Ika-48

685 18 94
                                    

"SA WAKAS! Nakita din kita!" Malakas na sigaw ko at agad na sinampal ang mukha ni Rafael. Tumakbo pa ako para mapuntahan agad sya. Buti nalang buhat buhat ni Carlo si Calista kung hindi baka mahagis ko si Calista sakanya. Naka abang sya sa may pintuan ng mansyon na pinuntahan namin ngayon ni Carlo. Mukhang alam nya talaga na pupunta kaming dalawa ni Carlo.

"A-Aray." Agad na saad ni Rafael matapos ko syang sampalin. Napahawak sya sa pisnge nya bago nya ako tiningnan. "P-Para saan naman iyun?" Nakangiwing saad ni Rafael.

Sarkastika akong tumawa bago nag cross arms. "Dahil sayo. Dahil sayo! Dahil sa pamilya nyo! Nasira ang pamilya namin!" Malakas na sigaw ko sa mukha ni Rafael. Napanguso naman si Rafael. "Grabe ka ah. Parang hindi din ako biktima." Nakangusong saad ni Rafael. Pinag taasan ko sya ng kilay. Mag sasalita na sana ako kaso biglang lumingon si Rafael sa likod ko.

"Uy! Kay gandang bata!" Nakangiting saad ni Rafael. Bago mabilis na lumapit kay Carlo. Napasinghal ako nung itulak nya pa ako para makadaan sya at makapunta kay Carlo. Tsk. Bwiset nato! "Maaari ko ba syang mabuhat Carlo?" Nakangiting tanong ni Rafael.

Tumingin sa akin si Carlo. Inikot ko ang mata ko bago tumango. "Ayusin mo pag bubuhat mo ah. Pag yan na pilayan. Papatayin kita." Nakangiwing saad ko habang naka cross arms. Dahan dahang kinuha ni Rafael si Calista kay Carlo. Buti nag pabuhat si Calista kay Rafael. Tuwang tuwa naman si Rafael nung mabuhat nya si Calista. "Paano nag karoon ng sanggol sainyo Estela?" Takang tanong ni Rafael sa akin habang buhat buhat nya si Calista.

Mag sasalita na naman sana ako kaso bigla akong na unahan ni Carlo. "Mas makakabuti sigurong pumasok tayo sa loob." Saad ni Carlo. Mabilis namang tumango tango si Rafael. "Mabuti nga iyun." Napairap ako nung nag lakad silang dalawa papasok ng mansyon nila Rafael. Mabilis naman akong sumunod. Tuwang tuwa si Rafael kay Calista nung umopo sa sofa. "Kay ganda mo namang bata. Tiyak akong marami kang mapapaibig na Ginoo pag ikaw ay nag dalaga." Nakangiting saad ni Rafael.

Suminghal naman ako. "Napaka bata pa ni Calista. Pag ibig agad yang sinasabi mo. Saka maganda talaga si Calista pag laki. Mana sya sa akin no." Pataray na saad ko kay Rafael. Napatingin naman sa akin si Rafael.

"Kaano ano kanaman ni Calista? Hindi mo naman sya kahawi-----" Inis kung pinutol si Rafael. Agad akong nag salita. "Anak ko si Calista." Mabilis na saad ko matapos syang putulin sa pag sasalita. Tinaasan naman ako ng kilay ni Rafael. "Hindi nga Estela?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rafael sa akin. Mabilis ko syang pinaningkitan ng mata. "Gusto mo bang masampal ulit?" Inis na tanong ko kay Rafael.

Agad namang ngumiti sa akin si Rafael. "Mag kahawig nga kayong dalawa ng buhok. Mag ina nga kayo." Nakangiting saad ni Rafael. Umirap ako. Nakita ko syang tumingin kay Carlo. "Anak nya ba talaga si Calista?" Dinig kung tanong ni Rafael kay Carlo gamit ang mahinang tinig nito. Mabilis kung sinipa si Rafael. "Backstumber ka ha!" Inis na saad ko kay Rafael.

"Akin na nga si Calista. Baka madikitan pa sya ng mikrobyo." Inis na saad ko at mabilis na kinuha si Calista kay Rafael. Ngumiwi naman si Rafael. "Grabe kanaman sa akin Eeya. Parang hindi tayo mag kaibigan." Nakangiwing saad ni Rafael sa akin. Sininghalan ko sya. "Hindi naman talaga ha. Saka hmp! Galit padin ako sayo! Pasalamat ka wala kaming dalawa ni Calista mapupuntahan kung hin----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung bigla din akong putulin sa pag sasalita ni Rafael.

"Batid mo naba? Na ikakasal na si Ezequiel kay Amor?" Mabilis na tanong sa akin ni Rafael. Na para bang nag mamarites. Mabilis ko syang tinaasan ng kilay. Sisipain ko nanaman sana sya kaso biglang nag salita si Carlo. "Nabalitaan namin kanina. Habang tinatahak namin ang iyung mansyon. Batid mo ba kung saan tutungo ang pamilya Buenaventura?" Tanong ni Carlo kay Rafael. Sumeryoso ang mukha ni Rafael bago mabilis na tumango. "Balita ko sa mga nag mamanman sa kanilang Hacienda. Nalaman ko na sila ay tutungo sa Hacienda ng mga Velasco. Sa Hacienda nila Amor." Pahina ng pahina na saad ni Rafael.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon