Ika-18

280 16 47
                                    

"SEÑORITA ESTELA Asuncion, meron po kayong liham galing kay Señorito Ezequiel." Napatayo ako mula sapag kakahiga nung marinig ko ang sinabi ni Liwayway.

Binuksan ko ang pinto at kinuha yun kay Liwayway. "Kapag nag tanong si batchoy sabihin mo hindi ko nakuha." Walang expresyong saad ko kay Liwayway.

Sunod sunod naman itong tumango. "Masusunod po Señorita." Hindi na ako nag salita at sinara na lamang yung pintuan. Bumontong hininga akong umopo sa tapat ng salamin ko.

Napatitig ako sa Sulat ni antipatiko. Hindi ko mabilang kung naka ilang sulat na sya sa akin na hindi ko na sagot. Maganda ang pag kakasulat nya sa papel habang may nakaipit na iba't ibang klaseng rosas.

Hindi ko tinatapon ang sulat na binibigay ni antipako. Binabasa ko ito at tinatabi. Napabuntong hininga muli ako bago inamoy ang rosas na naka ipit sa sulat.

Gusto ko sanang mapangiti ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Binaba ko ang rosas at binuksan ang sulat ni antipatiko ngayong araw. Mag dadalawang lingo narin simula nung umalis sya. Dalawang lingo nadin akong nangungulila sa hindi malamang dahilan..

Nakangiti ako nung makita ko ang penmanship nito. Napaka ganda na animong babae ang nag sulat. Halata ang effort sa pag susulat nya dahil napaka linis at walang duming tinta kagaya ng sa akin.

Gagawa sana ako ng sulat para sakanya bilang tugon pero dahil nahiya ako sa sulat ni antipako ay tinamad na ako. Baka sabihin nya hindi ako marunong mag sulat.

Duh, ballpen kasi ang gamit ko. Hindi tinta na sinasawsawan ng balahibo ng pabo. Tsk.

Magandang umaga Eeya,

Nakakasiguro akong umaga
riyan sa San Andres. Ang sabi sa akin ni Batchoy ay hindi mo raw natanggap ang liham ko nung biyernes, sana ang liham kung ito ay iyung matanggap.

Nais sana kitang tanungin kung may puot o hinnanakit kaba sa akin? Bakit hindi ka pumunta sa daungan ng lumisan ako sa San Andres? Nag karoon ba tayo ng problema, Eeya?

Kung meron man tayong problema sana'y sabihin mo sa akin sa pamamagitan ng liham na ito. Hindi kasi ako maaaring umuwi riyan sa San Andres. Nangako ako sa iyung Ama na kapag ako ay babalik riyan ay sa unang lingo na bago ang ating kasal.

Paumanhin na lamang Eeya kung may nagawa akong pag kakamali, meron akong inipit na kulay puting rosas na ang pinapahiwatig ay tunay at taos pusong damdamin ko sayo bilang kaibi gan.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon