Ika-32

210 9 35
                                    

NANGINGINIG ANG kamay ko habang nakatingin sa bintana. Kasama ko ngayon ang Don na naging parte ng buhay ni Ama. Nasa loob kami ng iisang kalesa at hindi ko alam kung anong mangyayari sa aming dalawa.

May pagitan kami sa isa't isa kung kaya't nakakahinga ako ng maayos. Narinig ko ang mahinang pag tawa ng Don kaya napalunok ako ng kaunti. "Huwag kang matakot Estela Asuncion wala akong gagawing masama saiyo." May halong sarkastikang saad nito.

Napanatag ang loob ko. Huminto ang kalesa na sinasakyan namin sa pamilyar na Hacienda. Ngumiti ito sa akin at naunang bumaba. "Huwag kang mag alala wala sya rito." Saad nang Don at na unang pumaba.

Napahawak ako sa tyan ko dahil na tatae na ako. Kagat labi akong sumonod sa Don. Pumasok kami sa isang kwarto na marahil ay opisina nya. Umopo ang Don sa upuan nya. Umopo naman ako sa gilid ng lamesa ng Don.

Tiningnan ako ng Don hanggang bumaba ang kanyang tingin sa tyan kung hawak hawak ko. Juiceko! Alam yata ng Don na natatae na ako! Epal kasi ang utot ko. Nakakairita. Akala ko hindi nya na amoy. Tsk.

Tumikhim ako sa Don. "A-Ano po ang pag uusapan natin?" Kinakahabang saad ko dahil natatae na talaga ako. Inangat nya ang tingin nya sa akin. "Nais kung sabihin sayo na layuan mo ang aking Anak." Napaangat ako ng aking tingin nang sabihin nya yun.

Parang tinusok ng libong libong kutsilyo ang puso ko dahil sa mismong Ama pa ng taong mahal ko ang nag sabi non. "N-Ngunit Don Fortunato bu-----" bumaba na ang kilo ng bigas kaya pwede na kaming gumawa ng bata. Char. Pinutol ng Don ang sasabihin ko.

"Alam ko, isang biyaya yan ngunit kailangan mong layuan ang aking Anak, iha." Lumungkot ang mukha nito. Nakagat ko naman ang ibaba kung labi. "B-Bakit ko naman po lalayuan ang A-Anak nyo?" Parang naiiyak na saad ko.

Nikailan man ay walang nag sabi sa aking layuan ko ang isang bagay. Siguro dahil wala naman akong lalayuan? Masakit sa pakiramdan na lalayuan ko ang taong mahal ko. Masakit sobra. Sobrang sakit.

"Bakit mo nga ba lalayuan ang anak ko?" Seryosong saad ng Don kung kaya't nakaramdam ako ng takot. Tumingin ito sa akin ng napaka seryoso. "Muntik nang hindi makakuha ng Certipiko ang aking Anak nang dahil sayo, iha." Galit na saad nito sa akin na ikinagulat ko.

Tumayo ako na gulat na gulat. "P-Paano? Palagi nyang sinasabi sa akin na maganda ang gr----" naputol ang sasabihin ko nang tumawa ito ng puno ng sarkastika. Umalingawngaw ang tawa ng Don sa buong silid. "Marahil ay nag susunungaling ang Anak ko, iha." Seryosong saad ng Don. Nakita ko nanaman sakanya ang itsura ni Ama.

"P-Pero hindi sya n-nag sisinungaling sa akin." Hindi makapaniwalang saad ko. Tumawa ulit ito. "Kung ganon nag sinungaling sya sayo ngayon Iha, alam mo bang mas inuna nya pang samahan ka kisa kumuha ng pag susulit?" Sarkastikang saad ng Don sa dulo.

Napahawak ako sa dulo ng lamesa ng Don. Naalala ko ang oras na nawala ako sa sarili ko. Sinamahan nya akong sundan si Ina. Mukhang hindi sya nakapag aral nang dahil sa akin.

Kinaumagahan naman ay sinamahan nya akong sundan si Ina pero hindi natuloy yun dahil dumating si Liwayway. Buong araw akong umiyak hindi lang buong araw dahil buong lingo yun.

Palaging andyan si Antipatiko para sa akin pero ako? Inisip ko man lang ba ang ikakabuti nya? Inisip ko man lang ba ang sarili nya? Hindi, eh. Dahil sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko sya inisip. Hindi ko man lang tinanong kung ayos man lang sya.

Mukhang hindi ako magandang impluwensya para sakanya. Parang imbes na itaas ko sya mukhang ibinababa ko pa sya. Tsk. This is my fault again. Nagugulo ang buhay nila dahil sa akin.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon