Ika-8

518 28 28
                                    

"HOY! ESTELA ASUNCION! Ang aga mo yatang matutulog?" Nakangising saad ni Aexniqn nang makapasok sya sa kwarto ko. Inis ko naman syang tiningnan pagkat antok na antok na ako.

Ang dami kasi naming ginawa ni antipatiko ngayong araw. Kaya sino ang hindi mapapagod, aber?

"Lumabas kanga! Inaantok na ako!" Iritang saad ko habang sinisiksik ang sarili ko sa kutsyon. Tumawa naman sya ng malakas bago tumalon sa kama kung napaka tigas. "Aray! Bakit ang tigas naman nitong kama mo!" Nakangiwing saad ni Aexniqn na ikinatawa ko.

"Tsk! Bakit kaba kasi nandito? Pati kama ko pinipintasan mo pa!" Pag tatanggol ko sa kama ko na talaga namang napaka tigas. Nakangiwi naman akong tiningnan ni Aexniqn. "Nakalimutan mo na ba na mag sisimbang gabi tayo?" Ngiting ngiti na saad ni Aexniqn.

Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Ano naman kung mag sisimbang gabi tayo? Napapagod na ako sa buong araw na ginawa namin ni antipa-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung biglang sumigaw si Aexniqn.

"Sabi na, eh! Sabi na eh! May gusto ka sa Ex crush ko then binigay mo kay Ezequiel ang bataan! Paano ang position ng pag versace on the floor nyo?! Mas maganda ba at mas magaling ang lalaking dito sa pana-----" hindi ko na sya pinatapos, pinatukon ko sya ng napaka lakas na ikinanguso nito.

"Tumahimik kanga baka may makarinig sayo!" Iritang saad ko. Humagakhak naman si Aexniqn. "Tara na kasi Reighn! Simbang gabi na tayo! Ayaw mo bang sumama? Ayaw mo bang makita si Ezequiel Buenaventura mo?" Ngiting ngiti na saad nito.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Ano bang connect ni antipatiko sa pag sisimbang gabi ko? Saka pwede ba! Ayaw kung sumama masakit mga katawan ko! Nakakapagod kayang mag gala buong mag hapon!" Pag tataboy ko kay Aexniqn tumawa naman ito nama'y ngisi.

"Sayang ang pag kita nyo ni Ezequiel, Reighn! Ano namang sasabihin ko kay Ina, ha?" Nakangising saad ni Aexniqn. Nag talukbong ako ng kumot. "Sabihin mo masakit ang ulo ko." Saad ko kay Aexniqn.

"Ok! Ok!" Natatawang saad nito. Narinig ko nalang ang pag bukas at pag sara ng pinto. Nakangiti kung tinanggal yung kutsyon na tinaklob ko sa mukha ko.

Mukhang wala nang istorbo sa pag tulog ko. Nakangiti kung kinuha ang isang unan sa gilid at siniksik ang ulo ko doon. Hindi pa napipikit ang mata ko pero may kumatok agad na sunod sunod.

Inis na inis kung tiningnan ang pinto. Tsk. Huwag na lang kaya akong mag palagay ng pinto?

"Bukas." Walang ganang saad ko. Nang mag bukas ang pinto ay niluwa ang nag aalalang si Ina. "Eeya anak, may masakit ba sayo? Sabi ni Elisabet ay may sakit kadaw." Nag aalalang saad ni Ina.

Nakangiti akong umiling sakanya. "Ayos lang po, napagod yata ako kanina." Kamot ulo kung saad. Tumango tango si Ina, nandoon padin ang pag aalala sa mukha nya. "O sya, nais mo bang hindi na ako sumama para may kasama karito sa mansyon?" Nakangiting saad ni ina.

Umiling iling ako. "Ayos lang po ako, mag simba na po kayo, itutulog ko lang ito." Nakangiting saad ko kay Ina. Tumango tango si Ina at hinaplos ang pisnge ko. "Sige ipahinga mo na lamang yan, kapag may kailangan ka anak, huwag kang mag alinlangang tawagin si Liwayway, ha?" Tumango tango pa si Ina.

Ang dami nyang sinabi bago lumabas sa pintuan. Huminga ako ng malalim at muling nag kumot. Ilang minuto lang ay narinig ko na ang mga kabayong nag si alisan.

Mukhang naka alis na sila Ina.

Hayahay na ang dulog ko nito. Nakangiti ko uling yinakap yung unan. Pinikit ko ang mata ko at dinamdam ang lambot ng unan. Buti naman malambot yung unan, kung matigas pa ito baka sa sahig nalang ako matutulog.

Nakangiti kung pinikit ang mata ko.

Napangiwi ako nang hindi na ako makaramdam ng antok. Inis akong lumipat ng pwesto. Nang hindi ako komportable sa pwesto ay dumapa ako. Muli akong umikot. Humiga ako ng kalahati. Umusog ulit ako. Nang muntik na akong mahulog ay inis kung sinipa sipa yung mga unan ko sa gilid.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon