Ika-22

277 17 19
                                    

NANG MAKABALIK ako sa lamesa namin ay napataas ang aking kilay nung makitang nakatingin sila sa akin. Nakita ko ang pag ngiti ng dalawang Donya at ang pag sama ng mukha ni Ama. Humagakhak naman si Don Fortunato.

"Mukhang naka kamit ng sobresaliente ang aking anak sa iyung anak kump----" hindi na natapos ni Don Fortunato ang sasabihin nya nung biglang mag salita si Ama. "Tumigil ka Fortunato walang nakaka tawa roon." Seryosong saad ni Ama.

Humagakhak naman si Don Fortunato. Napatingin ito sa pintuan nung mag bukas ito. "Anak, nariyan kana pala anong nangyari at hinihingal kayata?" Nakangising saad ni Don Fortunato habang ang kanyang tingin ay nakay Ama na ngayon ay nakasimangot.

Napakamot naman sa ulo si Antipatiko bago lumapit kay Ina, Tiya Eleha, Donya Adelle, Don Fortunato para mag mano. Napahinto ito nung nasa tapat na sya ni Ama. "Magandang gabi po Don Amando." Nakangiting saad ni Antipatiko kay Ama.

Nakabusangot na kinuha ni Ama ang kamay ni antipatiko para pamanuhin ito. "Walang maganda sa gabi iho." Naka busangot na saad ni Ama. Tumawa naman si Don Fortunato kaya palihim nalang akong natawa.

"Magandang gabi Eeya..." Nakangiting saad nito sa akin nang umopo sya sa harap ko. Narinig ko ang pag hagikhik ng tatlong Donya mukhang kinikilig sila kay Antipatiko. Napabusangot nalang ako sabay tango.

Kakain narin sana ako kagaya ng ginagawa ni Aexniqn na pag lamon nung biglang mag salita si Esteban na ikinatigil ko. "Eeya? Bakit na sayo ang Amerikana ni Ezequiel?" Tukoy ni Esteban sa Coat na ngayon ay naka sakbit sa akin.

Napatingin naman ako sa suot kung coat. Tsk. Issue nga pala dito ang mga ganyan. "Oo nga naman iha? Bakit nasa iyo ang Amerikana ng aking anak." Mapang asar na saad ng Ama ni antipatiko na walang iba kundi si Don Fortunato.

Narinig ko ang pag tikhim ni Antipatiko mukhang wala syang masabi. Tsk. Hina naman ng isang ito. Kung nag bibiro sila edi kailangan kung maki sabay. "Bayad po ito ni antipatiko, may utang sya sa akin. Kaya ito na lamang ang binayad nya bukas po ibibenta ko ang Co----Amerikana ni antipatiko kaya kung may balak syang tubusin ito pwede naman po pero trible lang ang bayad." Nakangiting saad ko.

Natawa naman sila. Masyado daw akong pilya. Tsk. Akala ko nga mantikilya eh. "Bakit naman nag karoon ng utang sa iyo ang aking anak?" Natatawang saad ni Donya Adelle samantalang si Antipatiko ay nakamot lang sa ulo.

"May kinuha po kasi sya sa akin, na hinding hindi na maaaring ibalik...." nakangiting saad ko. Napataas naman ang kilay nila mukhang hindi nila na intindihan. Napatingin ako kay Antipatiko.

Bumilis ang tibok ng puso ko nung biglang ngumiti ito ng napaka lawak. Mukhang naintindihan nya ang sinabi ko kung kaya't kinabahan ako. Tsk. Matalino pala ang doctor na ito. Tsk.

Mag sasalita sana ako para bawiin ang sinabi ko pero bumukas amg pintuan. Napataas ang kilay ko nung makita si Amor, yung babaeng impokrita na si Margareta. May kasama silang lalaki na nakangising nakatingin kay Ama.

Mukhang kasing edad lang nila ama ang Don. "Amigo!" Nakangiting saad ng Don kay Don Fortunato. Nakangiting nag yakapan si Don Fortunato at yung Don na kakarating lang. "Amigo." Saad nung Don kay Ama at nag open arms.

Napataas ang kilay ko nung hindi tanggapin ni Ama ang beso nang Don. Tinanguan lang ni Ama yung Don na ikinahiya nito sa amin. Nakangiti nalang tumikhim si Don Fortunato para isalba sa pag kakahiya ang Don na kakarating lang.

Mukhang may alitan ang Don at si Ama. Ano naman kaya yun? Bakit parang may namamagitan na away kay Ama at sa Don?

"Amigo Amando!" Napatingin kami sa pintuan nang mag bukas ulit ang pinto. Lumapit ang isang Don na nakaka siguro akong sya ang Gobernador Heneral. Nag beso sila ni Ama. Nakangiting nag kamustahan si Ama at ang Gobernador Heneral.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon