Ika-36

206 10 16
                                    

HINDI NAGING Madali ang buhay namin dito sa silayan. Kailangan mong kumayod para mag karoon ka ng pagkain. Ayos lang naman yun dahil naramdaman at naranasan ko kung gaano kahirap kumita ng pera.

Now I know kung bakit ako iniwan ni Mom kay Tita nuong bata ako dahil kailangan nyang palaguin ang kompanya namin. Ngayon nag sisi na ako kung bakit hindi ako nakikinig sakanya at palagi ko pa syang sinasagot.

Siguro kapag dumating ako sa panahon ko ay marami na akong pag babago. At ang una kung gagawin ay ang pagyakap kay Mom ng napaka higpit sabay sabi ng 'I love you Mom, I'm sorry'.

Sana ay mapatawad nya ako sa mga pinag gagawa ko. Hayz.

"Ama kain na po kayo." Nakangiting saad ko. Maaga palang wala payatang alas siete. Kailangan ko kasing pakainin si Ama bago ako umalis. Mag titinda kasi kami ng isda sa palengke.

Sa nag daang dalawang lingo ay marami na akong natutunan. Kailangan mong mag tipid at mag tabi para sa susunod na araw. Dahan dahan kung tinulungan si Ama na umopo.

Hindi sya nakakapag salita. Mukhang dahilan yun ng lason. Gusto ko sana syang ipa check up sa bayan pero baka makilala sya. Hindi lang basta Don si Ama kung hindi sya din ang magiging Gobernador Heneral ng Pilipinas.

Nakagat ko ang ibaba kung labi nang marinig ang pag ubo ni Ama. Natatakot ako kapag uubo sya dahil minsan ay may kasama iyung dugo. "A-Ama ayos na po kayo?" Saad ko nang makainom sya ng tubig.

Tumango lang ito. Simulan ko na syang pakainin habang nag kukwento ng kung ano ano. "Ama! Nakakatuwa po talaga sa palengke lalo na kapag may nag tatawad na mga tao sa akin! Gusto ko pong matawa dahil masyadong barat ang mga tao, no?!" Natatawang pag kwento ko.

Kailangan kung maging matatag at maging malakas para kay Ama. Hindi ko dapat ipakita sakanya na kagaya ay baon padin ako sa kalungkutan. Nakakasiguro akong kapag nakita nya akong malungkot ay baka sisihin nya ang kanyang sarili.

Napangiti nalang ako nang makita ko ang gilid ng labi ni Ama namay nag mumutawing ngiti. "Ama ganyan ngumiti kayo! Kailangan nyong maging masaya para mawala ang masasamang espirito sa ating katawan!" Nakangiting saad ko.

"Ikaw talagang bata ka! Napaka rami mong sinasabi saiyong Ama!" Pailing iling na saad ni Tiya Eleha. Nag mano ako sakanya. "Tapos kanang mamili Tiya ng ititinda namin mamaya?" Nakangiting saad ko habang kinakalkal ang pinamili ni Tiya Eleha.

Tuwing hapon kasi ay nag titinda kami para sa meiryenda. Kasama ko si Liwayway kapag nag titinda. Si Aexniqn at Tiya Eleha kasi ang nag luluto. Tuwing hapon ay tulog si Ama kaya wala akong po-problemahin.

Kapag gising naman si Ama ay si Andrea ang nag babantay dito. Sya lang naman kasi ang bawal mag kikilos dahil baka anong mangyari sakanya. Katulong lang sya ni Aleng Berta sa pag hahabi ng net yata yun!

Basta sila ang gumagawa ng net para sa pangingisda ni Mang Ernesto at Carlo.

"Ama tingnan mo oh! May saging na binili si Tiya Eleha!" Nakangiti kung nilabas ang saging na latundan sa bayong. Lumapit ako kay Ama at kumuha ng isang saging. Binalatan ko ito at inabot sakanya.

"Ama naman! Kailangan nyo pong kumain ng saging para maging malakas yang buto nyo!" Nakangiting saad ko kay Ama. Napanguso ako nang titigan nya lang ang saging. "Ama naman, eh! Kainin mo na ang saging! Sige ka hindi na ki----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang kunin ni Ama ang saging sa kamay ko.

Nanginginig man ang kanyang kamay ngunit nakuha nya ang saging sa aking kamay. Napangiti ako nang kumagat si Ama doon. "Yan ang galing! Dahil nakain mo ang saging Ama ay may pasalubong ka sa akin mamaya!" Ngiting ngiti na saad ko kay Ama.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon