Ika-30

266 12 26
                                    

NAPAHAWAK AKO sa aking ulo nang maimulat ko ang aking mata. Shit. Hang over. Teka ano bang nangyari kagabi? Aishi. Uminom pala ako ng lambanog. At ano pa ang sumunod? Tsk. Nevermind.

Bumangon ako habang naka hawak sa aking ulo. Pumunta ako sa banyo. Napangiti ako nang makita kung may naka handa nang mampaligo ko.

Lumapit ako sa malaking bathtub na gawa sa kahoy. Nilagay ko ang aking kamay sa loob ng bathtub. Nang mahawakan ko ang tubig ay lalo akong napangiti nang maligamgam ang tubig nun.

Hinubad ko lahat ng aking saplot. Hiniga ko sa tubig ang aking katawan. Napangiti ako nung maramdaman ko ang exsaktong init ng tubig sa aking katawan. Hayz. Ang sarap naman ng ganto.

May rose pang naka lagay sa tubig. Nakakatuwa namang may gantong bathtubs sa panahong ito. Aish sarap talaga sa pakiramdam. Parang nawala ang mga sakit sakit ng mga katawan ko.

Nag babad lang ako sa bathtubs hanggang sa napag pasyahan ko nang maligo. Nang matapos akong maligo ay pinaikot ko ang isang malaking tuwalya sa katawan ko. Lumabas ako sa banyo na naka tuwalya lang.

Wala naman yatang papasok diba? Saka kung may papasok man eh si Liwayway lang naman yun tsk. Mukhang tulog pa yung dalawa kung kapatid lalo na si Andrea wala yung ginawa kung hindi ang matulog. Tsk.

Lumapit ako sa aparador ko at nag umpisang mag kalkal nang damit na susuotin ko. I mean si baro't saya. Narinig ko ang pag bukas ng pinto. Kinuha ko ang isang magandang baro't sayang naka sampay sa aparador ko.

Nakangiti kung tinapat sa katawan ko ang baro't saya. "Liwayway maganda ba ang isang ito sa ak----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nang iangat ko ang aking tingin ay nagulat ako nung makita ko si Antipatiko.

Muntik ko pang mabitawan ang pag kakahawak ko sa nakatapis na tuwalya sa akin. Buti nalang muntik kang kung hindi hmp! Nakakahiya. Dali dali kung kinuha ang mga suot ko. Mabilis namang tumalikod si Antipatiko.

"S-Sandali lang!" Mabilis na saad ko at mabilis tinungo ang banyo. Nang makapasok ako sa banyo ay agad ko yung sinara. Napasandal ako sa pintuan at napahawak ako  sa aking dibdib.

Juice ko lord! Nakita ni Antipatiko ang binti at talampakan ko. Ano naman kung nakita nya wala namang masama sa nakita lang diba? Hindi nya naman nahawaan o ano!

P-pero bawal yun sa panahon na ito. Oh god. Kung malaman ito ni Ama at ni Don Fortunato baka muli nila kaming ipag kasundo. Pero wala naman na si Ama. Mag iisang buwan na syang nawawala.

Samantalang si Don Fortunato naman ang nag putol sa kasunduan nila ni Ama. Tsk. Ano naman kaya ang dahilan nang Don nayon? Nakakasiguro akong may dahilan yun.

Hindi sya gagawa ng isang bagay kung walang dahilan. Kilala ko si Don Fortunato bilang pilyo at nakita ko din sa katangian nya ang pagiging matalino sa lahat ng bagay.

May alam ba sya sa nangyayari ngayon? May alam ba sya sa nanagyayari sa pamilya ni Estela Asuncion? Sa pamilya ko? Sana wala kung hindi ayaw kung mag kalamat ang pag kakaibigan naming dalawa ni Antipatiko.

Kung pag kakaibigan panga ang tawag sa turingan namin. Just kidding hehe. Charot.

Napabuntong hininga ako nang makaramdam ako ng lamig. Tsk. Kailangan ko nang mag suot ng damit at harapin si Antipatiko. Kailangan kung umasta sakanya na parang wala lang yun. Aish. Ano ba kasi ang ginagawa nya dito?

Nag madali akong nag suot ng damit. Napangiwi nalang ako dahil mukha akong timang habang nag susuot ng damit. Tsk. Sinabit ko yung tuwalya sa gilid at lumabas na akala mo ay walang nangyari.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon