Ika-33

212 10 17
                                    

"ANDREA HUWAG Kang mag alala kami ang bahala ni Ae----Elisabet kay Tiya Eleha." Nakangiting saad ko kay Andrea. Paano ba naman? Gusto nyang sumama. Ngayon kasi ang araw na uuwi si Tiya Eleha dito sa kanyang mansyon.

Napanguso naman na parang bibe si Andrea. "Nais ko talagang sumama sainyo Eeya, kung kaya't inyo na akong isama, mag tatakip naman ako ng balabal." Nag mamakaawang saad ni Andrea. Nag takip pa sya ng balabal.

Parehas naman kaming natawa ni Aexiqn. "Huwag kanang makulet ATE Andrea." Lalo akong natawa nang diinan ni Aexniqn ang salitang Ate. Napakamot naman sa ulo si Andrea. Mukhang wala na syang magagawa kung hindi ang tumahimik.

"O sya kayo ay pumaroon na, bilisan nyo lamang pagkat ayokong mapag isa rito sa mansyon." Parang nangingilabot na saad ni Andrea. Tumawa ako. "Baka andyan si Esteban, Andrea? Alam mo na binabantayan ka?" Natatawang saad ko kay Andrea.

Bigla namang nanlaki ang mata ni Andrea at sinamaan nya ako ng tingin. "Hindi magandang biro yan, Eeya!" Natatakot na saad ni Andrea. Tumawa kami ni Aexniqn. Sumakay kami ng naka lagot-sign, habang nakangisi.

Nakita ko ang takot sa mukha nya nang lumayo ang kalesa na sinasakyan namin. Nakita ko ang pag tawag nya kay Luningning kaya lalo akong natawa.

Mabilis kaming nakapunta sa hospital yata ito. Bumaba kami ni Aexniqn. Nag takip ako ng balabal dahil ayokong naaarawan ang balat ko. Para kasing humihiwalay ang balat ko sa buto ko. Tsk. Weird ko no?

Nang makapasok kami sa kwarto ni Tiya Eleha ay nakita namin na maayos na ang kanyang kwarto. Nakangiti naming kinuha ang kanyang baleta. Inagaw naman ni Aexniqn yung tampipe yata yun sa akin. Basta maleta.

"Akin na ako na ang mag dadala, nakaka awa kanaman na puyat ka kagabi." Sarkastikang bulong sa akin ni Aexniqn. Napataas naman ang kilay ko. Mag sasalita na sana ako nang unahan nya ako.

"Sige po Tiya Eleha baba na po ako!" Nakangiting saad ni Aexniqn. Nakangiti namang tumango si Tiya Eleha. "Hindi kaba nabibigatan nyan Elisabet?" May pag aalalang saad ni Tiya Eleha.

Nakangiting umiling si Aexniqn. "Hindi po Tiya Eleha, mas ayos napong mag buhat ako kisa alalayan ka." Natatawang biro ni Aexniqn. Napasimangot naman ako dahil kailangan nga ng alalay ni Tiya Eleha.

"Ikaw talagang bata ka." Akmang babatuhin si Aexniqn ng tela nang mabilis itong tumawa sabay takbo. Narinig namin ang pag hagikhik nito. Napailing naman ako at lumapit kay Tiya Eleha.

Nilahad ko kay Tiya Eleha ang aking kamay. Tiningnan nya naman ako. "Nag kikita ba kayo ng batang Buenaventura?" Puno ng maotoridad na saad ni Tiya Eleha. Nakagat ko naman ang ibaba kung labi.

Kasabay ng pag tango ko ay ang pag kuha ng kamay ko ni Tiya Eleha. Inalalayan ko sya para makalakad. "Madalas paba kayong nag kikita, Estela Asuncion?" Seryoso pading saad nito.

Napalunok ako sabay tango. Sinara ko ang pintuan ng kwartong pinasukan ni Tiya Eleha.  "Hindi ko nais na mag kalapit pa ang loob nyo Estela Asuncion, hindi ko gusto ang batang yun para saiyo." Seryosong saad ng Donya sa akin.

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Inangat ko ang tingin ko kat Tiya Eleha. "N-Ngunit Tiya Eleha mabait po si A----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang unahan ako ng Donya.

"Alam kung mabuting bata ang Buenaventura nayon, ngunit hindi ba sumasagi sa iyung isipan na minsan naring nasira ng pamilyang Buenaventura ang iyung dangal?" Saad ni Tiya Eleha. Tinutukoy nito ang pag putol ni Don Fortunato sa kasal namin ni Antipatiko.

Kagay labi akong napayuko. "Layuan mo ang batang yun, Eeya. Hindi ko nais na ikaw ay saktan ngunit iniisip ko lang ang iyung dangal bilang isang Andres, sila ang umayaw sayo kung kaya't sila rin dapat ang lalapit sayo." Mariing saad ni Tiya Eleha.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon