Ika-37

189 13 14
                                    

DALAWANG BUWAN MULI ANG LUMIPAS....

"ANDREA! Bakit hindi mo man lang paarawan si Calista?!" Malakas na saad ko. Napangiwi naman si Andrea. "Huwag kang masyadong maingay Eeya, baka muling umiyak si Calista." Parang inaantok na saad ni Andrea.

Napabuntong hininga naman ako. "O sya ako nalang ang mag papaaraw kay Calista, tapos ko naman nang mapakain si Ama, eh." Nakangiting pag aalok ko kay Andrea. Nawala ang aking ngiti sa labi nang makita ko ang mapanuring mata ni Andrea habang nakatingin sa akin.

Napahagipgip ako sabay irap. "Wala naman akong gagawin sa Anak mo, teh. May nakakain panaman tayo kaya huwag ka! Hindi ko ibibinta ang napaka cute mong anak!" Marahan ko pang pinisil ang pisnge ni Calista.

Natawa naman si Andrea. "O sya ikaw na ang bahala kay Calista, ha? Huwag mong bitawan kapag umiyak." Natatawang saad ni Andrea. Napangisi naman ako. "Akin na Andrea!" Tuwang tuwa na saad ko habang naka buka ang dalawa kung kamay.

Mahinang natawa si Andrea. "Dahan dahan lamang Eeya, baka muli nanamang mapilayan si Calista, hindi ko nais na makitang naiyak ito dahil masama ang kanyang pakiramdam." Napangiwi ako kay Andrea.

"Ito naman! Huwag kang mag alala ayos na ayos sa akin si Calista, matulog kanalang at mag pahinga! Mag lalakad lakad lang kami ni Calista sa may pangpang, sasalubugin narin namin ni Calista si Carlo!" Nakangiting saad ko sa dulo. Napasimangot ako nang makitang mapang asar na mukha ni Andrea.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Titingnan ko lang kung malakas ang huli! Saka may tinda pa kami!" Mabilis na saad ko. Natawa naman si Andrea. "Wala akong sinasabi Eeya." Pailing iling na saad ni Andrea.

Napairap nalang ako. "Tsk, tara na nga Calista!" Nakangiting saad ko. Nakayakap sa akin si Calista. Tsk. Napaka cute na bata. "Sansali lamang Eeya, hito ang kanyang pamunas." Kinuha ko sa kamay ni Andrea yung towel.

"Sige, alis na kami." Nakangiting paalam ko. Nag lakad ako palabas. Nakita kung nag wawalis si Aexniqn kaya kinawayan ko sya. "Hoy! Samahan mo ako! Paarawan natin si Calista!" Nakangiting pag yaya ko.

Napangiwi ako nang umiling si Aexniqn. "May gagawin pa ako Yacelia." Saad nito habang nag wawalis. Napangiwi akong tumango. Nag simula na muli akong nag lakad. Nakita ko ang mukha ni Calista na nakatingin sa likod ko.

Napatingin naman ako sa likod ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang pamilyar na multo. Napakurap kurap muna ako bago ko tinitigan ng maigi kung tama ba ang aking nakita.

Nakagat ko nalang ang ibaba kung labi sabay bumuntong hininga nang wala na akong makita. Tsk. Guni guni.

Nakangiti nalang akong nag lakad sabay dalampasigan. Hindi pa masyadong mainit sa balat ang araw. Exsakto lang ito sa balat ng bata pata mag bigay ng bitamina.

Napangiti ako nang makita ang barko nila Carlo. Nakangiti akong kumaway roon. "CALISTA TINGNAN MO OH! ANDYAN NA YUNG BANGKA NG FUTURE NINONG MO!" Tuwang tuwa na saad ko.

Paano ba naman kasi ako matutuwa? Babayaran na ni Carlo ang utang nya sa akin. Hahaha! Ililibre nya daw ako mamaya ng isaw at barbeque! Awit. Awit.

"CARLO MALAKAS BA ANG HULI?!" Nakangiting saad ko kay Carlo nang makalapit sila samay pangpang. Ngumiti ito sa akin sabay tango. "Opo Yacelia, sapat naman na para mabayadan ang utang ko  sayo." Nakangiting saad ni Carlo.

Napangiti naman ako. "Dapat double pay yun,  ha?!" Nakangiting saad ko. Nakita ko ang pag kunot ng nuo nya. Napangiwi ako. "Basta! Dapat double ang ibabayad mo sa akin! Dagdagan mo narin ng prutas para bongga." Nakangiting saad ko.

Nakita ko ang pag ngiwi ni Carlo. "Hindi kalang kuripot Yacelia, manggagantso kadin." Sarkastikang saad nito. Napataas ang kilay ko sabay irap. "Hindi ha! Saka isapa kailangan kung kumita lalo na sa panggatas nito." Turo ko kay Calista.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon