antipatiko. "Oum, sa Madrid. Yan palang napuntahan ko." Nakangiting saad ko kay Antipatiko. Tumango ito sabay ngiti. "Parehas pala tayo Eeya, Madrid palang ang napuntahan kung bansa." Natatawang saad ni Antipatiko.

Gusto ko sana syang sabihan na 'Kawawa kanaman' pero kinagat ko ang ibaba kung labi dahil baka mabuko ako o sabihin na baliw ako. Tsk.

"Antipatiko may tanong ako." Nakangiting saad ko kay Antipatiko. Napakunot naman ang nuo nya. "Ano yun Eeya? Nais mo nanaman bang humingi ng suka kay Ale----" hindi ko na sya pinatapos nung hampasin ko sya natawa naman ito.

Inirapan ko muna sya. "Hindi yun!" Mataray na saad ko. Natatawa naman syang tumango. "Kung hindi ka manghihingi ng suka ano naman ang iyung tanong Eeya?" Nag tatakang saad ni Antipatiko.

Ngumiti ako sakanya ng napaka tamis. "Payag ka? Ako kasama mo sa lahat ng bansang pupuntahan mo? Ako at wala nang iba?" Nakangiting saad ko. Hindi ko alam kung bakit ko yun naitanong sakanya.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon