Ika-46

256 14 15
                                    

"AYOS KALANG BA Andrea?" Puno nang pag aalalang tanong ko kay Andrea. Naka higa sya sa kama habang ang kanyang mukha ay namumutla. Nakangiting tumango sa akin si Andrea. "O-Oo naman aking kapatid. A-Ayos lamang ako, marahil ay nakulangan lang ako nang tulog kagabi." Kagat labing saad ni Andrea bago ngumiti nang tipid sa akin. Agad syang tumayo.

Mabilis naman akong lumapit sakanya bago hinawakan ang kamay nya para alalayan sya. Agad na nanlaki ang aking mata nang maramdaman ko ang init nang kanyang balat. "I-Ikaw ay may lagnat? Nahawaan kayata ni Calista." Nag aalang saad ko nang maramdaman ko ang init nang kanyang balat.

Mabilis na lumayo sa akin si Andrea. Agad syang nag lakad papunta kay Calista at agad nya itong tinitigan. "A-Ako ay ayos lamang Eeya. Mawawala rin ito." Mabilis na saad ni Andrea. Inayos nya ang pwesto ni Calista mula sa pag kakahiga.

Napabuntong hininga naman akong lumapit sakanya. Umopo ako sa gilid. "Hindi kaayos Andrea. Kailangan mong mag pahinga. Para bumalik ang iyung lakas tingnan mo ang iyung mukha, mukha kanang matanda, mas mukha kapang matanda kay Tiya Eleha." Natatawang biro ko kay Andrea. Nakita ko ang pag nguso nito.

"Eeya naman eh. Ako ay pagod lang. Ngunit hindi ko kailangan mag pahinga. Mamaya ay aalis pa kami ni Calista. Sya ay aking dadalhin sa manhihi-----" hindi ko na sya pinatapos. Agad akong nag salita habang may ngiti sa labi.

"Nais mo bang ako ang mag pahilot kay Calista? Aking isasama si Liwayway at Carlo." Nakangiting saad ko kay Andrea. Agad na nag taas ang kilay ni Andrea. Bago mabilis na umiling na para bang may na sabi akong masama! Oh gosh! Bakit parang hindi ako pinag kakatiwalan ni Andrea?! Mukha ba akong masama?! Hindi naman ha?! Mukha kaya akong maganda duh!

"Grabe naman yang mukha mo Andrea! Parang may gagawin ako kay Calista ha!" Nakangiwing saad ko kay Andrea. Mahina hina pa ang pag kakasabi ko dahil baka magising si Calista. Napanguso ulit si Andrea. "Ako lamang ay natatakot na baka bitawan mo si Calista kung sakaling ikaw ay mainis kay Carlo, Eeya." Kakamot kamot ulong saad ni Andrea.

Nanlaki naman ang mata ko sakanyang sinabi. "Ano ako baliw? Bakit ko naman bibitawan si Calista kung pwede ko naman syang ihagis papunta sa mars." Hagikhik na tawang saad ko. Mahina namang tumawa si Andrea. "I-Ikaw talaga ay masyadong pilya Eeya. Parehas kayo ni Elisabet noon." Natatawang saad ni Andrea. Agad na napangunot ang aking nuo.

Elisabet? Si Aexniqn ba kamo?

"Elisabet noon?" Takang tanong ko kay Andrea. Tumango ito bago ngumiti nang tipid. "Oo si Elisabet noon. Sya kasi ang palaging maingay at kung mag salita ay parang walang kabukasan noon. Ngunit nang matapos ang aksidente nung nakaraang taon sainyo. Parang nag kapalit kayong dalawa ng anyo. Kung totoo lang ang mahika na pwedeng mag kapalit kayong dalawa, ako ay maniniwala na kayong dalawa ay nag kapalit ng katawan." Natatawang saad ni Andrea.

Biro lang ang pag kakasabi nya. Pero hindi ko alam kung bakit parang totoo ito.

Mas lalong nangunot ang nuo ko. N-Nag kapalit kami nang katawan? Ni Aexniqn? Kung ganoon dapat ako si Aexniqn at si ako ay si Aexniqn ganoon ba? Hindi ko maintindihan. Nakagat ko ang ibaba kung labi. Totoo ang mahika. Kung hindi yun totoo pa ano kami nakapag time travel dito?

Mag tatanong sana ako kay Andrea pero hindi ko na nagawa nang biglang bumukas ang pintuan nang kwarto namin. "Señorita Estela Asuncion, paalis na po sila Señorita Elisabet Asahara. Kayo po ay kanila nang hinihintay kasama ang aking kapatid na si Liwayway." Magalang na saad ni Luningning.

Nakanguso akong tumayo. Bago tumingin kay Andrea na kamot ulo. "Aalis na pala ako. Basta ikaw mag pahinga kana Andrea ha? Mamaya kami na nila Liwayway ang mag papahilot kay Calista." Nakangiting saad ko kay Andrea. Napabuntong hininga ito sa akin.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon