Ika-42

256 17 0
                                    

"NATAPOS DIN ANG NAKAKA PAGOD NA Araw." Natatawang saad ko kila Liwayway, Luningning, Ligaya at Aexniqn. Natatawa rin silang tumango. "Syang tunay Señorita, buti na lamang ay may pumakyaw nang ating tinda, kung hindi ay baka abutin pa tayo nang pag sigaw ni Mang siw." Tukoy ni Liwayway sa nag titinda nang balot. Pumasok kami sa loob nang bahay nila Liwayway.

Bumungad sa amin sila Tiya Eleha na abala sa pag tatahi. "Magandang gabi po." Mag bati namin sa dalawang Ginang tumango lang sila sa amin. "O sya kumain na kayo, tiyak akong gutom na kayo." Nakangiting saad ni Aleng Benang. "Halika sumunod kayo." Sumonod sila Aexniqn ngunit ako ay tumingin lang kay Tiya Eleha na animong may hinahanap.

"Si Ama, Tiya?" Nag aalalang saad ko habang patingin tingin sa paligid. Ngumiti naman si Tiya Eleha sa akin. "Sya'y nag papahinga, mukhang napagod si Amando sa kabubuhat kay Calista." Natatawang saad ni Tiya Eleha. Napangiti naman ako.

"Ganon po ba?" Nakangiting saad ko tumango lang si Tiya Eleha at pinag patuloy ang kanyang pananahi. Nag lakad ako papasok sa kwarto ni Ama. Nasa pintuan palang ako nang kwarto nya ay nakita ko na si Ama, tulog na tulog ito na parang ang daming ginawa ngayong araw.

Mapait akong napangiti. Hindi kagaya nang dati si Ama, dati napaka lakas nya at parang kayang maki marathon. Pero ngayon? Unting galaw nya ay napapagod na ito agad. Muli nalang akong napa buntong hininga at nag lakad papunta sa kusina.

Ayokong maging malungkot at iyakan si Ama na buhay pa ito. At hinding hindi ako iiyak dahil hindi mawawala sa akin si Ama.

Nang makarating ako sa kusina ay napataas ako nang makitang nakain na sila Liwayway. Tsk? Hindi man lang ako hinintay? Nakakahiya talaga sa mga ito.

Umopo ako sa lamesa at nag simulang kumain. Halos lahat kami ay kanano sa pagkain dahil napaka sarap nang ulam. Tinapa at kamatis na ginisa ang ulam. Napaka sarap nya at ito ang paborito ko. Tsk.

Nang matapos kami ay kanya kanya kaming lagay nang plato sa lababo. Napahinto ako sa pag lalagay nang plato sa lababo nang makita ang isang malaking bilao. "Tiya Eleha ano yan?" Takang saad ko sa bilao na tinatakpan nang tahon nang saging.

"Biko." Simpleng saad ni Tiya Eleha. Nacurious naman ako. "Pwede patiki-----" hindi ko pa nalalapit ang aking kamay sa dahon nang saging nang biglang hampasin ni Tiya Eleha ang aking kamay.

"Hindi maaari Estela Asuncion." Seryosong saad ni Tiya Eleha. Napanguso ako. "Bakit naman Tiya Eleha?!" Parang batang saad ko. Pinaningkitan ako nang mata ni Tiya Eleha. "Anong bakit?! Bakit?! Yan ay pinaluto ng Ina ni Seguzam, kung kaya't iyung ihatid mo ang biko nayan sakanilang baha-----" hindi ko na pinatapos si Tiya Eleha.

"AYOKO NGA PO!" Andon si Antipatiko. Parang tangang saad ko. Tinaasan nya ako nang kilay na animong sinusuri. Napaiwas naman ako nang tingin. "Jusmeyo kang bata ka! Ihatid mo na ang bikong iyan! Kung si Ezequiel ang dahilan kung hindi mo nais na ihatid yan huwag kang mag alalay pagkat sya ay-----" Nanlalaki ang aking mata na hindi sya pinatapos.

"UMALI NA SI ANTIPATIKO?!" Nahihibang na saad ko na parang gustong tumakbo sa daungan para sundan si Antipatiko. Napangiwi ako sa sakit nang kurutin ni Tiya Eleha ang tagiliran ko. "Ihatid mo yan para iyung malaman kung nakaalis ang iyung Antipatiko!" Namula ako sa sinabi ni Tiya Eleha.

Hindi lang pala ako dapat maging handa sa mga salita ni Antipatiko. Dapat pala sa lahat nang tao din na may alam nang relasyon namin. Tsk.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon