Ika-28

250 12 17
                                    

ISANG LINGO ang nakalipas simula nang ilibing si Calisto, Ina, At Esteban. Nabalitan kung kagaya ko ay nag mumokmok din si Donya Adelle. Hindi rin sya nakain at lagi nalang nasa kwarto ni Calisto naiyak habang yakap yakap ang uniporme nito.

Dumaan ang isang lingo na nandito lang ako sa loob ng mansyon ni Tiya Eleha. Hindi kami makauwi sa San Andres na mismong tirahan namin dahil iniimbestigahan pa ito.

Sa loob din ng isang lingo ay ni Anino ni Ama ay wala kaming makita. Kahit nandito lang ako sa loob ng silid ay nandito naman si Liwayway at ang kanyang dalawang kapatid para balitaan ako. Naging malapit silang mag kakapatid sa akin dahil sila ang pina alaga sa akin ani ni Tiya Eleha kapag wala sya.

"Hindi mo parin daw nagagalaw ang iyung tanghalian Eeya..." malambing na saad nito. Nilingon ko sya. Nakita kung naka suot pa sya ng uniporme mo kang dumiretso sya dito pag katapos ng escuela. Napatingin ako sa hawak nyang pag kain. Bagong luto ito at mukhang masarap pero mas masarap sya este wala akong gana.

Binalik ko ulit ang tingin ko sa bintana ng aking silid. Tanaw dito ang Manila Bay na sadyang napaka aliwalas tingnan. Sa loob din ng isang lingo ay si Antipatiko ang nag aalaga sa akin. Kapag nasa escuela sya ay sila Liwayway naman.

Napaisip nga ako kung bakit kailangan nila akong alagaan. Wala naman akong sakit, eh? Saka bakit naman nila ako aalagaan? Hindi naman ako paralitiko. Tsk.

Lakas talaga ng trip ng mga ito. Tinatamad lang naman akong mag lakad at bumangon dahil tinatamad ako grabe na agad ang pag aalaga nila sa akin. Nya pala. Tsk. Sarap halikan ng isang ito mga 1,000 hrs katagal. Just kidding pero pwedeng totohanin.

Nakarinig ako ng mahinang buntong hininga. Naramdaman ko ang pag upo ni Antipatiko sa gilid ng kama ko. Nilagay nya sa tapat ko ang pag kain na naka lagay sa tray. Tiningnan ko ang ulam. Baka hindi masarap mahirap na, baka hindi ako nakapag pigil makain ko ang nasa gilid ko. Just kidding times two.

Nakita kung buto buto ang ulam. Napangiti nalang ako sa loob ko. Exsakto ang sabaw ngayon dahil malamig ang gabi. Grabe. Hindi ko feels na malapit nang matapos ang February.

S-Sandali! February ano ngayon?! Ala! February 14 ngayon! Omg! Bakit ko nakalimutan? Hayz. Masaya sana kami ngayon kung walang kontrabida. Pero sino ang kontrabida ikaw ba?

"A-Ako ang nag luto nyan Eeya, iyo nang kainin habang mainit pa." Nakangiting saad ni Antipatiko. Bakas ang pagod sa mukha nya. Tiningnan ko ang maigi ang mukha nya. Halatang halata ang lungkot dito.

"S-Sana ay bumalik na ulit ang dating Eeya, nais ko nang makita ang naka kunot mong nuo." Mahina itong natawa sa dulo. Dahan dahan ko syang tiningnan at pinag taasan ng kilay.

Nang mag tama ang tingin namin ay napa kunot ang aking nuo nung tumawa sya. Inis akong tumayo na ikinagulat nya. "S-Saan ang iyung tungo Eeya?" Gulat na saad ni Antipatiko na akala mo ay mawawala ako sakanya.

Inis ko naman syang pinag taasan ng kilay. Lumapit ako sa kabinet ko at kinuha ang kaparehas ng suot kung purselas. Napangiti ako nung maalalang si Ina ang nag pilit na kuhanin ito.

Mabilis na nawala ang ngiti ko sa labi nung maramdaman kung may mainiy na liquidong lalabas sa mata ko. Pinunasan ko ang aking luha at bumalik sa pag kakaupo ko kanina.

"E-Eeya ayos ka lamang?" Nag aaalang saad ni Antipatiko nang makaupo ako sa aking kinauupuan kanina. Hindi ko sya pinansin. Hinagis ko sakanya yung box na nasalo nya naman. "A-Anong ito Eeya?" Nag tatakang saad ni Antipatiko.

Tiningnan ko sya at inirapan. Sinimulan kung kainin ang sinabawang buto buto na luto nya nadaw. Habang nakain ng buto nya este buto buto ay nakatingin akobsa peripheral vision. Inaabangan ko ang reaksyon nya sa regalo ko.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon