Ika-35

204 10 21
                                    

"T-TIYA ELEHA Meron lang po akong pupuntahan." Pag papaalam ko kay Tiya Eleha. Nag lalagay kami ng mga bagahe sa kalesa. Kasama namin si Liwayway at ang kanyang dalawang kapatid pati si Carlo na uuwi sa Silayan.

Wala silang alam na malayo yun. Doon muna kami pansamantalang uuwi habang hindi pa kami pwedeng lumabas. Nagawa na ngayon ng paraan si Don Fortunato para makuha si Ama. Nakakasiguro daw sya na nasa Maynila lang daw ito.

Kasama nya si Carlo at ilan nyang tapat na tauhan para itakas si Ama. Nag dasal kami kanina para mag karoon sila ng gabay habang itatakas nila si Ama.

Napataas ng kilay si Tiya Eleha. "Saan kanaman papuntang bata ka? Hindi ko alam kung paano mo nakumbinsi ang Don na iyun, tapos ngayon muli kananamang lilisan, Estela Asuncion?" Seryosong seryoso na saad ni Tiya Eleha

Napabuntong hininga naman ako. "Mabilis lang naman po ako Tiya." Pag pipilit ko kay Tiya Eleha. Umiling iling ito at mukhang hindi talaga ito sang ayon. "Hindi maari, ayokong mapano ka, hapon na Estela Asuncion, malapit narin tayong umalis kung kaya't hindi kan maaring lumisan." Mabilis na saad ni Tiya Eleha.

Palihim pa akong napatakip sa aking tenga dahil sa lakas ng boses nito na parang radyo. "Tiya Eleha mabilis nga lang po ako! May pupuntahan lang po ako at mabilis lang yun, gusto ko lang naman pong mag paalam rito." Muli kung pangungulit kay Tiya Eleha.

Umiling nanaman ito. "Hindi maari! Malapit na tayong umalis Es----" hindi na natapos ni Tiya Eleha ang kanyang sasabihin nang biglang mag sumingit sa pinag uusapan namin.

"Tiya, iyo nang payagan si Eeya, mukhang mag papaalam lang naman ito sa kanyang matalik na ka-i-bigan kung kaya't payagan mo na ito." Pag sisingit ni Andrea. Napataas ang aking kilay nang marinig ang sinabi nyang 'Ka-i-bigan'.

Mukhang hindi yun narinig ni Tiya Eleha kung kaya't naka hinga ako ng maluwag. Pinag taasan ni Tiya Eleha si Andrea ng kilay. "Pati panaman ikaw Elisabet Andrea? Iyung kakampihan ang iyung kapatid kagaya ng ginagawa ng iyung Ina? Aba'y kaya lumalaki ito---  " hindi na natapos ni Tiya Eleha ang mahaba nitong sermon nang muling sumingit si Andrea.

"O sya ikaw ay pumaroon na, bilisan mo lamang Eeya, kailangan mong umabot, baka ikaw ay maiwan dito at maisipan mong makipag tan----alam mo na yun Eeya." Kumindat sa akin si Andrea. Na ikinangiti ko.

Mabilis akong sumakay sa isang kalesa na inarkilahan ni Tiya Eleha. Nakita ko ang pag laki ng mata ni Tiya Eleha nang makita nya akong nakasakay na sa kalesang inarkilahan nya. "Estela Asuncion ikaw ay bumalik rito bata ka!" Nag hehestirikal na saad ni Tiya Eleha.

Ngumiti ako kay Tiya Eleha sabay kaway. "Mag kita nalang tayo sa daungan Tiya!" Nakangiting saad ko. Ngumiti pa ako kay Andrea, ngumiti rin ito sa akin.

Nakit kung napatingin si Tiya Eleha kay Andrea. Nang nakita nyang nakangiti ito habang pakaway kaway sa akin ay kinurot nya ang sikit ni Andrea. Nakita kung maraming sinabi si Tiya Eleha kay Andrea kaya mahina nalang akong natawa.

Umayos ako ng upo ng hindi ko na matanaw sila Tiya Eleha. Biglang lumungkot ang aking puso na ngayon ay ang pag layo ko kay Antipatiko. Paano kung makauwi ako na hindi ko man lang sya nakakausap?

Paano kung makaalis ako rito sa panahon na ito na hindi ko man lang sya nakikita o nahahawakan? Paano pag gising ko na wala na ang taong naging mahalaga sa akin sa panahon na ito? Paano kung makauwi na ako.

Malalim nalang akong napabuntong hininga at nilaro ang aking daliri. Mabilis lang na nakarating ang kalesang sinasakyan ko sa harap ng mansyon nila Antipatiko.

Nakakasiguro akong nakauwi na yun mula sa kanyang pag aaral. Nakakasiguro akong wala na akong aalalahanin dahil tapos na sya sakanyang pag aaral. Natapos na sya. He did it.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon