Ika-4

704 33 33
                                    

"PALAGI KABANG nakain ng bibingka rito, Binibining Eeya?" Nakangiting saad ni antipatiko bago umopo sa harap ko. Napataas naman ang kilay ko sakanya. "Ang angas din ng pang amoy mo no? At ang kapal din ng mukha mo." Inis na inis na saad ko namay halong sarkastika. Hindi pala sya halo kung hindi puno ng kasarkastikahan.

Tsk. Bakit ba kasi hindi agad ako umalis? Dapat pala inipit ko nalang sa binti ko yung bibingka para masama ko papasok sa simbahan. Tsk. Dapat hindi ako na abutan ng antipatikong ito.

Tumawa lang ang antipatiko sabay tingin sa bibingkang nasa harap nya. "Tila may kasama ka Binibining Eeya? Asan na sya?" Nag tatakang saad nito sabay tingin sa paligid.

Napangiti naman ako sa naisip ko. Parang gusto ko ngayong maging sad gurl, ha? Dahil nakita ko si Calix dito, idadamay ko na sya. Take note idadamay ko lang talaga sya at wala akong gusto sakanya. Tsk.

"May kasama nga ako.." puno ng lungkot na saad ko. Napatingin naman sya sa akin ng puno ng kaseryosohan. "Talaga binibini? Baka anino mo lang ang iyung tinutukoy." Nawala ang ngiti ko sa labi nung sabihin nya yun at bigla syang natawa.

Sinamaan ko sya ng tingin sabay singhal. "Alam mo nakakainis kano?" Puno ng kairitahang saad ko. Tsk. Mukhang bigo ako sa pagiging sad gurl ngayon. Siguro next time nalang. Napaka epal kasi ng antipatikong ito.

"Nakakainis? Hindi ako nakakainis binibini, sadyang nag-----" hindi ko na sya pinatapos inis kung kinuha yung dalawang bibingkang mukhang hindi pa nabayaran ni Andrea. Tsk. Bahala na si Batman. "Bahala kadyan." Mabilis na saad ko sabay lakad.

"Binibini! Binibini!" Rinig kung habol ni antipako. May ilan pang napapatingin sa amin bago mag bubulungan. Napairap nalang ako sabay kagat ng bibingka. Napahinto ako sa pag lalakad nung malasahan ko ang bibingka ni aleng pura.

Nanuot ang alat sa dila ko, marahil ay sa itlog na maalat sa ibabaw. Napatango tango ako at umiling kumagat. Napaka sarap pala ng bibingka? Parang mamon lang ang lasa nya pero mas ispesyal pa.

"Ngayon kalang ba nakatikim ng Bibingka, binibini?" Nakangiting saad ni antipako. Nawala ang ngiti ko sa labing tiningnan sya. "Ano naman kung ngayon lang ako nakatikim? Kasalanan ko bang ngayon lang din ako naka pag simbang gabi." May halong iritang saad ko at muling nag lakad.

"Ngayon kalamang nakapag simbang gabi, Binibini?" Parang hindi makapaniwalang saad ni antipako. Inis nanaman akong napahinto at hinarap sya. "Oo, tatawanan mo nanaman ba ako?"  Mataray na saad ko.

Tumango sya bago tumawa. "May kagaya mo papalang, Binibini na hindi pa nakakapag simbang gabi." Humahagakhak na saad nito pero mahina lang may ilang napapatingin na kasi sa amin dahil nandito pa kami sa mismong gitna ng simbahan at mga tindahan nag uusap. Sinamaan ko sya ng tingin. "Tseh!" Inis nanaman akong nag walk out at nag lakad papunta sa madilim na parte nitong simbahan.

Umopo ako sa upuang bato. Tanaw na tanaw dito si Ina at Aexniqn mukhang hinahanap na kaming dalawa ni Andrea. Tsk. Ayoko panamang pumasok sa loob. Hindi ko na nga maintindihan ang sinasabi ng prayle, baka lalong hindi ko pa maintindihan dahil nag tatawag ito.

Tsk. Nakakatakot namang mag simba dito, may recitation tsk.

"Hindi kaba papasok sa loob, Binibining Eeya?" Muntik na akong mahulog sa maling tao este sa upuan nung may umopo sa gilid ko. Sinamaan ko ng tingin si antipatiko. Nung tumawa ito ay napairap nalang ako. "Ayokong pumasok sa loob." Baka masunog ako. Nakangiwing saad ko.

Napakunot naman ang nuo ni antipatiko. "Bakit naman Binibining Eeya?" Natatawang saad nito. Sinamaan ko sya ng tingin. "Eeya nalang, huwag mo na akong tawaging Binibini, hindi mo naman pangalan yun." Mataray na saad ko.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon